STP: Chapter 27

1K 16 0
                                    

MINASAHE ko ang batok ko dahil ngalay na ngalay iyon, sa sobrang pagkabigla ko kasi sa confession ni Kavin ay hindi ako nakatulog agad kaya nanood na muna ako at nakatulugan ko naman pala iyon, kaya tuloy ngayon ay ang sakit ng batok ko.

Tumungo na ako sa banyo at naghilamos at nag-sipilyo. Hindi ko na pinalitan ang suot kong pajama at lumabas na para bumili ng pandesal. As usual ay nadaanan ko nanamang nagwawalis si aling Sita at parang isinubsob ang mukha sa harina. Maging ang kilay at labi ay ang kapal ng kolorete.

Akmang lalampasan ko na siya nang magsalita siya. "Hoy Verna." napapikit ako nang mariin ng tawagin niya nanaman ako sa pangalan na 'yon. Makailang beses ko nang sinabi at pinaliwanag na VALERIE ang pangalan ko at hindi VERNA ang layo-layo!

Huminga ako nang malalim bago siya harapin. "Aling Sita..." nagtitimping saad ko at bumuntong hininga. "Valerie po ang pangalan ko, at incase na magkakamali parin po kayo magdidikit na po ako ng pangalan ko riyan sa pinto mo. Ayos ho ba? Para ho pag kakausapin mo ako ay titingin kana lang sa pinto mo." pilit na ngumingiti ako habang sinasabi sakanya iyon.

"Ay kalinte pareho lang naman yon di ga? Aba'y sino iyong lalake na parating nagpupunta riyan sa condo mo?" nakaangat ang isang kilay niya habang sinasabi iyon, gosh this lady with a thick eyebrow is so marites. "Siya ba'y shota mo?" napapangiwi na lang ako sakanya. Yung term niya pa ay masyadong pang-bagets at ang pangit pakinggan.

Shota - Short time! ang laswa!

"Aling Sita, he's my suitor." sagot ko sakanya.

"Aba ang ibig mo bang sabihin ay tutor mo? Aba! guro ka na e nagpapatutor ka pa?" tila nanenermon at nangiinsultong saad niya. Natampal ko ang noo ko dahil sa isinagot niya. "Suitor po ay manliligaw. Sige na po ha gusto ko na hong mag-almusal. Ang ganda-ganda po tuloy ng umaga ko kasing-ganda mo." at matamis akong ngumiti sakanya bago siya tinalikuran.

Ang pangit pangit ng umaga ko!

Habang nasa elevator ako ay nag-vibrate ang cellphone ko. Kaya kaagad na binasa ko ang text.

KAVIN DE ASUNGOT

Seriously? You are not in your condo in this early?

Umangat ang isang kilay ko sa text niyang 'yon. Nasa condo ko kaagad siya ng ganito kaaga?

Binilisan ko ang lakad ko nang makabili na ako ng pandesal. Pumasok na ako sa elevator at napa-kurap ako nang makita kung sino ang nasa loob noon.

"Where have you been?" nakakunot ang noo niya at nakapa-mulsa ang dalawa niyang kamay. "Bumili ng pandesal." tipid na sagot ko, kinuha niya naman sa'kin yon at siya na ang pumindot ng no.3 sa elevator.

Nang huminto na 'yon ay nauna akong lumabas, napahawak ako sa dibdib ko dahil kumakalabog iyon. Nadatnan ko ang lamesa na may iba't-ibang klase ng libro at meron pang dalawang klase ng glasses doon. Napansin ko rin ang mga paper bag at ang isang bouquet ng white tulips. Matagal na pala akong nakatayo habang pinagmamasdan ang mga 'yon.

"Here's your special flowers milady." ibinigay niya sa'kin iyon at napapitlag ako nang bigla niya akong hinalikan sa noo. Sa noo lang 'yon, simple ngunit parang natuyot ang lalamunan ko sa pagkabigla.

"T-thankyou.." nauutal na sabi ko. Pinaupo niya ako sa sofa, ako pa tuloy ang nahiya dahil parang ako ang bisita at nakiki-condo.

"Here's your books. You told me before that you love reading books so I bought those for you. I also bought you two glasses for your safety reading." paliwanag niya, kaagad ko namang inilapag sa mini table na kaharap ng sofa ang bulaklak at kinuha ang mga libro sakanya. Those are my favorite authors!

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now