STP: Chapter 7

1.7K 38 0
                                    

*FROM UNKNOWN NUMBER

"On going na ang paghahanap sa mga bata Ms.Zehra"

How did he get my number? Nevermind, hindi 'yan ang importante ngayon. Ni hindi ako nakatulog kaiisip sa mga bata, pakiramdam ko ay naging pabayang guro ako. Tutulong narin sana ang mga awtoridad sa paghahanap sakanila, ngunit may kumausap daw sakanila na wag nang mangealam upang hindi makatunog ang mga sindikato.

*TO UNKNOWN

"Please, make sure that they're safe, no bruises, and alive. Tell your boss that he must keep his promises."

----

"Don't blame yourself Eri, it's not your fault. Just pray for their safetyness, that's all you can do." matapos niyang sabihin 'yon ay binigyan niya ako nang mahigpit na yakap.

"I don't know dad, I can't stop blaming myself for that. If I was there dad, is it any possibility that it will happen? Wala 'di ba? Kaya kasalanan ko. Responsibilidad ko sila." nagsimulang lumandas ang mga luha sa mata ko.

"Eri, anak. Lunch break mo 'yon nang mangyare ang pag-kidnap sa mga bata. So you have no responsibility for them that time. Please Eri, stop blaming yourself. It has nothing to do with their situation right now."

*FROM UNKNOWN

"We need to talk, Valerie."

Kumunot ang noo ko nang mabasa 'yon, ipinagkumpara ko ang nag-text kanina sa nag-text ngayon, magkaiba ang numero. Wala ako sa mood makipag-lokohan kaya inignora ko na lamang 'yon.

*FROM UNKNOWN

"Kavindre Devrian. I'll give you the adress, meet me there."

Kusang umangat ang kilay ko nang mabasang muli ang text na 'yon, nagbigay ng pangalan pero hindi ko naman kilala.

*TO UNKNOWN

"I don't talk to strangers."

"I already gave you my name?"

"So? I don't know you. Your name isn't familiar to me. Why would I meet you?"

"Just meet me, I already sent the adress. Don't hesitate to come, we will talk about your student."

Kaagad ay naligo ako at nagbihis nang mabasa ang huling sinabi niya, wala na akong pakealam kung sino siya. Basta gusto ko nang maibalik ang mga bata.

-----

Narating ko na ang adress na sinend niya sa'kin, halos maging bato ako sa kinatatayuan ko nang makita ang lalakeng prenteng nakaupo at masama ang titig na ipinupukol sa'kin. Hindi ako pwedeng magkamali, kahit na isang beses ko pa lamang siya nakita ay tumatak na ang itsura niya sa utak ko. Anong ginagawa ng boss ng Damian na yon dito? As far as I know this is a private place.

"What takes you too long?" kunot noong tanong niya sa'kin.

"A-ako?" itinuro ko ang sarili ko.

"Yung pader." sarkastikong sagot niya.

"Do I have to wait for you to come this late? Won't you take your sit?" hindi ko alam pero parang natataranta ako sakanya. Ano bang nangyayare sa'kin. Huminga ako nang malalim bago ako umupo sa harap niya. Nang titigan ko siya ay naka-titig din ito sa'kin na kaagad naman niyang iniwas.

Tumikhim ako bago mag-salita.

"So what now? Any update?" 'yon lang ang ipinunta ko rito kaya hindi na'ko nagpa-dalos-dalos pa.

"They're safe." napanganga ako sa sinabi niya, at hindi makapaniwala na sa loob ng isang araw ay nagawa niyang iligtas ang mga bata.

"Nasa'n sila?? Gusto ko silang makita K-kavin..dre" halos nautal pa'ko sa pagbigkas ng pangalan niya, na siya namang pagtaas-baba ng adams apple niya.

"In my house, enjoying their meals. Don't rush things, you'll see them. I'll give them to you. In one condition." sambit niya sa'kin habang iniinom ang wine na inorder niya, meron din ako sa harapan ngunit ayokong galawin.

"What is it?" lakas loob na tanong ko.

"Give me back my mom, it's like an exchange gift. Simple as that." kumunot ang noo ko sa sinabi niya at para bang mabubulunan ako sa sarili kong laway, what the hell is he saying?

"Baliw ka ba?" dere-deretsong tanong ko sakanya.

"Anong ibabalik ko sa'yo? ni hindi ko kilala ang mommy mo pa'no ko 'yon ibabalik?"

"Stop playing innocent, Valerie. Give her back to us." mariing sabi niya, hindi ako nagpapaka-inosente hindi ko lang talaga maintindihan ang sinasabi niya.

"I'm not playing innocent here, Kavin...dre. Wala lang talaga akong maintindihan sa sinasabi mo! Hindi ko kilala ang mommy mo. Kaya pwede bang iba na lang?" naiinis ako sa pagka-utal ko sa t'wing babanggitin ko ang pangalan niya. Pero mas naiinis ako dahil pinipilit niya ang gusto niya.

"Can you stop giving me headache? I just want you to give her back to us, simple as that. Is it that hard?" kalmado pero halata ang pagiging iritado niya sa boses niya. Mahirap, ang hirap talaga lalo na kung hindi ko naman talaga kilala ang mommy niya. Siraulo.

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now