Chapter 6

114 9 0
                                    

"Hindi ako pwede ng Sundays," imporma kaagad ni Kahel nang magplano kami kung kailan pwedeng gawin ang project sa minor kung sa grupo kaming apat. Unang Linggo ng buwan, siguro ay may susunduin si Kahel ng kaya hindi magpapaistorbo ng weekend.

"Pwede namang sa gabi nalang ng Saturday, paspasin nalang natin."

Tumango ako. "Saturday night nalang, si Io lang naman ang hihintayin no'n simulan mo nalang muna parte mo, Gali."

After we settle it, sabay-sabay kaming lumabas ng room, pati sa paglalakad ay sabay kaming apat at sinakop na ata namin ang hallway. Umakbay pa ako kay Gali. I glanced at Io who was reading her book, gusto ko sanang itanong kung uuwi na siya ngunit busy ito sa ginagawa kaya hindi ko nalang sana guguluhin pa naisip ko na hindi naman importante ang sasabihin ko.

"Sabay ba kayo uuwi?" Tinapik ni Gali sa balikat ni Ioana kaya sanay kaming napalingon, pinanlakihan ko ito ng mata.

"Hindi, hindi ako sasabay, Io." Umiling pa ako.

"Oh? May work ka diba? May work 'to," singit ulit ni Gali, nagpapakakupal nanaman. "Pero saglit lang siya kasi miss ka niya kaagad."

Mabilis ko itong siniko at kinutusan kung saan malakas itong napatawa saka kaagad na lumayo, dapat na silang maghiwalay ng landas ni Handaya! Palagi na nila akong inaasar simula nang makwento ko na palagi kaming nagkakasalubong at nagkakasabay ni Ioana.

"Hmm mas miss ka niya.." bulong nitong isa na ako lang ang nakarinig dahil nilubayan na kami ni Gali at si Kahel naman ang kinulit parang animal na nakahanap ng amo.

Sinamaan ko naman ng tingin si Ioana. "Sige ilaglag mo ako Io, parang others."

Mapang-asar niya akong tinignan, kung alam ko lang na may tinatago itong mapag-asar na ugali, matagal ko na itong sinipa.

But Ioana and I became comfortable with each other, nakatulong nga siguro talaga ang madalas naming pagtatagpo, noong una ay hindi niya talaga ako pinapansin kahit nakita niya na ako, no hi or hello, iwas na iwas.

There, I'm starting to appreciate her small smiles whenever she gives me one because I know she really is amused when she flash me those kind of smile, I'm starting to appreciate her light laugh because I know she hardly do laugh at all, I love her company, Ioana is literally a softie and her being patient with my inconsistent mood swings is as elite as the most elite thing in the world, I like her so much.

Unti-onti ko itong nasasaulo.

"Do you need a ride to your work?" Sinundot niya ang tagiliran ko upang kuhanin ang atensyon ko kahit hindi niya naman na kailangan dahil nasa kaniya na talaga. I hate to say this but for some time now I like to turn my attention to her than seeing Gali being head-over-heels with Kahel, hindi naman sa nakaka-bitter 'yon diba!

"Hindi na, mapapalayo ka lang."

'Yun lang at humiwalay na siya ng landas, sinundan ko pa ito ng tingin, kasabay niya pa si Kahel na roon din papunta, komportable na kaya iyon kay Kahel? Siguro, mabait naman kasi si Kahel. 

"Naol may auto."

Hindi ko natago ang ngisi ko sa sinabi ni Gali.

"Soon, magkakaroon din tayo niyan, ayun na pala 'yung driver natin."

Pagkarating ng jeep ay sumakay kami, nine pesos lang may driver na kami, instant!

Napatingin ako rito sa kasama ko.

Hindi tulad ko na pinapadalhan pa kahit papaano ni Ate at Mama, si Gali, sariling sikap 'yan dahil bihirang magpadala ang mama niya sa kaniya, siya pa paminsan ang nagpapadala rito, bilib ako r'yan, sobra.

Her Blue SkiesWhere stories live. Discover now