STP: Chapter 17

1.1K 22 0
                                    

NAKAUWI narin ako sa wakas sa tunay na tahanan ko. Bago ko pa nga landasin palabas ang kumpanya niya ay nakasalubong ko pa ang creepy niyang kapatid, tinitigan ba naman ako at nakaka-kilabot na ngumisi!


Mga devri-sira.


"Alam mo pa pala ang daan pauwi?" bungad sa'kin ni mommy. Halos kararating ko lang oh, pwede bang time-out muna?

"I'm sorry mom, I've been busy in this these past few days." akmang magmamano ako sakanya nang tabigin niya ang kamay ko. Sanayan na lang talaga.

Dumiretso ako sa refrigirator para uminom nang tubig. I feel so drained.

"Busy sa lalake?" nasamid ako sa iniinom kong tubig nang itanong niya iyon.


Mag-hunos dili ka mommy!


"M-mom sa trabaho po. Alam mo namang hindi ako malapit sa lalake." agad na depensa ko, maalala ko lang ang mukha ng lalake na 'yon ay nasisira na ang mood ko.

"Alam ko? E ngayon lang naman kita kinausap, bakit nga ba kita kinakausap?" malay ko rin ho sa'yo, baka napag-isip isip mo na mahal mo talaga ang one and only daughter na kinasusuklaman mo masyado.

Panandaliang tinalikuran ko muna siya para ilagay sa sink ang baso na ginamit ko.

"By the way, how are you mom? Hindi na ba kayo madalas mag-away ni dad?" pag-harap ko ay wala na pala akong kausap.


Ayos lang ako, hindi na kami nag-aaway.


Bumuntong hininga na lang ako at tinungo na ang hagdan papunta sa kwarto ko. Isang buwan din akong nawala ngunit walang pinagbago ang kwarto ko, napaka-linis parin. Nilinis kaya 'to ni mom? Wala man lang kahit anong bahid ng alikabok sa kwarto ko. No wonder, kahit naman siguro 10% lang ay mahal niya parin ako.



FROM DADDY:

"I'll be there in a few mins Eri, just got stuck on a traffic. See you!😙"

Bahagya naman akong natawa sa pa-sticker ni dad, kundi lang kami mag-ama nito ay siguro kung mahal lang siya ni mom ay madalas na pagselosan niya ako.


TO DADDY:

"Okay dad, take care. See you!"

Nagpalit muna ako ng damit, longsleeve na floral ang design at high waist na pantalon lang ang isinuot ko since sa bahay lang naman ako. Pinarisan ko lang din ng black flatted sandals, at nag-spray narin ng pabango ko.

----

"Ang linis ng kwarto ko nay liza, si mom po ba ang naglilinis don habang wala ako?" parang medyo na-offend ko siya sa sinabi ko. Siya ang katulong namin dito sa bahay, siya narin ang nakalakihan kong katulong dito kaya nanay na lang ang itinawag ko sakanya.

"Alam mo namang kahit kailan ay ayaw pumapasok ng ti- mom mo sa kwarto mo iha. Sino pa nga ba ang maglilinis doon?" bahagyang kumunot ang noo ko sa dapat na sasabihin niya. Ngunit hindi ko na lang pinansin.

"Ganon po ba? Gabi narin ho at mag-aalas syete na. Naghapunan kana ho ba nay Liza?" sa pagkakatanda ko ay 56 narin itong si nanay Liza, madalas ko nga siyang tanungin kung ayaw niya pa bang magpahinga at ako na lang ang susuporta sa mga pangangailangan niya ngunit palaging ayaw ang sagot niya at hindi nagbabago.

"Hindi pa iha, wala pa ang daddy mo. Sabay-sabay na tayo." malapit narin siya sa'min, itinuturing narin naming pamilya.

"Ah sige ho, sa kwarto po muna ako. Ikaw na pong bahala rito nay." saka ay nginitian ko siya at binigyan ng halik sa pisngi. Daig pa kase niya si mommy, mas naramdaman ko pa ang pagiging ina niya sa'kin.

-----

"Iha" kaagad na tumayo ako nang kumatok si nanay Liza, at pinagbuksan ng pinto.

"Nakauwi na po ba si dad, nay?" nakangiting tanong ko sakanya.

"Hindi iha, pero malapit na raw ang daddy mo. Pero may naghahanap sa'yo, kay gwapong binata iha. Halika na't hinihintay ka sa baba." kaagad naman na nag-salubong ang kilay ko, bukod sa kabigan namin ni Lyxen na si Lendon ay wala na akong ibang kilala na lalake.

"Good evening Valerie." nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang naghihintay sa'kin.

"What the... what the hell are you doing here Kavin?!" hindi ako pinansin nito at nilapitan pa ako sa hagdan at iniabot ang isang bouquet ng pulang rosas sa'kin.


"Hindi ko kailangan niyan Kavin, umalis kana rito." akmang tatalikod na'ko nang marinig ko ang busina ng sasakyan ni dad.


Ang walang hiya umupo pa talaga sa sofa, hindi na nahiya pinapaalis ko nanga!


"D-daddy you are here." baka kase anong isipin ni dad kapag nakita niya ang mokong na 'yon. Baka isipin niya pa na marunong na'ko makipag-relasyon!


Kaagad na niyakap ako nang mahigpit ni dad halatang na-miss ako. "Oh I missed you my daughter. My Eri" at hinalikan niya ako sa noo.


"Let's eat Eri, Liza tell Valerina to come down we will have a dinner together." nang makahakbang na siya papasok ay nakita ko ang pamumutla niya nang makita si Kavin na naka-dekwatro pa sa sofa.


Kay kapal naman talaga ng mukha!


"Long time no see, Rendel." nagtatakang nilingon ko si Kavin. Long time no see? Si dad naman ay nagpapawis na ang noo at panay ang lunok nito.


"You know each other dad?" nagtataka parin ako, what the hell is happening?


"Why are you letting someone we don't know into our house Liza? Eri? Why!?" ngayon lang nagtaas ng boses sa'min si dad at hindi ko alam kung bakit. Napaka-simpleng dahilan lang nito para ikagalit niya.

"Ne dérange pas notre vie tranquille Kavin!" halos magpantig ang tainga ko sa sigaw ni daddy. Ngunit hindi ko naman maintindihan kung anong sinabi niya, tanging Kavin lang!


Nag-french nanaman siya!


Napahilot na lang ako sa sentido ko at inawat si dad maging si nanay Liza ay umaawat narin.

"Ano bang nangyayare rito!?" maging si mom ay bumaba narin, akala ko ay matatapos ang gulo rito ay nasa kwarto lang siya.

"Oh my mother." nabitawan ko kaagad si daddy sa narinig ko, ano? tama ba ang sinabi niya kay mommy? mother? Teka baka nagkamali lang ako ng dinig.

"What did you say Ka-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang sumugod si dad kay Kavin at sinuntok ito.

Kaagad na tumakbo kami papunta sakanila...

"Dad ano ba! ibaba mo yan!" tila hindi niya na kami naririnig nang tutukan niya ng baril si Kavin.

KAVINDRE

"Go ahead Rendel, shoot me." pinunasan ko ang dugo sa gilid ng labi ko. It's been a long time since I had a fight with someone, but luckily he died and I survived.

"Kavin umalis ka na kase! umalis ka na ano ba!" I ignored her and I didn't take my eyes off Rendel.

"Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo kitang gago ka! umalis kana bago pa'ko magkasala sa'yo!" his face was so red because of too much anger.

"Magkasala?" I grinned and looked at him. "You've been guilty for a long time Rendel. Are you that afraid of your daughter knowing the truth?" I could see how pale he was.

"Do you wanna know the truth Valerie?" I feel sorry for her, she really thought that her father was a good man. Little did she know, her father was full of sin. He's still alive, but his soul is burning in hell.

"Ano bang sinasabi mo Kavin!? Umalis kana, alis na! ayaw na ayaw na kitang makita ulit dito!" Yeah, maybe now isn't the right time to tell you the truth. Pero sana alam mo, na sinubukan ko.

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now