STP: Chapter 23

992 21 0
                                    

MARAHANG iminulat ko ang mga mata ko dahil sa biglang pag-baliktad nanaman nang sikmura ko. Kaagad na napatakbo ako sa banyo, ngunit nangunot ang noo ko nang mapagtantong wala ako sa kwarto ko. Teka nasa'n ako? Am I dreaming?! Tinampal ko ang pisngi ko at kinurot ang braso ko nang hindi makuntento. Oh my, I am not dreaming. I'm awake!

Fuck where the hell I am!? pero sa una sa lahat nasa'n ang banyo?!


Bigla kong naalala ang senaryo kanina, hinatid niya nga pala ako. Sa bahay niya at hindi sa bahay ko.


Lumingon ako sa gilid nang may makitang liwanag do'n, nagmumula iyon sa laptop. Napahawak ako sa ulo ko nang maalalang nagwalwal nga pala ako kanina, at ito ngayon ang sikmura ko namimilipit sa sakit. Hindi niya yata napansin ang pagbangon ko dahil tutok na tutok siya sa laptop niya.

But seriously? I checked his clock on the wall and it says 3:18 AM in the morning. Does he even know how to sleep? Like I can't even pass the 10:00 PM in my normal days!


"Enjoying the view huh." napaiwas kaagad ako nang tingin, akala ko ay hindi niya alam na bumangon ako! patay malisya lang pala ang gago.



"Yabang mo. Nasa'n ang banyo mo? Nagrereklamo na ang sikmura ko." usal ko sakanya. "It is obvious that there are only three doors, and one is for you to get out. And the one in front of you has two doors, that's my walk in closet and the one on your side is the bathroom." sarkastikong saad niya, inirapan ko na lang siya kahit na sa laptop parin naman ang tingin niya.


Yabang mo talaga! anlaki-laki ba naman ng kwarto mo na parang hindi pang-isahan lang plano niya yatang magpatulog ng lima rito eh!


"Don't drink alcohol again if you can't take care of yourself." pahabol niya, umismid na lang ako at pumasok na sa banyo.


So may pakealam pala kahit papa'no sa'kin ang mokong na 'to?


Pinipilit kong huwag makagawa ng ingay ang pagduwal ko, maski papano ay nakakahiya parin kasi. Minabuti kong isuka lahat, as in lahat hanggang mailabas ko ang berdeng likido na nagpapasakit sa sikmura ko. Nahismasmasan na ako matapos iyon, finlash ko ang toilet at tumungo sa sink at naghilamos ng mukha.


Gusto ko sanang mag-toothbrush kaso iisa lang ang sipilyo niya rito. Naalala ko naman kaagad ang naging kwarto ko rito, tama baka andon parin ang mga gamit na binili niya para sa'kin.


Paglabas ko nang banyo ay nadatnan ko siyang nakasubsob sa working table niya at nakapatong ang ulo sa mga kamay niya. Maging ang laptop ay bukas pa, halatang hindi nga sinasadyang makatulog. Ganon ba talaga siya kapagod?



Isinara ko ang laptop niya at marahang tinapik ang braso niya upang gisingin siya. Baka kase imbis na makapag-trabaho siya bukas ay hindi na dahil sa ngalay. Bahagya akong yumuko at ipinatong ang kamay ko sa magkabilang tuhod ko nang wala siyang naging kibo.


"Kavin...." tawag ko sakanya sa mahinang boses. "Kavin...lumipat ka sa kama mo, baka mangawit ka. P-para makatulog kana rin ng maayos." wika ko, kahit na hindi ko alam kung naririnig niya pa ba ako.


Nakita ko ang paggalaw niya kaya kaagad na napaayos ako ng tayo. Tinanggal niya ang specs na suot niya at nagtungo na sa kama. Di man lang ako pinansin samantalang ginising nga kita, pasalamat ka concern ako sayo!


***


I opened my eyes when I heard someone is talking, hindi ko nakita ang kabuuan nitong kwarto niya kagabi dahil narin sa dilim. Bahagya paring masakit ang ulo ko. Hang-over I guess.


Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now