STP: Chapter 24

954 17 0
                                    

BAKASYON ng mga bata kaya wala rin akong pinagkakaabalahan, hindi ko nanga rin alam kung pa'no ko pa paghaharapin sina mom at dad gayong wala silang ginawa kundi iwasan ang isa't-isa kaya pati ako ay nadadamay.

Bumuntong-hininga ako at umupo sa sofa, pansamantalang kumuha ako ng condo dahil para ako sinasakal at unti-unting tinatanggalan ng karapatan huminga sa tuwing nasa bahay ako at kasama sina dad. Naghiwalay sila ngunit ako ang naki-usap na walang aalis sakanila. Ngunit si dad narin talaga ang umiiwas dahil palagi niyang iginugugol ang oras niya sa business.

"One large yum-burger and one medium fries and one coke float. Yes iyon lang...okay pakihintay na lang ako sa baba kuya.." nag-order nalang ako ng kakainin ko dahil wala rin naman akong alam iluto, hays siguro kailangan ko nang matutong magluto para sa sarili ko, wala si nanay Liza para ipagluto ako.

"Keep the change kuya. Thankyou." ngiting saad ko sakanya na nagbigay ngiti rin sa mga labi niya, lumaki man akong mayaman hindi ko rin naman ikakaila na alam ko kung ga'no kahirap ang mga ganoong trababaho. "Salamat po Ma'am." saka ay umalis narin siya at nawala na sa paningin ko.

Minabuti kong gamitin ang elevator dahil sa ikatlong palapag pa ang condo na inuupahan ko. Ayoko ring mapagod sa paggamit ng hagdan. Maraming mga bakanteng lote si dad, marami rin siyang mga bahay na naipundar pero mas minabuti kong mag-condo. Gusto kong maka-experience ng bago.

"Magandang-araw po aling Sita" nadaanan ko ang chismosang kapit-bahay ko. Siya kase ang matandang nakatira sa katabing condominium, mantakin ba namang kada dadaan ako at nakapang-alis ay nakikiusyosa at itatanong pa kung makikipag-jugjugan ba ako. Na kahit kailan ay hindi ko pa ginawa. Bukod sa chismosa siya at matabil ang dila ay may pagka masama rin ang ugali at araw-araw ko yatang nakikita na dinadala niya ang boyfriend niya sa condo niya. Ang tantsa ko sa edad niya ay 48 o di kaya'y mga nasa 50+ na. Pero siguro may asim pa kaya ganon. Natawa na lang ako sa naiisip ko at nilampasan na siya nang irapan niya lang ako.

Inilabas ko sa paper bag ang mga inorder ko at nagsimula nang kainin ang mga iyon. Simple lang naman ang condo na inupahan ko, good for 3K a month dahil mag-isa lang naman ako. Wala naman akong arte sa katawan, basta payapa ay g ako.

Sinusuklay ko ang buhok ko dahil katatapos ko lang mag-blower nang may kumatok sa pinto ko.

"Teka...sino yan?" hindi nagsalita ang kumakatok kaya nag-alangan akong buksan. Hindi ko pa nakakausap sina Lendon At Lyxen kaya malabong isa sakanila ang kumakatok ngayon dito. "Bago kita pag-buksan sino ka muna?" dahil ayaw niya parin magsalita ay sinilip ko na lang siya sa butas ng pinto ko.

Anong ginagawa ni Kavin dito? Anong kailangan niya? Muli akong sumilip at parang iba ang pakiramdam ko. Bakit parang medyo nag-iba ang mukha niya? Last week ko pa lang naman siya nakita? At knowing Kavin, hindi ko pa siya nakitang nagsuot ng red suit. Ngayon pa lang, sa tuwing makikita ko iyon ay black palagi ang suot.

"Hindi mo ba bubuksan ang pinto?" nakataas ang kilay niya habang nakatitig sa'kin kaya mabilis na umalis ako sa pagkakasilip sa butas. Pinihit ko na ang doorknob at lumunok bago siya papasukin, ano ba 'tong pakiramdam na 'to? Bakit parang ibang-iba ang aura niya sa Kavin na kilala ko. Iba rin ang tindig niya, isa pa sa napansin ko ay iba ang boses niya ngayon pati narin ang paraan ng pagtatagalog niya.

Napanganga na lang ako nang umupo siya sa sofa at itinukod ang mga siko sa tuhod niya at pinagtiklop ang mga kamay niya, at para bang sinusuri ang kabuuan ko kaya napaiwas ako ng tingin.

"A-anong ginagawa mo rito? P-pano mo rin nalaman ang bago kong tinutuluyan Kavin?" wala talaga akong ideya kung bakit siya andito at kung pano niya nalaman itong condo ko.

Nakakatitig parin siya sa'kin at hindi man lang kumukurap na parang pinag-aaralan talaga ang bawat kilos ko. Nakaka-unconcious na ah!

"Did he touched you in bed?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano raw? Tyaka sino ang tinutukoy niya, baliw ba siya? "H-ha?" takang tanong ko sakanya na nagpakunot sa noo niya.


Hindi ko naman kasi talaga maintindihan ang sinasabi niya, sinong he? Eh wala nga akong manliligaw, boyfriend pa kaya!


"Did you had sex with him?" nasamid ako sa sarili kong laway nang marinig iyon, "Baliw ka ba!? Ano bang pinagsasabi mo dyan Kavin, a-ano bang sex ang sinasabi mo, t-tyaka hindi ko kilala ang tinutukoy mo! I-isa pa, w-wala kang pakealam kung nakipag-ganon nga ako!" hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang pagngitngit ng ngipin niya dahilan para mag-igting ang panga niya.

Tumayo siya na ikinapigil hininga ko, para niya akong sinasakal sa titig niya. "Putangina, ginalaw ka niya?!" galit na galit na saad niya, biglang nanlamig ang mga kamay ko sa sobrang pagkabigla sa mga nangyayare, hindi ko maintindihan, wala akong maintindihan!

"H-hindi, s-sino ba ang tinutukoy mo Kavin. T-tyaka bakit mo ba ako sinisigawan?!" napaatras ako sa takot sakanya, at pakiramdam ko ay iiyak na ako ano mang oras dahil nanginginig narin ako maging ang labi ko. Ayoko sa lahat ay sinisigawan ako.

"Damn." he cursed loudly. Gulong-gulo na ako, sino ba kase ang sinasabi niya? Tinatakot niya ako ng sobra!

"K-kavin, umalis kana." nauutal na saad ko.

"Could you fucking stop calling me Kavin?! I'm not him, fuck it! I will never be him!" napatakip ako sa tenga ko sa sobrang lakas ng boses niya na dumadagundong sa loob ng condo ko. Naka-high ba siya? hindi ko na kasi talaga alam ang pinagsasabi niya!

"Wag mo sabi akong sigawan, tinatakot mo nga sabi ako! Kavin ang pangalan mo anong gusto mong itawag ko sa'yo?!" mas lalo ko lang yata siyang ginagalit sa pag-sigaw ko dahil mas lalong namumula ang mukha niya pati narin ang tenga niya sa sobrang galit. Ano ba kasing nagawa ko? Muli akong umatras dahil lumapit siya sa'kin at sa huling pag-atras ko ay tumama ang likod ko sa matigas na bagay. Pader, nasa pader na ako.

"I want you to know atleast what our differences." doon ay ikinulong niya ako sa mga braso niya at siniil ng halik. Nakakapang-hina iyon ngunit kaagad na itinulak ko siya palayo sa'kin at sinampal sa pagkabigla.

"Why? Am I not a good kisser? Si Kavin? Mas magaling ba sa'kin? Gagalingan ko pa." lumapit siya sa'kin upang halikan ako ulit ngunit mabilis na nasampal ko siya agad. Napaiyak na'ko sa labis na takot. Nakita ko naman ang biglang pagbabago ng ekspresyon niya at napalitan iyon ng pag-aalala.

Bumukas ang pinto at iniluwal noon ang isang lalake na naka-business suit pa at halos magpabaliw na sa akin. Lumapit siya kay Kavin at mabilis na sinuntok ito.

"Can't you fucking see that she's afraid?! You fucking scared her, damn you!" at hinila niya ako papunta sa likuran niya, si Kavin naman ay nakaupo sa sahig dahil sa suntok na inabot niya.

Naguguluhan ako! Dalawang Kavin, dalawang Kavin ang nakikita ko ngayon sa harap ko.

"Give her back to me Kavin. She's not yours. Fuck you." saad ng lalakeng nakaupo sa sahig. Dinig ko naman ang sarkastikong tawa ng isa pang lalake na nasa harap ko. "What about you? Do you really think she's yours too?" nag-igting nanaman ang panga ng isang lalake.

"A-ano bang nangyayare, s-sino ba talaga sainyo si Kavin? A-ano ba!?" nanginginig na saad ko, pareho silang hindi nagaalis ng tingin sa isa't-isa. Matalim ang bawat pagtitig na ipinupukol nila.

"Valerie, listen to me." hinawakan niya ang mga kamay ko at pinisil iyon. "I'm Kavin, Kavindre Ace Devrian. He's my twin Kadmiel Ace Devrian." halos mawindang ako sa narinig ko. Kung ganon ay kambal sila? Kaagad na napaatras ako palayo sakanilang dalawa.

"Walang lalapit ni isa sainyo. M-may palatandaan ako sa taong n-nakasama ko." kahit na parang may naka-bara sa lalamunan ko ay nagpatuloy ako. "H-hubarin niyo ang mga suot ninyo. Y-yung pang-itaas lang." parang naunawaan agad nila ang sinabi ko kaya halos ipinikit ko ang mga mata ko. "Open your eyes." sabay na utos nila.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay alam ko na agad kung sino sakanila si Kavin. Hindi ko na muna pinansin ang mga tinapay nila na nagpapapansin sa'kin. May malaking tattoo na ahas sa dibdib si Kavin. Naaalala ko dahil noong nabaril siya ay nakita ko iyon. At iyon ang palatandaan ko sakanya.







Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now