STP: Chapter 40

1K 16 0
                                    

"Don't you dare come near her, Rendel." dinig kong saad ni Kavin sa likuran ko, ako naman ay nakakatitig lang kay dad at hindi parin matanggap na siya ang nasa likod ng pananakit kay Kavin.

"Dad, why?" saad ko ngunit mahina lang ang boses ko dahil wala akong lakas para makipag-talo pa sa kanya gayong makita ko pa lang siya ay nanghihina na ako.

"Anak. Maiintindihan mo rin, pasasalamatan mo pa'ko kapag natapos na 'to." umiling lang ako sakanya at mas lalo pang hinarangan si Kavin.

"Daddy." my voice trembled. "G-gusto mo po bang kahit kailan ay hindi ko na siya kausapin? Gusto mo po bang putulin ko na ang kahit na anong koneksyon ko sakanya?" natutuyot ang lalamunan ko habang sinasabi ko iyon. "Gagawin ko daddy. Lalayuan ko siya dad, gagawin ko lahat ng gusto mo. B-basta tama na ho ito daddy. Wag mo na siyang pahirapan, nakikiusap po ako." kinagat ko ang labi ko at pinigil ang iyak ko.

"Huli na Eri, binigyan ko siya ng pagkakataon para layuan ka. But he didn't listen anak. Please anak ko, stop begging. I don't wanna hurt you just because you wanted to protect him." napaawang na lang ang bibig ko sa sinabi niya, hindi makapaniwalang tinitigan ko siya sa mata.

"You'll kill him?" saad ko at mabilis na lumapit sakanya. "then kill me first dad." itinutok ko sa noo ko ang hawak niyang baril.

Napasinghap ako ng hawakan niya ang batok ko at idiniin sa noo ko ang baril na hawak niya. Nanginig muli ang katawan ko sa ginawa niya.

"Hurt her, and you'll die." dinig kong usal ni Kavin.

"I warned you, Eri. Wala kang utang na loob." nagsi-bagsakan na lang ang luha ko, pero hindi ko maintindihan dahil hindi ako nasasaktan dahil kaya niya nga rin akong patayin. Mabigat ang dibdib ko habang patuloy parin sa pag-alpasan ang mga luha ko.

"Pull the trigger dad, come on. Don't hesitate." hindi nakatakas sa mata ko ang pag-igting ng panga niya.

Ibinaba niya ang baril at ikinasa iyon, napapitlag ako nang paputukin niya iyon at tinamaan si Kavin sa binti niya.

"Daddy! Ang sabi ko ay ako ang barilin mo! ako na muna ang patayin mo! dahil hindi ko kayang makita na kayang pumatay ng tao ang ama ko." doon na'ko nakaramdam ng kirot at nagsimulang manikip ang dibdib ko.

Akmang babarilin niya na ako nang sa isang iglap ay tumalsik ang baril na hawak niya at hawak na ng mga tauhan niya ang magkabila niyang kamay at nakaluhod na siya.

Hindi ako nakagalaw sa nangyare at natulala na lang ako.

"Putangina! mga gago kayo! tangina ninyo! traydor!" pagmumura ni dad at nagpupumiglas sa mga tauhan niya. Kasabay non ay ang pagdating ng dalawang lalake sa di kalayuan, hindi ko pa maaninag ang mukha nila dahil madilim pa kung sa'n sila naroon.

"Late na ba kami? Oh shit, you literally look like shit right now bro." hindi ko na alam kung ano pa ang magiging reaksyon ko nang makita sina Kadmiel at Keegan.

"His death isn't enough for me." si Kadmiel na madilim ang titig kay daddy. Napaupo na lang ako dahil parang lumilipad ang utak ko dahil sa mga nangyayare.

"Untie me here assholes." ngumisi lang ang dalawa at walang ano-ano ay pinaputukan nila ang kadena na nakatali kay Kavin.

"Agh, you gave me a hardtime motherfucker." minasahe pa niya ang batok niya at ginalaw iyon ng magkabilaan.

Hindi ko na magawang makapag-salita dahil wala akong naiintindihan sa nangyayare. Gulong-gulo na ako at gusto ng sumabog ng ulo ko.

"Siya naman ang itali niyo." kaagad na itinayo ng mga lalake si daddy at inilapit sa kahoy na upuan.

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now