36 - Bwisitor

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang tahimik kaming kumakain ni Jm, biglang may nag doorbell sa labas.

"May pinapunta ka ba dito?" Tanong ko kay Jm. Umiling-iling lang siya at pinagpatuloy ang pagkain.

Eh sino naman pupunta dito? Malabong si Jam.

Nilabas ko nalang kung sino man yung nag-doorbell, nakakahiya na kay Jm kung siya pa magbubukas ng pinto.

Pagbukas ko ng pinto, isang matandang duguan ang agad na bumunga dakin. Nakakatakot ang itsura niya! Mukha siyang patay na muling nabuhay tapos ang baho niya pa!

"Ahhhhhhh!" Sigaw ko ng pagkalakas lakas.

Agad namang tumakbo si Jm papalabas ng kusina.

"Anong nangyayari dito?" Lumapit sakin si Jm at tiningnan kung sino ang nasa labas.

"Aera? Anong ginagawa mo dito?" Ay nakalimutan kong sabihin, si Aera pala yung nag-doorbell. Nasobrahan ata ako sa pag describe sa kanya.

Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa at pumasok sa loob ng pamamahay ko.

"Wow, excuse me? Hindi ka welcome sa BAHAY ko. Gusto mo bang makasuhan ng trespassing?"

Pero parang wala siyang narinig at dire-diretso lang ang pasok.

"So dito ka na pala nakatira Jm? Pwede narin kahit medyo amoy BASURA." What the?! Mas mabango pa nga bahay ko kesa sa hininga niya!

"Mangangamoy basura talaga, andito ka eh." Sasagot pa sana siya ng magsalita si Jm. Tss

"Aera stop. Anong ginagawa mo dito?" Kinalma ko ang sarili ko at inantay na magsalita si Aera.

Hinarap niya si Jm at nginitian.

"Ikaw." Maiksi niyang tugon. Tinitigan ko lang siya ng masama.

Ang kapal din naman talaga ng mukha niya. Pati kalandian niya dinala niya dito sa pamamahay ko.

"Anong tinitingin tingin mo? Nai-insecure ka ba?" Napa-angat naman ako ng kilay sa sinabi niya.

"Ako? Insecure? Saan?" Lumapit ako sa kanya para tingnan siya mula ulo mukhang paa. "Sa mukha mong basag? O sa katawan mong laspag?"

Napatakip siya sa bibig niya ng marinig lahat ng sinabi ko.

Nakakalimutan niya atang nasa pamamahay ko siya.

"Wala kang ka-class class. I can't imagine na anak ka talaga ni Mr. Liu."

Idadamay niya pa dad ko sa usapan? Tiningnan ko si Jm na prenteng naka-upo sa sofa.

Ano siya?! Audience? Bwiset talaga to eh. Imbes na tulungan ako pinanuod pa ko. Well, hindi ko naman kailangan ng tulong niya.

"Class? Tingin mo meron ka non? And excuse me, nagpapakatotoo ako. Eh ikaw?"

Tumayo na si Jm at inawat si Aera na akmang sasampalin na ako. Psh. Sayang, handa na pisngi ko eh. Handa narin sana yung kamao ko.

"Akyat na nga ko. Nawalan narin ako ng gana kumain. Ikaw ba naman makakita ng taeng buhay." Tapos nag fliphair ako para bongga ang exit.

"Ugaling iskwater!" Sigaw niya.

Magpapatalo ba naman ako? Nah, wala sa vocabulary ko yan.

"Atleast hindi amoy iskwater."

Narinig ko namang sumisigaw pa siya dun. Tss, subukan niya lang magtagal dito ipapakaladkad ko siya sa mga guard.

Agad akong humiga sa kama ng makapasok ako sa kwarto ko. Nakakainis na Aera yan! Tyinempo pang kumakain kami. Sayang!

I mean sayang yung pagkain. -_-

Nagpalit na ko damit at humiga ulit sa kama.

Ilang minuto dina ng lumipas ng may kumatok sa pinto.

"Letth." Si Jm lang pala.

"Pasok."

Nakapasok na siya bago ko marealize na nakashort lang pala ako. And guess what? Nakasando pa.

"Shit." Napatakip ako ng kumot habang si Jm tawa lang ng tawa.

Pervert alert! Nakakainis talaga.

"Tigilan mo ko Jm. Anong kailangan mo?" Umupo pa siya sa kama at nginisian ako.

"Ang sexy talaga witwiw."

Pinaghahampas ko siya ng unan. Sabi na eh, aatakihin na naman siya ng kamanyakan niya!

"A-aray naman! Hahaha, joke lang. Tama na." Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako.

Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?! Tangina ang landi naman talaga. Tapos nanghihina pa 'ko sa mga tinginan ni Jm! Bakit may ganito akong nararamdaman?

"Tumigil ka na nga Jm! L-layo."

Buti nalang napigilan ko kalandian ko. Pero imbes na lumayo lumapit pa lalo si Jm.

Bakit ang init?!

"J-jm ano ba!" Saway ko sa kanya. Sige Letth, mautal ka pa! Hell!

Hinawakan niya ang kamay ko habang nakatitig parin sakin.

Ano bang meron sa mata niya at hindi ako maka-iwas iwas?!

Maya maya lang, naramdaman ko yung labi niya sa pisngi ko.

"Nabitin ka? Hahaha goodnight Letth!" Sabay takbo niya palabas ng kwarto ko.

Ninakawan niya na naman ako ng halik!

"Tangina mo ka Jm!"

Pinagbababato ko yung mga unan ko sa kwarto ko habang sumisigaw. Hindi ako kinikilig! Naiinis ako, okay?!

Kumuha ako ng isang unan at tinakip sa mukha ko.

"Ashdefegekelekel!" Sigaw ko habang pagulong gulong sa kama.

Hindi ko na alam gagawin sayo Jm! Ninakawan mo na naman ako ng halik!

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon