STP: Chapter 11

1.4K 31 0
                                    

"Let's have a deal." sambit niya sa'kin nang hindi ako tinitignan.

"Ayoko." usal ko agad sakanya. Kaagad naman itong lumingon sa'kin.

"Do you drink alcohol?" takang tinignan ko naman siya.

"Yes, but for your information. I won't drink with you. Never." kaagad na inirapan ko siya at akmang tatalikod na nang kumalam ang sikmura ko. Naalala ko na eleven o'clock pa ang kain ko, ang kain namin. Alas nuebe y medya na ng gabi. Kahit nahihiya ako ay humarap akong muli sakanya, bawal akong malipasan ng gutom. Baka sa hospital nanaman ang abot ko.

"Are you hungry?" tanong niya sa'kin, nilunok ko na ang pride ko dahil hindi nga ako pwedeng malipasan ng gutom dahil minsan na'kong nahospital dahil sa ulcer at ayoko nang maulit pa 'yon.

"Mag-order ka na lang." walang hiyang utos ko sakanya.

"No need I can cook." bigla naman akong nahiya sa sinabi niya, hindi ko inaasahan na marunong siyang magluto, seryoso ba siya?

"Wag na baka lasunin mo pa'ko" napairap na lang ako nang hindi niya ko pansinin at nagsimula ng maghalungkat ng mga lulutuin niya.

Hindi pa man nag-uumpisa o nailuluto ang inihanda niya ay natatakam na ako. Chicken curry kase ang balak niyang lutuin, how did he knew about my favorite dish? Ugh maybe it was just a coincident.

"Stop staring at me." napaismid ako sa sinabi niya at umiwas ng tingin.

"Pwede bang bilisan mo? Kase gutom na'ko, sana sinabi mo na gugutumin mo'ko rito edi sana nagpahabol na lang ako sa aso."

"Chicken, can you soften your own in a fastest way? And also can you be cooked right away? 'Cause the woman in front of me is always complaining and it's irritating me so bad." pagpaparinig niya sa'kin. Umirap na lang ako at hindi na siya pinansin. Kasalanan niya 'to dahil trip niya akong pagdiskitahan. Siguro gusto mo'ko, nahihiya ka lang?

Hindi ko maiwasang titigan siya habang nagluluto, his well shaped jaw is really attractive lalo na't side view niya ang nakikita ko. Tinampal ko ng mahina ang pisngi ko nang mapagtanto ang nasa isip ko. Ano ka ba, hindi pwede ang walang respeto at mahinang nilalang na yan na magustuhan mo.

After few minutes ay natapos na ang niluluto niya, pinanood ko siyang tanggalin ang apron sa katawan niya. Maging ang paghuhugas ng kamay niya ay nakakaakit. Nagsimula na siyang mag-ayos at mag-hain sa mesa. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil babae ako pero wala akong alam sa pagluluto, hindi ko kasi nakalakihan ang serbisyuhan ang sarili ko. Kaya hindi ko man lang alam kung pa'no ang magluto. Nakakahiya

"I know I'm attractive asf, but can you stop looking at me?" napaiwas ako kaagad nang tingin sa ikalawang beses na sinabi niya 'yon.

"Let's eat." aniya, limang minuto na ang lumipas at hindi ko parin ginagalaw ang niluto niya.

"Won't you eat? I'm not into poisoning thingy, if I'm going to kill you. With a thrill, not just a poison." halos mamutla ako sa sinabi niya.

"Ano ka ba! balak mo ba talaga akong pakainin o hindi?! E mas lalo mo lang akong tinakot e!" hindi ko naman talaga iniisip na may lason yon, nahihiya lang talaga ako na kasabay ko siyang kumain.

"If it has a poison, I'll be the one who'll die first." usal niya sa gitna ng pagkain niya. Kumain na lang ako agad para matahimik na siya dahil nagwawala na rin ang bituka ko sa t'yan.

-----
"This will be your room, temporarily. I bought you some clothes, try them on later. Everything you need is in your room, so don't fucking disturb me. Don't irritate me, even just now. Please let me take a rest." para namang sobra kitang kina-kawawa kapal ng apog ah.

Ibang-iba itong mansion na pinagdalhan niya sa'kin kesa roon sa unang mansion kung sa'n niya ako iginapos. I wonder if he's just the one living here? Anlaki masyado para sa isang tao, ano iinikot niya lang 'to ganon? Where are his parents? or brother/sister? Hays bahala na nga, masyado niyang ginugulo ang utak ko.

Magpapahinga na sana ako nang biglang pumasok sa utak ko ang mga bata. Kung magtatagal ako rito pano sila?? Napabaliktwas ako nang tayo at mabilis na lumabas ng kwarto. Kaagad na hinanap ko ang silid niya. Sinubukan ko ang dalawang pinto ngunit naka-kandado iyon. Isa na lang ang hindi ko nasusubukan. Sinubukan kong kumatok ngunit wala man lang sumagot o nagbukas sa'kin ng pinto.

Sinubukan kong buksan ito at laking gulat ko nang bumukas nga ang pinto. Pagbukas ko nang pinto ay nanlaki ang mga mata ko sa lalakeng lumabas galing ng banyo at nagpupunas ng basang buhok, kitang-kita ko ang six pack abs niya at ang matipunong dibdib niya. Kaagad ay napatalikod ako.

"What the hell are you doing here?" kalmadong tanong niya sa'kin, matagal bago ako naka-sagot.

"K-kase....a-ano" nauutal na saad ko.

"Need to stutter?" sarkastikong tanong niya, tumikhim ako bago magsalitang muli.

"Do you even know how to knock on the door before entering?" aniya.

"Kumatok naman ako, hindi ka sumasagot kaya pumasok na'ko. Hindi ko naman alam na naliligo ka." pagtatanggol ko sa sarili.

"Okay, what to you want this time?"

"Oh I almost forgot our deal." kumunot naman ang noo ko dahil uunahan niya pa yata ako. Bago pa mangyare 'yon ay nagsalita na'ko.

"May klase pa'ko, kailangan ako ng mga bata. Paalisin mo na'ko bukas na bukas din." usal ko sakanya.

"Let's drink. The first to get drunk, loses." aniya.

"And what's the deal?" tanong ko sakanya habang nakatalikod parin.

"If you lose, you will be my assistant. You'll go everywhere I go. If I lose, I won't bother you again, I won't continue being a teacher, I won't take over your section. Deal?" paliwanag niya sa'kin na tila nangungumbinsi pa ang boses.

"Natural na mataas ang alcohol tolerance mo matatalo ako, iba na lang huwag kang madaya!" singhal ko sakanya, totoo naman na matatalo lang ako dahil hindi naman ako malakas uminom.

"You'll take one shot and I'll take two shots." aniya, nag-isip ako ng mabuti bago um-oo sa gusto niya.

"Okay, deal." mariing sagot ko.

"You can leave now, I have to wear my cloths." napalunok ako at kaagad na lumabas ng kwarto at isinarado ito. Nakahinga ako nang maluwag na para bang kanina ay may nakabarang kung ano sa lalamunan ko.

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now