STP: Chapter 28

910 19 1
                                    


TWO MONTHS OF COURTING

"Okay milady, yeah..okay...got it." ibinaba ko na ang tawag at tumingin sa salamin. Sa tingin ko ay ayos na ito, I wore the dress he gave to me.



Actually ito ang unang dress na ibinigay niya sa'kin nung unang buwan ng panliligaw niya, kulay lila ang dress na to at fit na fit sa katawan ko at style palda ang ibaba niya na hindi umabot hanggang tuhod ko.



Masyado ring revealing ang balikat ko at ang malulusog kong b..oobies. Light lang din ang make-up ko, in fact pulbo lang ang inilagay ko at apple liptint flavor lang ang inilagay ko. Mahaba ang pilik-mata ko kaya wala na'kong kailangan ilagay roon. Hindi ko rin kailangan guhitan ang kilay ko, tama lang ang kapal at pagkakahugis noon. Perpekto na ang tingin ko sa sarili ko, ni wala akong insecurities sa katawan. Aside of having a perfect beauty, I has a curvy well shaped body. My butt isn't that big and isn't that small.


Sakto lang kapag sinampal niya.....


Since ang sabi niya ay private ang lugar na pupuntahan namin at kaming dalawa lang. I don't know where's the exact location is, but I prefer not to ask about it. I like being surprised by him.


Ang alam niya ay para sa'kin nanaman ang araw na 'to, halos yata lahat ng magagandang lugar ay napuntahan na namin.


Hindi lang 'yon, lahat pa ng iba't-ibang simbahan ay dinayo narin naman. Kada linggo ay walang palya iyon, hindi siya papayag maski sabihin kong may kailangan akong asikasuhin. Sasabihan niya lang ako nang 2 hours isn't that long. Iyon lang ang palaging naririnig ko sakanya kaya hindi na ako pumapalag.



Tatapusin ko na rito ang panliligaw niya sa'kin, napatunayan niya na ang sarili niya sa'kin. Handa na akong pumasok sa relasyon, handa na akong harapin ang pag-ibig. I heard a lot of things about LOVE. Gaya nang, masasaktan ka lang, kaya kang gawin tanga, pasasayahin ka sa kaunting panahon, ngunit mas lamang daw ang sakit. Kahit na natatakot ako na baka ay mangyare nga sa'kin iyon ay wala na akong pakealam. Nakahanda ako, handa ako sa mga posibleng mangyare.


I'm taking the risk.


Nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko kaagad iyon sa sling bag ko.


KAVIN DE ASUNGOT

Otw milady.


Iyon agad ang bumungad sa'kin, lumabas na ako ng condo dahil kapag sinabi niyang otw ay malapit na talaga siya. Pagbaba ko pa lang ay siya na ang sumalubong sa'kin. Natawa pa ako sa reaksyon niya.


"Y-you are..." napatakip pa siya sa bibig niya. "freaking gorgeous Valerie." nag-iwas siya ng tingin habang nakatakip parin sa bibig niya ang isang kamay niya na tila ba hindi talaga makapaniwala sa itsura ko.


"Oa kana Kavin." hinampas ko ang braso niya at nauna nang maglakad sakanya.


"You look like a doll Valerie. How could you be so gorgeous and....c-cute at the same time?" natatawa na lang talaga ako sa pagiging oa niya. Well hindi ito ang first time na makita kong ganyan ang reaksyon niya sa tuwing mag-ddress ako ngunit hindi parin talaga ako masanay-sanay.

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now