STP: Chapter 20

1.1K 21 2
                                    

HINDI KO alam kung bakit kaagad na kumilos ang mga paa ko at pinuntahan siya.

"Oh jesus christ, what happened Kavin??" ipinaupo ko siya at ipinaakbay sa'kin at dahan-dahang itinayo. Kahit na parang bibigay ang tuhod ko dahil hindi ko naman kaya ang isang tulad niya, e ang bigat ng katawan niya isama mo pa na anlaki ng muscle niya sa braso! hirap na hirap ang balikat ko!

"Inchay please comeback" kaagad na napalayo ako sakanya nang ibagsak ko siya sa kama.


FLASHBACK...

"Ganito na lang, bakit ba ayaw mong sabihin ang pangalan mo?" nagtatakang tanong ko sa bagong lipat na bata sa tapat namin.

"Wala, ayoko lang." maikling sagot niya naman


"Okay, ganito na lang. Tawagin mo'kong Inchay at tatawagin kitang Inchoy!" masayang suhestiyon ko sakanya. "andaya-daya mo eh, nasabi ko na tuloy ang pangalan ko sa'yo." nakangusong saad ko na animo'y inagawan ng laruan.


"Okay, mula ngayon Inchay na ang iatatawag ko sa'yo at sa'kin naman ay Inchoy." kita sa mukha niya ang saya at nakipag-apir pa sa'kin.


"Nagi-school ka na ba Inchoy?" tanong ko sakanya para di niya ko agad iwan kase ngayon lang ako nakalabas at merong nakipag-kaibigan sa'kin.


"Hindi pa, 7 na ako pero sabi ni daddy di pa raw ako pwede mag-school kase puro bad daw sila don." malungkot na wika niya.


"Hindi ah, ang saya-saya kaya mag-school Inchoy, madami kang magiging friends!" masayang saad ko, nakakaawa naman siya, bakit kaya ayaw ng daddy niya na mag-aral siya?


"Oo nga pala Inchoy bakit hindi ko nakikita ang mommy mo, nasa'n siya?" kuryosong tanong ko sakanya. Mula kase nung lumipat sila nung nakaraang linggo ay laging daddy niya lang ang nakikita ko.


"Bigla na lang nawala si mommy, sabi sa'kin ni daddy ay nagbakasyon lang daw siya pero hindi pa siya bumabalik." malungkot ang mga mata niya na nakatingin sa malayo habang nagkukwento ano kayang nangyare?


Ilang araw lang ay hindi ko na nakita pa si Inchoy, palagi ko siyang inaabangan sa labas ngunit nalulungkot lang ako dahil kahit anong hintay ko ay walang Inchoy na lumalabas. Sana tuparin niya yung sinabi niya na pagtanda namin ay magpapakilala na siya sa'kin. Siya lang ang unang naging kaibigan ko at ako rin ang unang naging kaibigan niya.


END OF FLASHBACK...

***

Pamilyar sa'kin ang binanggit niyang pangalan. May batang imahe na naglalaro sa utak ko ngunit hindi ko maalala ang mukha niya pati narin ang pangalan niya.

Tinapunan ko muli nang tingin si Kavin na ngayon ay hawak-hawak ang tama ng baril niya sa tagiliran. Ngunit wala kang makikita na bakas ng sakit sa mukha niya. Kaagad na kinuha ko ang medical kit ko at ginamot ang sugat niya, sa wari ko ay daplis lang naman iyon dahil walang butas na maaaring pinasukan ng bala.

Hinubad ko rin ang longsleeve polo na suot niya at ang necktie niya dahil basang-basa ito sa ulan, marahan kong ipinikit ang mga mata ko para hindi makita ang katawan niya. Ngunit nang matanggal ko na ang mga butones ay dumampi ang katawan ko sa mga matigas na parte ng tiyan niya.


Iminulat ko ang mga mata ko at nagulat ako nang makita ang malaking tattoo sa dibdib niya, isang malaking ahas na nakakamangha ang pagkakaukit nito sa dibdib niya. He's already hot even without this, but now that I saw this? Ahh he's so much hotter than anyone now.


Tinampal ko ang pisngi ko at iwinaglit ang nabubuo sa aking isipan nang madako naman ang tingin ko kung saan nakadampi ang palad ko. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa walong tinapay niya. Ito ang unang beses na makakakita ako nang ganito, madalas kase ay sa magazine lang at sa mga modelo ng brief! hindi ko inakala na ganito pala ang pakiramdam na makakita ng ganon sa personal at malapitan pa!


Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang isa ko pang kamay at hinawakan iyon.


Ang sherep.


Nagulat ako sa biglang paghawak ni Kavin sa kamay ko. Pero tulog siya kanina!


"Are you lusting after me, Valerie?" kaagad na binawi ko ang kamay ko sa naging akusa niya sa'kin.

Ang kapal ha! Wala akong iniisip na ganon! Lust agad?! Bastos! Dumi mag-isip!

"H-hindi ah! ginamot ko lang ang sugat mo! W-wait a minute, did you just accused me after I let you in to my room!? I even treated your wound Kavin!" singhal ko sakanya, deretso lang naman ang mga mata niyang nakatitig sa'kin kaya hindi ko maiwasang hindi mailang.


"The wound is on my side, not on my abs woman." pinamulahan kaagad ako sa sinabi niya. Kailangan kong makaisip ng ipang-dedepensa!


"A-ano k-kase b-basa ang talong mo!" kaagad na dipensa ko. Ay teka ano ba yong nasabi ko?! anong talong!?


"What?" kunot-noong tanong niya. "Ang ibig kong sabihin, b-basa ang damit mo g-ganon!" nagdasal ako sa isip ko dahil sa kung ano-ano na ang mga nasasabi ko.


Tumayo kaagad ako sa kama at naghalungkat ng pwede niyang suutin. Wala siyang choice kundi suutin ang makikita kong kakasya sakanya. Mabuti na lang at may iilan akong over sized t-shirt at may mga pajama ako na sa tingin ko naman ay kahit isa may kakasya sakanya. Garterized naman ang mga pajama ko at hindi rin namn ako soft girl na mahilig sa babaeng babae na design kaya huwag na siyang mag-inarte baka magbago ang isip ko at patulugin ko siya nang nakahubad!


Inihagis ko sakanya ang mga damit na napili ko "Oh, magpalit ka na. Wag mong sabihing ako pa ang magpapalit sa'yo? Mahiya ka naman!" dahil hindi parin siya kumikilos kahit nasa kanya na ang isusuot niya.


"How can I change clothes if you are looking?" napapikit na lang ako sa katangahan niya. "May cr naman!" pigil na pigil akong kurutin ang tagiliran niyang may daplis dahil sa katangahan.


"No, i'd rather dress up here."


"Sige." kaagad na binawi ko ang naging sagot ko nang marealize ang sinabi niya at sinamaan ko siya ng tingin. Halos manlaki ang mga mata ko nang sa isang iglap ay nahubad niya na ang pang-ibaba niya at tanging boxer na lang ang natira.


"Siraulo ka ba?!" tumalikod agad ako at napatakip sa mga mata ko. Akala niya ba ay sanay na'kong makakita ng ganon!? God for heaven's sake! even just once hindi pa ako nakakita ng putotoy ng lalake!.







Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now