Chapter 20

99 9 0
                                    

"Kumain ka muna...Ronin."

Tiningala ko ang nag-aalalang si Jacin.

Ilang araw na silang nandito sa Sitio at kina Ioana o kina Kahel tumutuloy dahil hindi ko sila maharap asikasuhin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap.

Umiling ako at ibinalik ang tingin kay Mama.

Wala akong maramdamang gutom, wala akong maramdamang antok.

Hindi naman na ako kinulit ni Jacinthe.

Ilang oras pa ay nakita kong paparating si Kahel at ang mga magulang niya, saglit lang umuwi ang pamilya niya upang magbihis bago bumalik ulit dito, bitbit nito si Sven na umiiyak.

Ang pamilya Azalera ang umasikaso ng lahat sa burol ni Mama at Ate Rin, hindi na ako makatanggi pa dahil wala naman akong ibang magagawa dahil wala rin ako.

"Magpahinga ka raw muna, Ron, ako muna ang magbabantay kay Tita Reb." Tinapik ako ni Kahel at pinilit na umalis muna sa pwesto ko, tumango ako at doon ko naramdaman ang sobrang pagod pagkatayo ko.

Tahimik na napatingala ako sa langit.

Galit na galit pa rin ako, Ma.

Sa sulat ni Ate, sising-sisi ito sa nangyari, hiyang hiya sa akin dahil nangako siyang siya ang bahala kay mama.

"I'm sorry..Ma.." Hindi ko mapigilang magalit din sa sarili, hindi ko dapat winala sa paningin ko si ate.

Walang-wala ako ngayon...puno ng takot, puno ng galit, puno ng lungkot.

Sina Io ang nag-aasilakaso sa mga nakikilamay, wala akong gana sa lahat. Nakilamay na rin ang pamilya niya.

Napasabunot ako sa sarili.

Mababaliw na 'ata ako.

Nanginginig kong inabot ang yosi na alam kong kay ate dahil dito sa kusina siya madalas magsindi noon. Walang bawas ito at halatang iniingatan niya ang bata...pero bakit, ate?

Sobrang daming tanong ang pumasok sa isip ko, hindi niya ba naisip na siya ang pinaka kailangan ko ngayon? Putangina, hindi ko siya sinisisi sa nangyari, kailangan ko siya.

Tulad ng ginagawa ni Ate Rin ay sa kalan ko rin sinindihan ang sigarilyo at kaagad na hinipatan ito.

Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha ko.

Naalala ko ang paghabol sa kaniya ni mama hanggang labas dahil lang nahuhuli niya itong dito nagsisindi ng sigarilyo.

Ayaw kasi ni mama ang ginagawa ni ate na inaabuso ang baga at atay kakasama sa mga inom at gala.

Naalala ko ang pasiga-sigang lakad ni ate papuntang court, at ang talento niya sa pag-ba-basketball kung saan pinapagalitan din siya ni mama, dahil parang lalaki raw ito kung kumilos, dahil din doon ay inaasar na ako ni ate na ako ang paborito ni Mama dahil minsan lang ako pinapagalitan, totoo naman.

Paano ako ngayon uuwi rito sa bahay na 'to? Ma? 'Te?

"Ronin, Ronin putspa." Ramdam kong binuhusan ako ng malamig na tubig kaya naman napabalikwas ako.

Muka ni Gali ang bumungad sa akin.

Nakatulog pala ako sa sobrang pag-iyak, si Ioana ang nakakita sa akin dito, puno ng pag-aalala ang nasa muka niya.

Nawala lahat ng nararamdaman ko, kahit nakatingin ako ngayon sa mata ng taong gustong-gusto ko.

Buong akala ko, unti-onti nang umaayos ang buhay ko—namin—ng pamilya ko...isang taon nalang ang itatagal ko sa eskwela, may maayos at sapat na kinikita mula sa pinapasukang part-time-job, maayos din ang tinitirahan kong dorm malapit sa campus—masaya—oo naging masaya ako, ngunit ngayon...

Her Blue SkiesWhere stories live. Discover now