Chapter 2

204 11 2
                                    

Lumipas nanaman ang isang taon ko sa kolehiyo, sa pasukan ay pang-apat na taon ko na at parang kahapon lang ay kakapasa ko lamang ng huling requirements bago magbakasyon ngayon ay patapos nanaman. Pero parang hindi pa ako handang tapusin ang bakasyon ko rito sa sitio dahil hindi ko pa nakikita iyong babaeng nakilala ko samay bridge. Nalulungkot tuloy ako, hindi ko kasi alam kung taga saan iyon, hindi ko rin alam ang pangalan, gusto ko itong kumustahin ulit. 

"Oh? Ako na maglalaba niyan."

Nawala sa utak ko ang iniisip ko nang lumapit si Mama, agad akong nagmano. Ngiting ngiti ito, ganda ng mama ko! Mukang masaya talaga ngayong araw. Siguro ay galing nanaman ito sa mga Azalera, ang pamilya kung saan ito nagtatrabaho bilang katulong, dati ay yaya ito ng nag-iisang anak ng mga Azalera, mas mahal niya pa nga 'ata iyon kesa sa aming mga anak niya. Si Kahel.

"Bibigyan ako ng washing machine nina Hearty! Makukuha ko bukas!"

Hearty Azalera, ang amo ni mama at best friend na rin, mabait iyon si Tita Heart, palagi akong may regalo ro'n tuwing pasko at hindi nila kami nakakalimutang imbitahan sa mga ganoong okasyon.

"Magpahinga ka na Ma, konti lang 'to."

"Ay nako kang bata ka, Ronin! Luluwas ka pa bukas sa Baron—ay oo nga pala! Sabay ka na kay Kahel, ha? Luluwas na rin siya bukas, alam ni Hearty na sasabay ka, hahanapin ka no'n."

Luluwas. Nanaman. Napakabilis naman ng araw. Okay lang para makita ko na si Ga—"Hoy! Nakikinig ka ba? Sasabay ka nga kako kay Kahel."

"Huh? Ma!? Bakit? Nakakahiya!"

Si Kahel nga ang tinutukoy ko kanina, unica iha ng mga Azalera, mabait ngunit mailap, lahat na 'ata ay nakukuha, mas matanda ito sa akin ng isang taon.

Napailing nalang ako.

Sabagay sayang naman sa pamasahe, nag-iipon pa naman ako, ang mahal naman kasi ng dorm malapit sa school, buti nalang at kahati ko si Gali, gusto ko na nga siyang makita, miss ko na siya—sila! Hindi kasi sila bumisita ngayong bakasyon dito sa sitio dahil mas pinili nilang mag-stay lang sa kani-kaniyang probinsya.

"Diba may bagong lipat d'yan noong nakaraang buwan samay malaking bahay, tapos na pala i-renovate 'yung kalahati n'yan?" Tila nakuha ni Ate Rin ang atensyon ko, kung may bagong lipat d'yan malamang ay taga roon siya! 'Yung babaeng akala ko ay tatalon samay long bridge! Ang babaeng palagi ko na ngang naiisip dahil halos tuwing bakasyon ko ito nakikita. She just keeps appearing inside my head!

"Overpriced ang bahay na 'yan tapos pina-renovate pa nu'ng nakabili, grabe!"

Talaga ngang barya lang ang milyon sa ibang tao.

Ako? I strive to be rich ngunit mahirap naman iyon, ang gusto ko nalang ay maabot ang pangarap ko at kahit papaano ay mai-angat ang pamilya sa ganitong lagay, mahirap na buhay, O.A man pakinggan pero totoong hirap kami lalo na ngayong pang-apat na taon ko na sa kolehiyo, mababa lang ang sahod ng mama ko, minsan ay gusto ko na rin huminto mag-aral at magtrabaho nalang tulad ni ate ngunit...

May sapi ang hiring system dito sa Pilipinas, kung hindi ka nakatapos, kahit anong trabaho pa 'yan ay mananatili kang nasa baba, underpaid, overworked, unappreciated.

"Hoy! Mag-iingat ka ro'n sa Baron! Pasabi kila Hadri bumisita ulit sila rito at tignan ulit natin ang bangis nila sa basketball." Si ate, humahabol pa.

Natawa ako at hinila ang maleta papalapit kila Tita Hearty na kausap ang anak at si Mama.

Iba rin talaga ang estado ng pamumuhay ng mga Azalera, politician ang padre de pamilya nila at office worker naman si tita, malaki talaga ang sinusweldo ng mag-asawa at wala naman sila ibang pinaggagastusan ng yaman nila. Ang pamilya nila ang isa sa ilaw ng sitio dahil mayroong nasa politika at nagbibigay ng atensyon sa lugar na may mabubuting puso. Ni isang beses ay hindi ako nagduda sa kanila na namumulitika lamang dahil wala pa akong isip, kahit 'ata sa unang pagmulat ko ay sinusuportahan na nila ako, ang Ate Rin ko, tinuturing na parang mga anak nila.

Her Blue SkiesWhere stories live. Discover now