Chapter 19

95 9 6
                                    

tw: rape, suicide

]"Hana, ang kulit." Padabog kong kinuha ang payong na inaabot niya, kanina pa ito nangungulit na kuhanin ko na ito dahil makulimlim, kahapon ay sobrang init. "Umuwi ka na nga." Inambaan ko itong papaluin ng payong kaya naman matawa-tawa itong umalis dala lamang ang gitara niya.

Inayos ko ang damit at napamura sa kawalan, napakakulit talaga ng Hana Grizel na iyon. Panay ang lapit sa akin at nagpapakita pa ng motibo! Ang lagkit tuloy ng tingin sa akin nina Handaya.

"Azure," tawag ko sa babaeng naglalakad habang binabasa ang mga papel na bitbit niya, may dinaanan lang ako sa school ngayon, napangiti ako nang makita ang muka niyang tila nagliwanag nang makita ako. Her smile is like Gali's, radiant and contagious. Nag-enroll pala ito for summer term pero agad ding lilipat 'yan sa ibang kolehiyo pagkatapos. "Kunin mo na 'tong payong, mukang uulan pa yata, marami ka pa namang dala."

Napahinto ito, tila nag-iisip kung anong ibig kong sabihin dahil nag-aaral pa rin ito makaintindi nf tagalog. "Hmm how about you?"

"D'yan lang ako sa malapit."

"How lapit? Just keep it ate!"

Bandang huli ay napilit ko pa rin itong kuhanin iyong payong, tinatanaw ko ito habang papaalis siya. I hope she adjust well here with us. At tama nga si Hana, uulan, nagsisimula nang umambon habang lakad-takbo ako papuntang vape shop.

Pagkauwi, pakiramdam ko ay magkakasakit ako dahil hirap ako huminga, masakit pa ang ulo, mas nagkakasakit pa naman ako sa patak ng ambon, ininuman ko nalang kaagad ng gamot saka nagpahinga kaagad, alanganin pa nga ang gising ko dahil alas kwatro palang. Kunot-noong binasa ko ang message ni Hana, nakita niya akong online kaya sigurado she took the chance to annoy me again.

Hana Grizel Blanko
Sama ka? You'll be paid!
I just need a hand organizing mom's event today :/ Swear I need someone badly

Pinag-isipan ko iyong mabuti, matitiis ko bang makita si Hana? May bayad naman at the end of the day, okay na rin siguro? Nang sumagot ako ay napailing nalang ako dahil medyo mabilis itong mag-respond, ang side niyang makulit ay palagi niyang pinapakita sa akin. Iyon 'ata ang totoong Hana Grizel, makulit at takaw atensyon talaga.

I was convinced she really had to decorate the place, mukang patay ang bakuran ng bahay nila ibang bahay ito, malaki, maganda, ngunit walang kaamor-amor yata ang mga magulang niya sa parteng ito ng lupain, malawak ngunit puro lamang patay na dahon sa paligid, may ilang kasambahay na tumutulong sa amin para magwalis ng mga patay na dahon galing sa punong nakapaligid.

"My grandpa died there while reading his favorite book, since then no one walks around in here, ayaw nilang maalala pa."

Mataman ko itong tinignan dahil hindi ko inexpect na bibigyan niya ako ng gano'n paliwanag kahit hindi niya naman kailangan. Hindi naman ako nanghihimasok sa buhay nila. Buti at hindi niya na ako kinulit dahil abala ito sa pag-utos sa mga kasambahay nila, naging abala rin naman ako tumulong, paminsan ay tinatanong niya ako sa dekorasyon—seryoso rin pala ito minsan.

Alam kong hindi sila okay ng parents niya, ayaw niya ngang umuuwi rito kaya baka may importanteng event lang talaga ang mommy niya, base sa magiging kalalabasan nitong bakuran nila, formal gathering 'ata ang ganap.

"Are you okay?" Hinarap ako ni Hana sa kaniya saka niya hanaplos ang noo at leeg ko. Pinanlakihan niya ako ng mata. Hindi ko ito pinansin, nilapag ko ang mga baso sa lalagyanan pati na rin ang mga kutsara, nginitian ko ang isa sa kasambahay na tumulong sa akin at nagpasalamat. "Mainit ka! Come inside, take some meds."

Bigla niya akong hinila papasok, wala naman akong ganang pumalag pa kaya pinabayaan ko nalang. "Naambunan lang...ako." Naitikom ko ang bibig ko nang ma-realize na siya ang nagbigay sa akin ng payong. "Okay lang naman ako."

Her Blue Skiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن