STP: Chapter 36

920 18 0
                                    

PAKIRAMDAM ko ay ubos na ubos ako, pakiramdam ko ay wala na akong lakas para harapin lahat ng problemang nangyayare sa'kin, hindi ko matanggap ang katotohanang iyon.

Hindi ko kayang tanggapin na ang unang lalakeng minahal ko ay kapatid ko. Hindi sasapat ang salitang nasasaktan ako, dahil tila sinasaksak ng napakaraming karayom ang puso ko at tinatadtad iyon ng pinong-pino.

Tila ako nasa isang hawla na pinipilit kumawala, pinipilit ang sarili na nasa isa lang akong panaginip. Isa lang itong himahinasyon, isang bangungot na alam kong matatakasan ko. Pero hindi, dahil kahit anong gawin ako ay alam kong totoo ang lahat ng nangyayare ngayon sa paligid ko.

My hands are trembling as I click the call button. I was afraid that he might reject it, I was afraid that he might say such a words. I was afraid to be hurt by him again.

I called him so many times, but I got no response. Hindi ko rin siya masisi, gusto kong kalimutan muna lahat. Gusto kong maging makasarili kahit ngayon lang, gusto kong piliin ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong iwaglit sa isip ko ang mga taong hadlang sa'min.

"Eri, iha." dinig kong katok ni nanay sa pinto, malumanay iyon at tila ba iniiwasan na masaktan ako sa magiging tono ng boses niya.

"Iha, kumain kana. Ilang araw ka nang nagkukulong sa kwarto mo." tulala lang ako sa kisame ng kwarto ko at hindi pansin ang tinig niya.

"Nag-aalala na kami sa'yo, gusto ko rin ipaalam sa'yo na nagaalala rin ang mommy mo anak." napalingon ako sa pinto kung sa'n nagmumula ang boses niya. Nanghihina at nanginginig ang mga tuhod ko nang tumayo ako, ilang araw na akong nakakulong sa kwarto at hindi nalalamnan ang tiyan kaya wala akong lakas. Hindi rin nila ako mapilit, ni hindi nila ako mapagtaasan ng boses. Tila ako isang babasagin na hindi pwedeng bumagsak dahil maari akong mawasak.

Pagbukas ko nang pinto ay nag-aalalang mukha ni nanay ang sumalubong sa'kin. Umiikot din ang paningin ko ngunit hindi ko alintana iyon at lumiko sa kanan para puntahan si mommy. I need her right now, I need someone to rely on. Even just this time, even just once.

Hindi na ako kumatok at pinihit ang door knob ng pinto, nadatnan ko siyang may hawak na litrato, ngunit hindi ko rin pinansin iyon, nagulat pa siya sa pagdating ko pero sinugod ko lang siya ng yakap.

"W-what are you doing?" ipinikit ko lang ang mga mata ko at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.

"Mommy." even my voice was so weak.

"Please, be with me mom. Even just now, I need you so bad mommy." nagsimulang bumigat ang talukap ng mga mata ko.

"I can't help you Eri, a-and I don't care even if you are hurting right now. I-i don't really care." mariing sabi niya, hindi ako nakaramdam ng sakit doon bagkus ay napangiti ako dahil alam ko at halata sa boses niya na nagsisinungaling siya.

"You aren't good at lying mommy. Yakapin mo lang ako mom, I just wanna feel you. Makinig ka lang sa'kin mommy, sobrang bigat ng dibdib ko at parang sasabog na ako. Kaya kahit ngayon lang, I want you to listen mom. Please." I pleaded.

"Mom, I was so scared of loving someone. I was afraid to let someone in to my life. I was afraid that I might fall in love. I was afraid that I might give my all then just be left alone." sandali akong huminto at mapait na ngumiti.

"But he came, mom. He took all my fears away. But why mom? Why do fate have to play with me? Why does it have to be painful?" nag-alpasan na ang mga luha ko pero wala akong pakealam. Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko.

"Nagmahal lang naman ako." nanlalabo na ang paningin ko sa dami ng luha na inilalabas ng mga mata ko.

"Eri." she called me and made me face her. She held my shoulders.

"I also loved before, I was also hurt once because of a wrong decision. I also once made a decision that I regret until now just because of a wrong thought." nakinig lang ako sakanya habang nakatitig sa mga mata niya.

"I only want you to hear this, Eri. It's not too late for you to fix your relationship with him. Noon ay nagpaniwala rin ako sa sinabi ng iba, noon ay nagpadala ako sa maling akala ko. Matagal ko nang kinikimkim ito, matagal ko nang pinagsisisihan ang naging desisyon ko na hanggang ngayon ay dala ko parin. Eri, choose what makes you happy, okay?"

Umiling-iling ako sa sinabi niya habang tuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko. "Mom, m-magkapatid kami.....w-wala akong laban do'n, he's also y-your son....m-mommy. He's your f-flesh..." I stopped and swallowed hard. "and blood." I continued.

"Isn't it funny mom? I loved my brother. Romantically" mapait akong tumawa.

"Walang magagawa ang pag-iyak mo at pagmumukmok mo Eri, gawan mo ng sulusyon ang problema mo. I'm telling you this, don't make a decision that you will surely regret after. Just don't Eri, I don't want you to feel what I felt before." I was so stunned to speak.

"Nanay, ano po ang iniluto mo?" halatang gulat na gulat siya sa itsura ko, ibinalik ko ang dating ako. Ang dating ako na masiyahin at tanging sa pamilya ko lang umiikot ang mundo ko. Hindi ko itatanggi na masakit parin, may kirot parin sa puso ko. Pero tama si mommy, crying won't help me to solve anything.

"Oh jusko, totoo ba itong nakikita ko ngayon?" mangiyak-ngiyak na saad niya at sinugod ako ng mahigpit na yakap. "oh jusko, ang alaga ko." natatawang niyakap ko siya pabalik. Magiging matatag ako para sainyo, at para sa sarili ko.

----

Bumisita ako sa mga estudyante ko, dahil naging miserable ako ay umalis ako sa pagtuturo. Wala pa akong planong bumalik ngayon, gusto ko kapag babalik ako ay buo na ulit ako. At hindi peke ang ngiti na ihaharap ko sakanila, ayokong maging peke sa harap ng mga bata.

"Namiss ko kayo!" lahat kayo, pero alam kong lalaki na ang ilan sainyo na inampon sa ibang bansa ay hindi ko man lang makikita.

"Namiss ka din po namin Ma'am Ganda!" saad nila. "Hi ma'am balerwi" masayang saad sa'kin ng pinakabata sakanila. Siya ang pinaka-baby ko.

"Hmmm" pinaningkitan ko siya ng mata at kunwaring nagtatampo. "Hanggang ngayon hindi mo parin alam bigkasin ng tama ang pangalan ni teacher?"

"Hihihi" para siyang kiniliti na tinawanan lang ako.

"On your place? We? Agad!?" nanlalaki ang mga mata ko habang nagdadrive. Makailang busina na tuloy ang narinig ko.

"Oo nga, shocked much sis?" pang-aasar niya sa kabilang linya. "Come on, mga ka-batch lang naman natin nung high-school yon, hindi ka naman kakainin!" umiling na lang ako habang pinakikinggan si Lyxen. Maski ayaw ko ay pupunta na lang ako para malibang ko ang sarili ko.

"Promise?" I asked.

"Oo nga, bruha! nasisira ang beauty ko sa'yo Eri ha! dalian mo I'll wait for you, okay? Drive safe, love you mwaa!"

Ilang minuto lang at nakarating na'ko sa bahay niya, as usual. Lyxen being Lyxen.

Tigagal ako nang wala akong ibang taong nakita sa loob kundi ang dalawang bulto ng lalake.

Tila natanggalan ako ng dila, ni hindi ako makahanap ng salitang bibigkasin. Ngunit nakipag-labanan ako ng tingin sakanila, hindi rin makatitig ng deretso sa'kin si Lyxen.

"You lied?" I asked her using my usual voice, I didn't show any emotion. Tumango siya at natatarantang lumapit sa'kin. Nginisian ko lang siya dahil takot na takot siya, nararamdaman ko parin ang mga tingin na ipinupukol nila sa'kin pero hindi ko 'yon pinapansin.

"Kailangan magsinungaling? Come on Lyx." tumawa ako sakanya at tinapik ang balikat niya. "Pupunta ako kahit sinabi mo pa sa'kin ang totoong dahilan, pupunta ako." sumulyap ako sakanila at nginitian sila. Hindi nakatakas sa'kin ang matalim na titig ni Kavin at ang pag-igting ng panga niya.

Am I not allowed to be brave? I'm done being fragile.

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now