STP: Chapter 26

988 19 0
                                    

NOON pa man ay takot na ako sa dugo, ayokong nakakakita ng dugo. Sumasakit ang ulo ko at naninikip ang dibdib ko sa tuwing makakakita ako ng dugo, hindi ko alam kung sa'n nagmula ang trauma ko. Hindi ko alam kung ano ang naging sanhi ng trauma ko. Basta kapag nakakita ako ng dugo ay imahe ng isang bata ang nakikita ko. Duguan siya at walang malay na nakahandusay sa sahig. Sa likod nang ala-ala na yon ay may batang babae na umiiyak. Sa palagay ko ay ako iyon. Pero sumasakit ang ulo ko sa tuwing pinipilit kong alalahanin ang pangyayareng iyon. Pilit bumabalik iyon sa ala-ala ko, ngunit hindi ko matandaan kung kailan at pano nangyare.

Pilit kong inaalala kung sino ang batang 'yon. Kung ako nga ba ang batang babae na umiiyak sa ala-ala ko ay bakit hindi ko maalala ang buong pangyayare lalo na kung iyon ang naging sanhi ng trauma ko.

Iyon din ang hindi nagpapatulog sa'kin gabi-gabi nung nasa bahay pa ako. Sa tuwing mananaginip ako ay si mommy ang nakikita ko. Duguan at umiiyak, at panay ang hingi ng tawad sa'kin at palaging sinasabi na mahal niya ako.

Ikinukubli ko iyon dahil baka lamang yon sa pangungulila ko sa pagmamahal ng isang ina. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangang maging ganon ang itsura niya sa panaginip ko, na balang araw ay kinakatakutan kong mangyare. Nang makaalis naman na ako sa bahay na 'yon, nang makalipat na ako sa condo ko ay kahit kailan ay hindi na ulit nagpakita si mom sa panaginip ko. Hindi niya na ulit ako ginulo.

I slowly opened my eyes as I felt someone is staring at me.

"Eri" nang imulat ko ang mga mata ko ay si dad na nasa gilid ko ang nakita ko. Hawak niya ang mga kamay ko at natatarantang tinatanong ako kung kumusta ang pakiramdam ko. Namamaga ang mga mata niya na halatang galing sa matinding pag-iyak.

May benda rin ang kanang kamay ko dahil iyon ang pinang-agaw ko ng kutsilyo sakanya.

"Okay lang ako dad, y-you scared me dad. Please d-dont do it again. D-don't scared me again, i-ikaw nanga lang ang kakampi ko at nakakaintindi sa'kin ay iiwan mo pa ako." nauutal na wika ko. Muli ay naglandas nanaman ang mga luha niya.

"Patawarin mo ang daddy Eri, nawala ako sa katinuan. Hindi kita inisip, hindi ko pala kaya kung pati ikaw ay mawawala saakin. Mabuti pang mamatay na lang din ako kung pati ikaw ay mawawala." gumuhit ang pagtataka sa mukha ko, kung pati ako?

"What do you mean by that daddy?" naguguluhang tanong ko sakanya.

"A-ang ibig kong sabihin anak, n-nawala na saakin ang mommy mo. N-naghiwalay na kami, ayokong pati ikaw ay mawawala saakin." paliwanag niya na nagpahinga nang maluwag saakin.

----

Hindi ako nanatili ng matagal sa bahay dahil para nanaman akong sinasakal ng hangin. Nang mangyare iyon ay sinabi kong mangako sa'kin si dad na hindi siya gagawa ng ikakapahamak niya. Nangako naman siya sa'kin kaya bahagyang nawala ang agam-agam ko, gayonpaman ay hindi ko pinapaalis ng tingin sakanya si nanay Liza kapag nasa bahay siya.

Magbuhat kahapon ay hindi ko tinitignan ang cellphone ko kahit panay ang vibrate nito, at ilang missed call narin ang nagdaan na hindi ko alam kung kani-kanino nanggaling. Nilingon ko iyon na nakapatong sa drawer ko.

You have 13 message from Kavin de asungot.

You have 8 message from Lyx.

You have 5 message from Lendon.

You have 35 missed calls.

Ganon na lang ang bumungad sa'kin ng buksan ko iyon. Kinain naman ako ng kuryosidad sa dami nang mensahe na galing kay Kavin. Sakanya ang una kong binuksan.

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now