Chapter 3

194 9 1
                                    

"Patulog!"

Kaagad akong bumangon nang marinig ang malakas na boses ni Hadri sa labas. Aba! Ang babaeng 'to! Anong oras na nambubulabog pa.

"Hoy Handaya! Ala una na!" Hinampas ko ang binti niyang nakalambitin sa backrest ng sofa dahil nakahiga na ito ng pabaliktad at yakap ang throw pillow, mukang gago!

Itong babaeng 'to puro party ang alam, palibasa ay walang inaalalang gastusin sa buhay.

"My loves!" Tumayo ang lasing, nagawa pa namin ang handshake namin na kahit lasing siya alam niya kung paano pa iyon gawin.

Lumipad ang tingin ko sa bagong labas sa kwartong si Gali. Bahagyang gulo ang buhok at yakap pa ang unan, alam mong nabulabog nanaman ang masarap niyang tulog. Sumunod ng kusa ang tingin ko rito, ginawa rin nila ni Had ang handshake namin.

Huminga ka Ronin!

Teka lang naman, masyadong nakakatulo laway, ala una na, oh! Grabe naman ang isang Gali.

"Kakarating lang?" Lumapit ito at sumilip ulit kay Hadri na humiga nanaman, mas lalong nanikip ang dibdib ko, ngumiti pa nga sa akin, ay patay tayo r'yan.

"Handaya, tumayo ka ulit r'yan! Do'n ka na sa kwarto ko, Martes palang naglalasing kana?" Naiiling nitong hinampas ang braso ng kaibigan, tuluyang ginigising ang lasing.

Maraming katangian ni Gali ang nagugustuhan ko, tulad ngayon, hindi niya pinapabayaan ang mga kaibigan niya, she's selfless, she works really hard for her Mom and for herself.

"Ikaw?" Baling niya sa akin. "Matulog ka na ulit, alas nueve pa klase mo." Tinapik nito ang balikat ko habang inaalalayan si Hadri but I didn't listen, inayos ko pa muna ang hihigaan niya rito sa sala, minsan ay natutulog siya rito kapag lasing si Hadri kung umuwi, malikot kasi iyon matulog at minsan ay naghuhubad pa, ewan ko ba r'yan dapat pinapabayaan na 'yong kupal na 'yon, eh.

"Gaga ka sabi ko matulog ka na ulit! May sanib ka ba? Ako na r'yan—"

Sabay pa kaming napalingon ni Gali nang biglang bumukas ang pintuan.

"Jacinthe!" Sabay rin na sambit namin dahil lasing din ang isa naming kaibigan, bakit nga ba namin sila binigyan ng tig-isang spare key?!

"Oh? Gising pa kayo? You guys awake?"

Nasapo ko nalang ang noo.

Kaagad siyang dinaluhan ni Gali. She instantly kissed Gali on her cheeks. "Saan ka rin galing?!"

"Uhmm.." tumawa ito, nababaliw na. "I'm with Hadri, kasama ko si Hadri, nag-park lang ako ng car."

Nalintikan na. Bobo pa naman siya mag-park ng sasakyan kapag lasing! Baka mamaya ay bigla kaming akyatin dito dahil may nagasgasan nanaman siya!

Sa halos mag-aapat na taon naming pagkakaibigan ay si Hadri talaga ang pinaka sakit sa ulo sa amin! Dinadamay pa ang mahina sa alak na si Jacin.

Lumapit rin ito sa akin, humalik sa pisngi at niyakap ako. Umiling kaagad ako kay Gali, wala na 'to, nasa ibang mundo na. Natawa ako at niyakap nalang ito ng mahigpit pa, hanggang kailan niya gusto.

"It's just three bottles! Don't worry!" depensa niya pa nang hilahin ko na siya papasok sa kwarto ko ngunit kumawala ito at dumeretcho sa banyo, sumunod nalang ako upang bantayan siya.

Napairap ako.

Nag-tootbrush pa ang gaga, pikit matang nagsipilyo at patawa-tawa, natawa nalang din ako. Ang kulit pero alam ko, sa yakap niya, na may pinagdaraanan siya.

"Hadri?" tanong niya habang naghihilamos, nagkibit-balikat ako habang inaabot ang towel para sa kaniya.

"Nasa kwarto ni Gali, tara na." Inabot niya ang kamay ko habang pinupunasan ang muka, nakasunod lang ng tingin sa amin si Gali at nakangisi lang.

Her Blue SkiesWhere stories live. Discover now