Chapter 12

27K 1.2K 201
                                    


Abducted



For the past few days, I've been paranoid because of that crazy woman. I asked my parents to put some bodyguards on me for my safety, and I'm thankful that they didn't bother to ask me why.

"Grandpa!"

"Apo, anong ginagawa mo dito?"

Nadatnan kasi nya ako sa office nya. Actually, nuong isang araw ko pa talaga sya gusto makausap.

"Lolo, may gusto po sana akong itanong e."

Naupo naman ito sa swivel chair nya at nanatili naman akong nakatayo sa harap ng mahogany table nito.

"Tanungin mo ang Lola mo."

Napangiwi naman ako. "Ayaw ko po. Baka po sungitan lang ako ni lola."

Tumawa naman ito at napailing. "Naku kang bata ka. Kapag narinig ka nun lagot ka."

Ngumuso lang ako at naupo na.

"Ano ba ang itatanong mo?"

"May kilala po ba.. k-kayong Villareal sa business industry? Kasi po di ba matanda na kayo so baka lang po may nalalaman kayo hehe."

Nag peace sign pa ako dito dahil hindi ko naman sinasadya na i address sya as matanda.

"May kilala ako pero matagal na iyon patay. Sa tingin ko ay halos kasing edad lamang iyon ng tito Edward mo kung sakaling nabubuhay man ito."

"Kung ganuon ay bata pa po ito. Bakit po namatay?"

"Villareal is a well-known family surname in the business industry. As far as I can remember, the CEO of their empire died because of an accident that took place at their mansion. Since then, the Villareals have kept a low profile, avoiding the media and any other issues. But it is said that all of their properties were passed down to this faceless successor."

"Faceless successor?"

He chuckled. "Hindi naman faceless talaga. Hindi lang alam ng mga tao kung babae ba iyon o lalaki dahil kahit kailan hindi pinakita ni Martin Alexander Villareal ang anak nito sa mga tao."

Napaisip naman ako. Kung ang tinutukoy niyang anak ay ang baliw na iyon dapat siguro talaga hindi na ako magpakita dito.

Baka weird na sya simula bata sya kaya naman hindi sya pinapalabas ng papa nya?

"Bakit mo pala natanong apo?"

"W-wala naman po. Curios lang po. Sige po, aalis na ako. Thank you po sa info."

Lumabas na ako sa office at lumakad sa hallway na parang walang nangyari.

Martin Alexander Villareal died in their mansion. I'm curious now if it's because of some serious illness or just purely an accident. But it's still not confirmed that that woman is the said "faceless successor."

So baka ka apelyido lang ito ni ma'am? O malayong kamag anak?

Daming revelation naman nito.

Nagkagulatan kami ni Ate pagdating sa sala pero ako naman ang unang umiwas. Hindi naman talaga ako galit sa kanya. Sadyang nagkaroon lang kami ng sagutan nuong isang araw dahil dinala ko dito sa mansion si Helena para makita si Beatrice.

Pwede naman kasi nya akong kausapin ng maayos pero sinigawan pa nya ako. Hindi ko naman alam na threatened sya at saka malay ko bang mag jowa na pala sila. Akala ko kasi assistant and boss relationship lang talaga ang meron sila.

Minsan na realized ko na kung ano ano pala ang itinuro ko kay Helena dati.  Nagamit nya kaya iyon lahat sa ate ko?

"Pfft, what the heck."- I murmured and shook my head in embarrassment.

Love By A Neat Freak Psychopath ✔Where stories live. Discover now