STP: Chapter 21

1K 19 1
                                    

NAGISING ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, naramdaman ko rin ang paggalaw ng isang bagay na nakayakap sa bewang ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at kinusot-kusot ito. Pinilit kong tumayo ngunit mas lalo lamang humigpit ang pagkakayakap niya sa bewang ko......T-teka did I just slept with him?! in the same room!? we slept in one bed!?

Hinampas ko ang braso niyang tila bakal na nakayakap parin sa'kin. "H-hoy, b-bumangon kana nga." mahinang usal ko sakanya, dahil baka isa kina dad at nanay Liza ang makarinig sa'min. "Nakitulog kana nga lang hindi ka pa marunong bumangon ng maaga!" ngunit nag-salubong lang ang makakapal niyang kilay na tila ba hindi nagustuhan ang pang-iistorbo ko sakanya.

Aba, hindi pa kita asawa!

"Give me a 10 mns more, Valerie." his sleepy voice made me stunned to speak. Pinilit kong alisin ang braso niyang nakayakap sa'kin at nagtagumpay ako nang lumuwag iyon. Akmang tatayo na'ko nang hilain niya ako dahilan para matumba ako sakanya at mag-dikit ang mga labi namin.

Parang bumagal ang takbo ng oras at tila may pumigil sa'king gumalaw. Ramdam ko ang pagbilis ng puso ko, alam kong ramdam niya iyon dahil nakadikit ang dibdib ko sakanya.

Ngunit unang halik ko iyon! Pero hindi ko sasabihin sakanya, baka asarin niya lang ako na sa edad kong to ay maski halik ay wala pa ako!

Eh ano naman! atleast birhen na maganda pa ako! hindi naman importante yon!

"K-kavin, are you damn crazy!? pakawalan mo nga ako ano ba!" singhal ko sakanya dahil nasa dibdib niya ang mukha ko at ikinulong niya ako sa magkabilang bisig niya. Pano pa ako makakaalis ngayon? Mas lalong mahihirapan na ako!

"Eri, iha halika na at mag-almusal sa ba-" nanlaki ang mga mata ko nang makita ni nanay Liza ang posisyon namin. Ugali na kase ni nanay na sa tagal na paninilbihan niya sa'min ay hindi na siya kumakatok sa kwarto ko dahil madalas ay dadatnan niya na lang ako na nagtutooth-brush.

"Oh ginoong marya, bakit naman sa ganito kaaga ay  sus maryosep nireng mga bata nare ke aga-aga." natatarantang sambit niya at halata sa boses niya ang pagka-hiya at nag-sign of the cross pa siya bago isinarang muli ang pinto.

Tinampal ko nang mahina ang pisngi ni Kavin. Iminulat niya ang mga mata niya. "How could you be so loud this early? Can't you let someone to be in a peaceful sleep?" aba, nagpumiglas ako at kusa niya naring tinanggal ang mga braso niyang nakayakap sa'kin.

"Yan pa talaga ang inisip mo?" may bahid ng iritasyon ang boses ko. "Nakita tayo ni nanay na ganon ang posisyon, hindi mo ba naisip na baka magsumbong siya kay dad!?" niyakap niya pa ang unan na tila walang pakealam sa sinasabi ko.

"Saka anong karapatan mong yakap-yakapin ako!? I-isa pa n-ninakawan mo ako ng halik." halos ibulong ko na lang ang huli kong sinabi.

Tuluyan na'kong nairita nang wala man lang siyang naging reaksyon sa mga sinabi ko. Lumapit ako sa drawer at kinuha ang baril ko, ikinasa ko ito at ipinakita sakanyang may bala talaga 'yon at pwede kong iputok sakanya ano mang oras.

"Tss, I bet you can't shoot me." nagyayabang na sabi niya na tila ba siguradong-sigurado na hindi ko kayang iputok iyon. Kinuha ko ang isang silencer gun ko na ikinamutla niya.

"Now, tell me again that I can't shoot you. I can pull the trigger, don't belittle me Kavin." I smirked playfully nang makita ko ang sunod-sunod na paglunok niya nang itutok ko sakanya ang baril at napaupo pa sa kama.

"Oh god, put your gun down woman. B-baka mapukot mo yan!" ibinaba ko ang baril di dahil nakiusap siya kundi dahil natawa ako sa pagkabaliktad nang ginamit niyang salita sa tagalog. Sa sobrang kaba niya nga yata ay hindi niya napansin iyon. Pa'no niya rin bang nagawa na maging cute sa paningin ko habang naginginig sa takot?

"Ha ha ha!" humawak ako sa tiyan ko sa tindi ng paghalakhak ko. "Anlaki mong tao takot ka sa baril?" nang-aasar na tanong ko sakanya.

"You crazy little b.....who wouldn't be?!" inis na sagot niya at mukhang iritado sa ginawa ko. Choice mo yan eh, may bahay ka pero dito ka nagpunta.

Sumeryoso na ang mukha ko at lumunok muna bago umpo sa sulok ng kama dahil prente parin siya nakaupo roon at hinihilot ang sentido niya, kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya. Siguro ay buong araw na sira ang mood niya dahil sa paggising niya ganon ang nangyare.

"A-ano nga palang nangyare sa'yo? Bakit may daplis ka ng bala?" nag-aalangang tanong ko dahil baka hindi niya rin sagutin. "And why all of a sudden you made your way here?" hindi naman kase pwedeng aksidente lang na nakaakyat siya sa terrace ko if it's not his choice?

"A lot of people wanted to end my life. So they can manipulate my company easily. And that fucktard was one of them. Luckily I've got an idea inside my mind and I remembered you. That's why I'm here now." sabagay ano pa nga bang aasahan sa isang bilyonaryo? Natural na maraming magtatangka sakanya dahil sa dami ng pera niya.

"Sus, magdasal kana baka last na swerte mo na yong kagabi. Baka sa susunod mamatay kana." pang-aasar ko sakanya. Wala naman siyang naging reaksyon sa sinabi ko.

"I won't die, not yet."  tama hindi pa pwede dapat mo kong dalhin sa altar matapos mokong nakawan ng halik, correction unang halik ko yon!

Kaagad na umakyat ang dugo sa ulo ko nang akmang bubuksan niya ang pinto ng kwarto at lalabas. "Are you out of your mind?! What if dad is still here?! what if dad saw you?! what will you do!? You don't wanna die yet but you are pushing yourself to meet satan!" singhal ko sakanya at habol-habol ko ang hininga ko sa bilis nang pagsasalita ko sa sobrang inis sakanya. He's so fucking careless!

"Hey, are you worried?" he held my hands that gives electricity in my whole damn system. "Matapos kang tutukan ng baril ni dad?! sa tingin mo hindi niya kayang iputok yon sayo?! kung wala lang kami nung nangyare yon ay paniguradong nakalibing kana!" gigil na saad ko sakanya, bakit ba ang sarap niyang sampalin dahil parang wala siyang pakealam sa mga pwedeng mangyare sakanya!?

"Stay here and I'll go outside. Just behave and were good Kavin." ngumisi lang siya sa'kin at tahimik na umupo sa kama.

Pagbaba ko pa lang ay tumingin na sa'kin si nanay Liza nang makahulugan. "What?" ito yata ang unang beses na tinarayan ko siya! e kasi naman yung tingin niya ay parang sinasabi na, anong ginawa niyo bakit ganon ang posisyon niyo?

Wala kaming ginawa!

"Ito ang unang beses na nagdala ka ng lalake sa kwarto mo iha." ngingiti-ngiting wika niya. Dumiretso ako sa refrigirator para kumuha ng tubig at naglabas narin ako ng juice para sa breakfast namin ng señorito ko sa taas.

Nagsalin ako ng tubig sa baso at ininom ito. "Isinuko mo na ba sakanya ang perlas ng silangan iha?" naibuga ko ang ininom kong tubig matapos niyang itanong iyon.

What the! are you serious nanay!?

"Nay! ano ka ba baka marinig ka ni daddy!" speaking of him, narito kaya siya ngayon?

"Kanina pa umalis ang daddy mo iha, binilinan niya lamang ako na pakainin ka dahil anong oras na ay hindi ka pa bumababa." nagpaalam na'ko sakanya na aakyat na nang matapos niya nang I-prepare ang kakainin namin ni Kavin.

Sinipa ko ang pinto ng dalawang beses bilang katok dahil hawak ko ang tray na naglalaman ng pagkain naming dalawa. "Hoy, pagbuksan mo'ko bingi ka ba?!" singhal ko sakanya. Nag-init kaagad ang ulo ko sa naging sagot niya "Use your hand woman." putangina may dala nga ako!

"Kung gusto mong magutom pwes huwag mo akong idamay! dala ko ang pagkain natin kaya hindi ko mabuksan ang pinto!" nanggagalaiting saad ko dahil ngalay na ngalay narin ako. "You should've told me earlier so I could open the door for you immediately."  aba at nanisi pa ang gago.

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now