Mafia's Doctor; Jealous who?

Start from the beginning
                                    

“Sabi ko, magkano isang turon?” ngayon naman ay mahinahon na ang pagkakatanong ko dahil lumingon na ito sa akin pero parang may tinitingnan sa likuran ko.

“7 pesos po, tatlo bente.” ani nito pero nakatingin pa din sa likuran ko.

“Pabili nga, tatlo.” kumuha naman ito ng plastik at nilagyan ng tatlong turon.

“Ano sa'yo, Cads?” nanatili ang tingin nito sa likuran ko habang inaabot nito sa akin ang plastik ng turon. Kinuha ko naman ito sa kaniya at agad na kumagat sa isa. Binigay ko sa kaniya ang singkwenta ni Ashton pero binalewala lang nito.

“Dalawang lumpiang gulay lang.” pamilyar na baritonong boses ang narinig ko sa likuran ko pero binalewala ko lang ito.

Iwagayway ko ang singkwenta sa harapan  ng babaeng tindera na naging dahilan para tingnan ako nito ng masama. Binalik ko din sa kaniya ang sama ng tingin.

“Bakit? Libre na ba itong turon?” nawala naman ang sama ng tingin nito sa akin nang ma-realize na bayad ko ’yon. Binaryahan naman ako nito habang sumusulyap sulyap sa likuran ko. Pa-alis na ako nang masulyapan ko ang tinatawag nitong Cads sa likuran ko. Gwapo naman pero mas gwapo si Ja— yak.

Feeling ko 5'9 ang height non. His hair color is auburn and his eyes is kinda familiar to me— charcoal grey eyes. His pointed nose and his pointy natural lips. Papasa na bilang model kaya hindi ko masisisi si babaita.

Nag-tuloy tuloy na lang ako sa pag-lakad hawak hawak ang turon kong isa't kalahati na lang at ang bente pesos na— nahinto ang paglalakad ko dahil bente pesos lang ang hawak ko! Sayang ang sampo huhu. Langyang batang ’yon! Kulang ang binarya sa akin.

“Miss!”

Pwede pang pambili ng drinks ’yung sampong kulang.

“Miss!”

“Miss na naka white dress!” nakabusangot naman akong lumingon sa likod dahil sa sampong piso. Nakita ko naman ’yung Cads na tumatakbo papunta sa direksyon ko at mukhang siya sa tumatawag sa akin dahil sa tumigil ito sa mismong harap ko na tumigil saglit para habulin ang hininga niya.

“Miss, ’yung sampo mo oh. I noticed kasi na kulang ang na-baryahan sa'yo ni Ayla.” ngumiti naman ako ng kasing tamis ng kendi sa kaniya at kinuha ang inabot nitong sampo. Ngumiti naman ito pabalik sa akin.

“Thank you so much, Cads!” mabilis na nawala ang ngiti sa labi niya and shock and guilt is written on his face. My brows creased because of confusion.

I tilt my head and asked him, “Why?”

His charcoal grey eyes looked into my eyes and I can see fear and guilt in it. I saw him gulped and looked away.

“Nothing, Mi—.”

“That's good. So, can I have my lady now?” hindi na-ituloy ni Cads ang sasabihin niya nang may sumingit. Sabay kaming napalingon kay Jake na madilim ang mukha na nakakuyom ang kamao. Naglakad ito palapit sa akin at pinalibot sa bewang ko ang braso niya.

“A-ah, sige. Bye!” mabilis na umalis si Cads at nawala ng parang bula.

Ngumuso naman ako at kinagatan ang turon na hindi na masyadong mainit. Kumagat naman ako ulit ng maramdaman kong unti-unting umiinit ang mukha ko dahil mas natuon ang pansin ko sa sinabi ni Jake.

My lady, hmm?

Hindi ko na napansin na naubos ko na ang turon na nasa plastic at ganoon pa din ang pwesto namin. Naka hawak pa din siya sa bewang ko.

“Let's go.” malamig na utos nito. Nagsimula na siyang naglakad kaya naman nasama ako dahil mas humigpit ang pagkaka-hawak nito sa bewang ko na naging dahilan para mas dumikit ako sa katawan niya. Naamoy ko naman ang panglalaki nitong pabango o baka naman natural scent lang nito?

May mga napapalingon sa amin na agad bumabalik sa kani-kanilang ginagawa pero ang iba ay sinusundan kami ng tingin. Aware akong hindi na kami patagong sinusundan nila Ashton at nasa likuran lamang namin ni Jake sila.

Pag-pasok namin sa bahay ay agad na sinara ni Jake ang pinto at sinandal ako doon. Narinig kong ni-lock niya ito at pinalibot sa bewang ko ang isa niyang braso habang nakadantay naman sa gilid ko ang isa.

Mapupungay ang kaniyang mga mata nang titigan ko ito. Naghalo sa pang-amoy ko ang natural scent ni Jake at ang hininga nito.

“Who is he?” napakurap naman ako ng ilang beses sa lambing ng boses niya.

“Nadia.” napasinghap naman ako sa lambing ng pagkakabigkas niya sa pangalan ko.

“H-huh?” hindi pa ako nakaka get over sa lambing ng boses niya nang maramdaman ko ang paghigpit ng pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ko.

“Sino siya?” inilapit niya ang mukha niya sa akin hanggang sa tumama na ang ilong niya sa pisngi ko. Bumigat ang pag-hinga ko at napapikit ng mariin dahil nararamdaman ko ang munting paghalik sa akin ni Jake sa pisngi.

“Si C-cads.” ang kaninang kamay niyang nakadantay kanina sa gilid ko ay hinahaplos na ang pisngi ko pati na din ang kamay niya sa gilid ng bewang ko ay ginagalaw niya, taas baba.

Nag-bigay sa akin ’yon ng munting kiliti. Nanghina din ang tuhod ko at sa hindi malamang dahilan ay pinulupot ko ang braso ko sa leeg ni Jake para hindi ako matumba.

Bumaba ang halik ni Jake sa panga ko at parang trine-trace pa nito gamit ang dila niya. Humiwalay ito saglit sa akin at tinitigan ang reaksyon ko.

He smirked when I looked away and saw how I blushed. He looked at me head to toe and chuckled softly.

“Darling.” hinapit niya pa ang bewang ko palapit sa kaniya at dahil naka-pulupot pa din sa leeg niya ang braso ko at nakatingin ako sa ibang direksyon ay mabilis niyang napatakan ng halik ang pisngi hanggang leeg ko.

“Please, don't make me feel jealous.” His husky pleading voice made me looked at him. He's jealous? I cleared my throat when I felt the familiar heat on my face. He kissed my forehead but I keep my mouth shut.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

“By the way, you look gorgeous in that white dress and I'll make sure next time you'll wear a white dress if we are in church. While, I am waiting you in the altar.”

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now