STP: Chapter 16

1.1K 27 3
                                    

Pinihit ko nang dahan-dahan ang doorknob ng pintuan ng kwarto ko upang hindi makalikha ng kahit anong ingay. Wala akong dalang gamit upang walang maging sagabal sa'kin bukod sa cellphone ko. Bukod kase sa wala akong biniling gamit sa mga sinusuot ko ay wala rin akong balak iuwi ang mga pinamili niya sa'kin.

Maging ang pagsusuot ng heels ay hindi ko ginawa, ang suot ko tuloy ay tsinelas na pambahay as in pambahay talaga dahil cotton ang sapin nito!

Halos kumalabog ang dibdib ko nang marinig ang mga pusang naghahabulan sa labas. Takot pa naman ako sa mga pusa kapag gabi.

Paniguradong naka-lock ang main door ng mansyon, maging ang sa likod. Kaya ang tanging naisip ko na lang ay dumaan sa bintana sa kusina, yun lang kase ang sliding window niya rito sa mansyon niya.

Matatanggal na yata ang kuko ko kaka-slide sa glass window niya ay hindi ko parin nagagawa.

"Need help?"

"Oo, halika na rito hirap nanga ako e magtatanong pa." saka ko lamang narealize ang sinabi ko at ang taong nagsalita sa likuran ko.

At nalintikan na nga!

"Do you really think you can get away from me? Take a sleep, so you can dream of you living a happy life without me." he sarcastically said.

"Kampon ka ba ni satan ha?" bumaba ako sa pagkakatun-tong sa gilid ng lababo at lumapit sakanya.

Hinawakan ko ang damit niya gamit ang magkabilang kamay ko. "Do you like me, that's why you are doing this?" teka parang nasabi ko na to dati. O napanood ko lang? hindi eh, parang feeling ko nasabi ko na to? Deja vu? hindi siguro hallucination ko lang.

"Uulitin ko, baka hindi mo maintindihan sa ingles kahit yun naman talaga ang lengwahe mo. Gusto mo ba ako Kavin?" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong sabihin sakanya to, alam ko namang pagsisisihan ko rin, bahala na.

Para akong nakuryente nang hapitin niya ang bewang ko palapit sakanya.

"What if I do?" ramdam ko ang pamumula ng mukha ko lalo na nang titigan niya ako sa mga mata ko, halos isang dangkal na lang ang pagitan at magdidikit na ang mga labi namin.

Anlakas ng kabog ng puso ko na tila ba ano mang oras ay hihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Why am I feeling this? Tila ako nakukuryente sa kamay niyang nakayakap sa bewang ko.

"T-teka, did I tell you to touch me?!" kaagad na itinulak ko siya at padabog na pumasok sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Kaagad na tinawagan ko si dad at sinabing hindi matutuloy ang uwi ko, naghihinala na tuloy siya kung ano bang nangyayare sa'kin. Ayoko namang sabihin na pilit lang ang pagtira ko rito. Baka may gawin siyang aksyon at madamay pa ang pagtakbo niya bilang mayor kung nagkataon.

Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko kakayaning magsinungaling kay daddy, ang alam niya ay bumukod ako ng bahay dahil gusto ko munang mamuhay mag-isa. Hindi niya alam na kasama ko sa iisang bubong ang isang lalake na kailan ko lang din nakilala.

Bumuntong hininga na lamang ako at isinubsob ang ulo ko sa unan.

Bakit ba ayaw akong paalisin ng lalake na yon? As far as I know wala naman akong atraso sakanya! isa lang naman siyang stranger na pumasok pasok sa buhay ko, inshort para lang siyang problema na dumating sa buhay ko!

-----

Isang buwan narin mag-mula nang maging assistant ako ni Kavin, sinabi ko rin kay dad na isang buwan lang ako rito at babalik ako sa pagiging guro ko. Para akong hindi makahinga sa tuwing kasama ko si Kavin, lalo na sa nangyare noon na sinakyan niya ang kalokohan ko.

Oo alam ko namang sinakyan niya lang ang sinabi ko! hello isa siyang bilyonaryo di hamak na mayaman din kami pero malayo parin na magustuhan niya ko! saka ano naman sakin? bakit ko pa ba iniisip yon, saka bakit ako affected?

Umiling na lang ako at iwinaglit ang ala-alang iyon, kung bakit ba naman kase nahuli niya pa ako!

"This is my resignation letter Kavin. I'm done with this." hindi niya pinansin ang papel na inilapag ko sa harap niya bagkus sa'kin idineretso ang madilim niyang tingin na animo'y nagsasabing baguhin ko ang desisyon ko.

"Why?" aba't nagtatanong pa, dahil lang naman ito sa deal niya. tapos na ako, tapos na! hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil sa tuwing kasama ko siya ay bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Wala akong plano na dagdagan pa ang isang buwan na pagiging assistant ko sayo Kavin. Gusto ko naring bumalik sa pagiging guro ko, hindi pa ba sapat na ikinulong mo'ko sa mansyon mo at hindi binigyan ng kalayaan sa loob ng isang buwan?" nagsalubong ang makakapal na kilay niya na tila ba hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"We had a deal Valerie." deal na tinatapos ko na ngayon! saka tinatanggalan mo ako ng karapatan na gawin ang mga gusto ko.

"At tinatapos ko na ang deal na sinasabi mo ngayon." nakikipag-labanan ako sa titig niya na nagpapahina sa tuhod ko pero hindi ako magpapatalo.

"Do you think you can leave anytime you want to? It's not that simple as you think it is, so stop making things hard for us." masama ko siyang tinignan, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Magiging simple at hindi mahirap kung hahayaan niya na lang ako.

"Who do you think you are Kavin?" itinukod ko ang mga kamay ko sa working table niya at don kumuha ng lakas dahil nanghihina ang mga tuhod ko.

"Hindi porke bilyonaryo ka ay makukuha mo na lahat ng gusto mo, hindi ako robot na pagmamay-ari mo Kavin. Na kapag sinabi mo ay gagawin ko. Napaka-makasarili mo ni hindi mo inisip na may pakiramdam din ako para masaktan sa nagiging desisyon mo! Ka-" naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Fine I'm fucking no one! just a fucking stranger to you, you think I'm selfish? Fine. leave and I will never bother you again. Just so you know, I'll make your father's life miserable. Miserable than my life." biglang dinaga ang dibdib ko sa takot, money can do everything, nothing impossible when it comes to it.

"He's running as a mayor, didn't he?" tuluyan nang nanghina ang tuhod ko at napaupo, ni hindi ako nakasagot. He used my dad because he knew that he's my weakness.

"I'll give you two options, you choose. Go leave and I will never bother you again but never expect your father's peaceful life, or you'll stay and your father will live peacefully." gusto ko siyang murahin, gusto kong tadyakan ang lalakeng 'to. Teka wala yon sa option di ba?

Tumayo ako at tinadyakan ang dalawang itlog niya, kaagad naman na bumagsak siya sa sahig at namilipit.

"You deserve it asshole. I made up my mind, I'll never stay with you." saka ay tumalikod na ako. Bago pa man ako tuluyang makaalis ay nagsalita na siya.

"Holy mary, ahh god! You will fucking regret this Valerie. I swear!" oh edi tanggal angas mo ngayon?

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now