STP: Chapter 32

922 21 0
                                    

LUMIBAN ako sa trabaho at nagdahilan na lang na may sakit ako, dahil ang totoo ay sa tuwing magdidikit ang mga hita ko ay napapangiwi ako sa hapdi noon.

"Does it still hurts?" tanong sa'kin ni Kavin. Maski siya ay pinaasikaso na lang sa kapatid niyang si Keegan ang kumpanya habang narito siya sa'kin, siya naman kasi ang nagpumilit dahil kasalanan niya naman daw kung bakit ako hirap maglakad.


"Halata ba?" sagot ko sakanya, natawa na lang siya at dinampian ng halik ang noo ko. Tss hobby niya na ang halik-halikan ang noo ko. Pwede namang sa labi na lang.

"Why so grumpy love? hmm, the meat isn't soft yet so wait a minute hmm? Just a few minutes baby then you'll eat." ipinagluto niya rin ako nang nilagang baboy, pumayat daw kase ako kaya puro matatabang pagkain ang pinapakain sa'kin.

"Baka naman kapag tumaba ako ay maghanap ka ng iba ha?" nakataas ang kilay na tanong ko sakanya.

"What makes you think that I'll find another girl if you became chubby?" napaisip naman ako. Baka lang nga kasi, naisip ko lang naman yon dahil marami akong napanood na iniiwan ng asawa or boyfriend nila dahil lang sa hindi na maganda ang hugis ng katawan nila.

"I won't baby, and I never ever will. I love my woman so much. Kahit na magkaroon pa ng bilbil yang t'yan mo, araw-araw ko lang panggigilan." malambing na sabi niya kaya napangiti naman kaagad ako at dinampian siya ng halik sa labi.

"Baka naman binobola mo lang ako ha?" pinaningkitan ko siya ng mata.

Yumakap siya sa'kin at hinalikan ang ulo ko, "Fuck those boys out there that body shaming their wifes and girlfriends just because they've change their body appearance." napangiti na lang talaga ako dahil ibang-iba talaga siya sa mga tipikal na lalake.

"sus, puntahan mo na yung niluluto mo. Gutom narin ako." kumalas na siya sa pagkakayap sa'kin at dinampian ulit ako ng halik sa noo bago ako tinalikuran.

"adik." usal ko sakanya.

"Sa'yo so much." hindi ko alam pero humagalpak na lang ako sa tawa at binato siya ng unan.

"Korni mo naman po." biro ko sakanya.

"The food is ready baby, let's eat." lumapit siya sa'kin at akmang bubuhatin na ako pero ang sabi ko ay kaya ko naman, binibaby ako masyado ng lalakeng 'to.

Ipinagsandok niya ako ng kanin at nilagyan ng sabaw at ulam ang plato ko. Siya naman ay ulam lang dahil simula't sapul ay ayaw niya talaga sa kanin. Kakain lang siya non kung nanlilisik na ang mga mata ko sa galit.

"Won't you eat your meat?" tanong niya nang makitang gulay at kanin lang ang kinakain ko at hindi ginagalaw ang baboy.

"Ayoko." binalingan ko siya ng tingin at mariin na sinabi iyon.

"Come on love, you're beautiful whether you are fat or thin, baby you're the most sexiest woman for me. So eat more, please?" he begged. Itinago ko ang ngiti ko sa pamamagitan ng pag-irap at kumain na lang.

"I'll go home later love." biglang sabi niya habang pinaglalaruan ang buhok ko. Nakahiga kami ngayon sa kama at nakaunan ang ulo ko sa braso niya. Tiningala ko siya at pinahalatang nalungkot ako bigla.

"Why? nagsasawa kana ba sa mukha ko Kavin?" tinignan niya naman ako at bahagyang kumunot ang makinis niyang noo.

"Did I say, I'll go home alone? Ofcourse, I'll take you with me." seryosong saad niya. Hinalikan niya ang buong mukha ko at natatawang kinagat ko ang labi niya dahil sa panggigil. Hindi naman siya nagreklamo.

Kanina pa tunog nang tunog ang cellphone niya pagpasok niya sa banyo. Ayoko namang iinvade ang privacy niya kahit pa alam ko ang password ng cellphone niya, may tiwala naman ako sakanya.

Hanggang sa nag-ring iyon, kaya kinuha ko na lang at sinagot. Tanging "K" lang ang nakalagay sa name caller.

"Hello?" ako na ang naunang nagsalita.

"Oh, I heard your angelic voice again." nagsitayuan ang balahibo ko nang marinig ang boses na iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay sigurado ako kung kanino boses iyon.

Kay Kadmiel.

"So it's true huh. My twin is having an happy lovelife, with whom? With my girl." kanda-lunok lunok ako sa pinagsasabi niya kaya nabitawan ko ang cellphone ni Kavin. Ano bang kabaliwan iyon?

"Hey, am I scaring you? Don't be afraid at me Valerie." mas lalong nanindig ang balahibo ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Naka-loud speaker ang cellphone kaya kahit wala na iyon sa tapat ng tenga ko ay dinig na dinig ko parin ang mga sinasabi niya.

"I'm harmless, Valerie. And Kavin is not, so you should think twice before you give your v-card to him." hindi ko siya maintindihan kung bakit ganito ang sinasabi niya sa'kin, galit ba siya kay Kavin? May alitan ba sila? Kung sakaling hindi ako ang sumagot ng tawag niya, ano kayang paguusapan nila?

"Don't give it to him, no regrets after all if you do." nanginginig na binalingan ko ng tingin ang cellphone at akmang papatayin ko na iyon nang magsalita siya ulit.

"I hate you Valerie." gulong-gulo ang utak ko, anong kinalaman ko? At ano ang kailangan kong malaman?

"I really do." habol niya pa.

"B-bakit? A-ano bang nagawa ko sa'yo? Pwede bang tumigil ka, bakit mo ba sinabi lahat nang 'yon sa'kin?! Bakit mo sinisiraan ang kapatid mo?! Puno na ba nang inggit yang katawan mo!?" asik ko sakanya dahil hindi na'ko nakapag-pigil.

"Tsk." tanging sagot niya. "That's why I fucking hate you, woman." baliw ang lalakeng 'to.

"You wanna know why? It's because you are so fucking easy to fool. Fucking easy to manip-" naputol ang sasabihin niya nang patayin iyon ni Kavin.

"Damn!" he cursed loudly.

Napapitlag ako sa sigaw niyang 'yon.

"Didn't I told you not to fucking touch my fucking phone?!" nanlaki ang mga mata ko nang sakalin niya ako, hindi makapaniwalang tinignan ko siya habang hawak ang kamay niyang nakasakal sa'kin. Naiiyak na ako dahil parang kahit anong oras ay mawawalan na ako ng hininga sa higpit ng pagkakasakal niya sa'kin.


"K-kavin, I-im r-running out of....
b-breathe" doon lang siya parang natauhan at binitawan ako. Napaubo ako ng sobra at humawak sa leeg kong tila naron parin ang bakal na kamay niya. Lumandas ang mga luha ko at nanginginig na lumayo sakanya.

"L-love." tawag niya at tila natataranta ang boses.

"I didn't mean to...." akmang lalapit siya sa'kin nang muli akong humakbang paatras. Takot na takot parin ako sakanya, nangako siyang hindi niya ako sasaktan. Hindi parin kayang iproseso ng utak ko ang ginawa niyang pagsakal sa'kin.

Kanina lang ay ang saya namin.

Kanina lang ay ang sweet niya pa sa'kin.

Bakit bigla na lang niya akong sinaktan dahil lang sa simpleng bagay na 'yon?

Hindi ko naiintindihan.

Hindi ko maintindihan.

At mas lalong hindi ko kayang intindihin.

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now