STP: Chapter 5

1.9K 44 0
                                    

"Pagkain mo Ms.Ganda" usal ng lalakeng naka-itim na maskara sa'kin. Nawawari kong iba-iba ang nagdadala ng pagkain sa'kin sa tatlong araw na pagkakakulong ko rito. Dahil iba-iba anv laki ng katawan nila.

"Kuya" I called him using my seducing voice.

"How could I-" naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Magtagalog ka kaya." kunot noong turan niya sa'kin.

"Ah ang sabi ko, pa'no ako makaka-kain niyan kung nakagapos ang mga kamay ko? Hmm?" kita ng dalawang mata ko ang paglunok niya. Hays mga lalake nga naman.

"Bawal, susubuan kita yon ang utos ng boss." nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang sagot niya. Kung yung boss na tinutukoy niya ay yung nakausap ko sa di ko malaman na kung saan nanggagaling ang boses ay ang boss nila?


"Tatlong araw na'ko rito, sa tatlong araw na 'yon, nakagapos lang ang mga kamay ko. Hindi ka ba naaawa sa'kin?" halata sa mga mata niya ang determinasyon na tanggalin ang gapos ko ngunit hindi niya magawa.


"Gustong-gusto ko narin mag-banyo, baka pwedeng pagbigyan mo'ko kuya? Gusto mo samahan mo pa ako sa loob ng banyo para lang makasigurado ka." ngumisi ako nang patago ng walang ano-ano ay kinalas niya ang pagkakagapos ko. Bye


Nang matanggal niya ang gapos ko ay lumabas kami ng kwarto, ro'n ko lamang nakita ang kabuuan ng pinagkulungan sa'kin. Ang kwarto kung sa'n ako naroon ay siyang pinaka-huling kwarto. At may apat pa akong nadaanan, is it possible na meron ding bihag do'n? Napaka-hihina talaga ng mga lalakeng 'to kung oo.


"Malayo pa ba? Ihing-ihi na ako." bumaba pa kami ng hagdan hanggang sa marating namin ang isang pinto, ro'n ay itinapat niya ako. Ang yaman-yaman isa lang ang cr.


"Pasok na tayo Ms.Ganda" usal niya sakin, kaya hindi ako nagdalawang isip at ipinasok siya sa loob. Ini-lock ko ang pinto, kaagad naman ay naghubad ng damit ang mokong, halos masuka ako.


"Napaka-ganda para akong nanalo ng lotto." bigkas niya habang pinagkikiskis ang mga palad niya. Kaagad ay pinalupot ko ang braso sa leeg niya at binali iyon nang walang kahirap-hirap. Rest in hell bitch.


"Gosh, my virgin eyes." sumilip muna ako sa labas bago ko tuluyang binuksan ang pinto, nagtago ako sa gilid ng pader nang may makita akong dalawang bantay.


"Ano kayang plano ni boss don sa magandang babae?"


"Di ko rin alam tol eh, hindi naman siguro papatayin yon."


"Ano kayang naging atraso non sa boss 'no?" dinig kong pag-uusap nila habang humihithit ng sigarilyo. Atraso? Hindi ko rin alam kung ano, natatanga na yata yang boss niyo.


Papatayin niya kaya ako?


Nang makita kong umalis na sila at ang dinig ko ay lunch time na nila ay kaagad kong kinuha ang oportunidad na tumakas. Ngunit napaka taas na pader ang bumungad sa'kin, nanlaki ang mga mata ko nang may pumasok na pulang kotse, kaagad na nagtago ako sa puno na malapit sa'kin.


"Alam ko pong sinabi ko dati na kunin niyo na'ko kase hirap na'ko, pero dati po yon wag muna ngayon. Amen." pagdarasal ko. Nanginginig ang katawan ko sa 'di malaman na rason.


"Did she ate her food? How is she?" dinig kong tanong niya nang makalapit sa pinto, halos magpigil ako nang hininga nang huminto siya sa paglalakad. Naramdaman niya kayang andito ako? Lord kayo na pong bahala sa'kin.


Naka-facemask at salamin siya, balot na balot ang mukha niya. Pangit kaya siya? HAYS ANONG PAKE MO VALERIE.


"I payed one of you a million, then you'll just let her leave?" mariing sabi niya, ilang beses pa akong kumurap nang makita kong buhat nila ang lalakeng walang buhay. Yung manyak sa cr. Nang makita kong bukas ang gate ay kaagad na tumakbo kahit pa alam kong makikita nila ako, dahil ganon din hahanapin at hahanapin nila ako. Nagtatakang lumingon ako nang walang nagtangkang humabol sa'kin.


"We'll meet again." nakita kong naka-sulat sa maliit na papel at naka-dikit sa pader. Ayaw na kitang makita kung sino ka mang, weak guy ka.

***

"Eri I tried to look for you, I promise I did everything. But I couldn't find you." bigkas niya sa'kin ni hindi niya ako matitigan sa mga mata ko.


"Who's that fucktard kidnapped you Eri? He will go to jail, I'll do anything baby. I'm sorry." patuloy na paghingi niya ng dipensa sa'kin.


"I didn't see his face dad, palaging balot ang mukha niya. Maybe he's ugly. Besides, he's so weak, weaker than a kitten."



After that incident, dad didn't let me use my car. Kung hindi siya ang maghahatid sa'kin ay tatlong body guard ang kasama ko sa loob ng sasakyan. Sa totoo lang kinakain ako ng kuryosidad kung ano bang naging atraso ko sa lalakeng yon.

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now