STP: Chapter 25

1K 15 0
                                    

WINDANG PARIN AKO sa mga nangyare kahapon, kaya maski kumain kagabi ay hindi ko nagawa. Ni hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sakanila.

Kavindre Ace....
Kadmiel Ace.....
Keegan Ace.....


Baka himahinasyon ko lang sila dulot ng mga problema ko? Pumipitik na ang mga ugat ko sa ulo kakaisip, maski ang mga ugat ko ay nagrereklamo na at gusto naring magpahinga kaiisip, ginugulo nila ang utak ko.


Kinuha ko ang tuwalya na nakasampay sa hanger at tumungo ng banyo upang maligo. Hinubad ko na ang suot ko at binuksan ang shower at sinalubong ang bawat patak noon, bakit dito ay hindi ko man lang maramdaman ang pagkalunod? Samantalang kina dad at mom ay halos hindi na ako makahinga.


Nagmomoment pa ako sa banyo nang marinig ko ang pagkatok sa pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala na hindi ko nga pala inilock ang pinto ng condo ko. Mabilis na ibinalot ko sa katawan ang tuwalya at lumabas para lumapit sa pinto at inilock iyon, agad na sumilip ako sa butas at isang postura ng lalake ang nakita kong tahimik na naghihintay na pagbuksan ng pinto.


Kumatok siyang muli kaya napaalis ang pagkakasilip ko sa butas, baka makita niya pa ako ay pilitin niyang buksan iyon. Maigi na lang na akalain niyang walang tao, hindi pa ako handa na makita ang isa sakanila.


Nanaig naman ang katahimikan nang hindi ko na muling narinig ang pagkatok, ngunit halos lumuwa ang mga mata ko nang tumunog ang doorknob ko senyales na nabuksan ito gamit ang susi.


Tangina? Kailan pa siya nagkaroon ng duplicate key sa condo ko!?


Kandalunok na napa-atras ako.


"B-bakit ka basta-basta pumapasok?!" ang gago ay nilampasan lang ako at sumalampak sa sofa na animo'y winelcome ang sarili at sobrang feel at home. 


"Hoy!" binato ko siya ng suklay para tignan ako. "Ang sabi ko bakit ka basta-basta pumapasok!? Hindi pa ako handang makita ang pagmumukha mo Kavin! Isa di mo ba ako titignan!?" naiinis na saad ko sakanya ng kunin niya ang cellphone niya at tinuon ang pansin doon. Ano pumunta siya rito para magrelax!?


"Do you really want me to look at you while your body was covering by towel only?" ang paningin niya ay nasa cellphone niya parin. Bigla akong natauhan sa sinabi niya. Hindi panga pala ako tapos maligo!


Kasalanan niya to e, istorbo siya!


Kandasapong pa ang tuhod ko dahil sa pagmamadaling makapasok sa banyo, muntik pa akong madulas dahil sa pagmamadali ko. Kaagad na nag-shampoo at conditioner ako. Maingat na hinilod ko rin ang makinis kong balat. Nang makapag-banlaw ako ay sinabon kong muli sa safeguard na pink ang katawan ko at saka nagbanlaw muli. Dalawang beses din ang ginawa kong pagse-sipilyo. Nang makuntento na ako ay lumabas na ako ng banyo.


"Wag mo'kong tignan." mariing suway ko sakanya nang mag-angat siya ng tingin. Mabilis na tinahak ko ang pinto patungong kwarto at inilock iyon. Ano pa nga bang silbi non kung gagamitin niya ang duplicate key niya? Hays! hindi pa kami tapos, siya naman ang sasabunin ko pagkatapos na pagkatapos kong magbihis dito. Sasabunin ko hanggang kaloob-looban niya.


Paglabas ko ng kwarto ay may mga pagkain na sa lamesa at siya ay nakatalikod at abalang nagtitimpla ng juice. Pinagmasdan ko ang matipunong likuran niya, hindi ko alam na matagal na pala akong nakatitig doon at kinakausap niya na ako.


"I said, you didn't eat last night. So here, I ordered some food. Let's eat." gumuhit naman ang pagtataka sa mukha ko, na parang nabasa niya naman kaagad. "Don't worry. I just know you well. You can easily ignored food if you want. Lalo na sa nangyare kahapon alam kong hindi ka talaga maka-kain." umupo na lang ako at bumuntong hininga.


Seeking The Past (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora