STP: Chapter 19

1K 19 2
                                    

Nitong mga nakaraang araw ay naging mailap sa'kin si dad buhat nang mangyare ang away nila ni Kavin. Speaking of him, like what I told him before. I don't wanna see his face again.

At tinotoo naman ng gago!

Isang buwan at tatlong linggo rin akong nawala sa pagiging guro, kaya napag-desisyonan ko nang bumalik ulit sa pagtuturo. Mis na mis ko narin ang mga batang iyon.

"Namiss ka po namin Ma'am Ganda bakit ngayon ka lang po bumalik? Antagal mo pong nawala." masayang bati nila sa'kin ngunit may bahid ng pagtatampo ang mga boses nila.


"Marami lang inasikaso si Ma'am, pero di ba kayo happy? Bumalik na ako oh." ngumiti ako nang masilayan ang mga mukha nilang nagtatampo nga talaga.


"Alam mo po ba Ma'am Ganda yung pumalit sa'yo ang bad bad niya po. Lagi niya kaming sinisigawan tapos po lagi niya po kaming niaaway." sumbong sa'kin ni Mira.


"Wag kayong mag-alala ha? Hindi na ulit aalis si teacher, okay ba yon?" masayang tanong ko sakanila.


"Sobrang na-miss ko kayo mga anak." mangiyak-ngiyak na saad ko sakanila.

Umupo ako upang mapantayan sila. "Ayaw niyo bang i-hug si Ma'am? lika na group hug!" at sabay-sabay na yumakap sila sa'kin. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang totoong saya.


"Ma'am nahihirapan po ako dito, ang hirap po kasi." itinuro niya sa'kin ang letrang R na kanina niya pa raw ginagawa ngunit hindi niya magawa ng tama.


Hinawakan ko ang maliit na kamay niya habang hawak ang lapis at iginuide ito sa tamang pagsulat ng R. "Una gagawa ka muna ng straight na line, yan ganyan tapos sa tabi niya gagawa ka ng maliit na c pero baliktad. Tapos lalagyan mo siya ng maliit na paa sa baba." paliwanag ko sakanya, nakangiti naman siya habang tinuturuan ko. "Sige nga nak ikaw mag-isa." tuwang-tuwa siya nang magawa niya yon nang mag-isa na siya ring ikinangiti ko.


"Kuyang pogi!" sabay-sabay na tumakbo sila Mira, Terrence at Ella sa pinto. Dahil nakatalikod ako ay hindi ko alam kung sino ang pinuntahan nila. Ngunit kung tama ba ang narinig ko ay hindi ko alam. Malabong puntahan niya ako!


Bakit ko nga ba siya iniisip?!


Nang humarap ako ay halos huminto ang tibok ng puso ko. "Flowers for you Ma'am Valerie" walang ano-ano ay tuloy-tuloy na pumasok siya. At ang tatlong bata ay tuwang-tuwa na nasa harap niya.


"Yehey!!nakita ka po ulit namin kuyang pogi." sabay-sabay na hagikgik nila. Kaagad na kinuha ko naman ang isang bouquet ng white tulips sa kamay niya, hindi ko sana kukunin pero kasi....


Paborito ko ang white tulips! At isa pa, bukod kay Lendon ay siya pa lang ang nagbigay ng bulaklak sa'kin!


Aarte pa ba ko? syempre hindi!


"What brought you here Kavin? What are you up to this time?" tumikhim siya at doon ko lang naalala na may mga bata nga pala kaming kasama.


"Hihihi, ang cute niyo pong dalawa Ma'am Ganda. Mag-asawa na po ba kayo?" nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Ella, pakiramdam ko tuloy ay nag-init ang magkabilang pisngi ko sa hiya.


"Ah, mga anak di ba may pinapagawa si Ma'am? Sige na gawin niyo na para may star kayo sa kamay mamaya, gusto niyo ba yon? Hmm?" kaagad na nagsitanguan sila at nagsitakbo papunta sa mga upuan nila.


"Let's talk outside Valerie." nagulat ako sa paghawak niya sa pulso ko.


"You don't have to touch me." saka ay marahas na tinanggal ko ang kamay niya sa pulso ko.

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now