Chapter 21

27.8K 1.2K 690
                                    



Worse





"Arabella?"

"D-Dad. What are you doing here?"

Sinarado ko ang sketchpad ko at inayos ang kumot ko.

"Bawal na ba kita kumustahin? Sabi ng mama mo hindi ka daw nalabas."

Niyakap ko ang mga tuhod ko at sumandal sa headboard.

"Wala naman po akong gagawin sa labas."

"Na mimiss ka na ni Ernest."

Naupo si Dad sa edge ng kama ko at tinignan yung sketchpad na sinarado ko kanina.

"I didn't know you're into arts."

"Props lang yan Daddy. Para may magawa lang ako habang nandito ako sa kwarto."

Ang katunayan nyan, kaya ako bumili ng sketchpad ay dahil palagi ko itong pinupuno ng drawing. Kung hindi mata, ay labi naman o di kaya buong mukha ni Adrianna.

Hindi kasi talaga sya mawala sa isip ko. Kahit ilang taon na ang lumipas at kahit sabi nila na baka imahinasyon ko lang iyon, umaasa pa din ako na totoong nakita at nakasama ko sya sa mansion nila.

Mahilig lang ako sa mga hindi makatotohanan na bagay, pero hindi ako baliw.

Oo madalas nahihirapan ako i distinguish kung ano ba ang totoo sa hindi pero alam ko sa sarili ko na buhay si Adrianna.

I'm always seeing her in my dreams, and that hot encounter between us keeps repeating in my head. 

I took her virginity; that's what I'm certain of. And I promise to take responsibility, but she's gone. She left me when I was planning to fully open my heart to her. 

"Ipapadala ka daw ng lolo mo sa conference."

Nag angat ako ng tingin at kunot noong tinignan ang Daddy ko.

"Your ate can't make it to the conference because she doesn't want to leave her girlfriend."

"Bakit po ako? Nandyan naman si Primo."

"Primo is busy, while Adrian is still not an expert. At least ikaw may karanasan ka na umattend sa mga ganito."

Napabuntong hininga nalang ako ng ilapag ni Dad ang plane ticket sa ibabaw ng bedside table.

"Kailan po ang alis?"

"Bukas"

Tumango nalang ako. Tinapik lang ni Dad ang kamay ko at tumayo na.

"Cheer up, my Bella. We love you, okay?"

I just waved my hand at him. I let out a tired sigh as I lay down on my bed again after he vanished from my sight. 

My phone suddenly rang, and it flashed Cassiopeia's name. It somehow lifted my mood. 

"Hi!"

"Hey, cutie. Are you busy?"

"Hindi naman. Bakit?"

"Wanna hang out? I don't have any company right now."

I rose from my bed and put my feet on the floor.

"Where are you?"

"Nasa bahay namin."

I checked my wristwatch and stood up to go to my walk in closet.

"Okay, I'm coming."

Binaba na nya yung tawag kaya nagtuon nalang ako sa paghahanap ng damit na maisusuot ko.

Love By A Neat Freak Psychopath ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora