Chapter 23

231 13 8
                                    

Six consecutive knocks resounded on my wooden door.

"Hoy lumabas ka na r'yan!"

That's Marvic's voice.

Binuksan ko ang pintuan dahil talagang ginagambala niya pa ako sa mga katok niya.

Marvic was brushing her teeth wearing her super neat working attire.

Napatingala ako habang kagat ang ibabang labi, I waved my phone at her face tinuro ko pa talaga ang time and date before walking past her, kaagad itong napaisip at napatakbo kung nasaan nakadikit ang malaking digital wall clock na binili niya pa sa Japan.

"Shit!!"

Nailing ako, palagi niyang nalilimutan ang araw dahil simple lang naman ang routine niya sa isang araw, papasok ng pagod, uuwi ng pagod on repeat.

"Anong gagawin mo ngayon?" Pangungulit niya.

Sa ilang linggo ko rito ay walang tigil niya akong inuusisa, observing my behaviour, hindi naman lahat ay itinatanong sa akin, bihira lamang niya akong tanungin. I just catch her looking at me sometimes and I knew she would take note of my behaviour.

Magpipinta ako ngayong araw, gumagaling na nga ako sabi ni Marvic at nakikita ko rin naman iyon, nagiging ditelyado kasi ang mga gawa ko at gumagaling ako sa pag-blend ng kulay na parang matagal ko na iyong ginagawa...lalo pa nang magdaan ang ilang araw, puno ng buhay ang mga naipipinta ko, malayong-malayo sa akin na walang maramdaman.

"Siguro nga artist ka, ang galing mo!"

Tinignan ko ito habang pinupunasan ang kamay ko. Gusto ko siyang bigyan ng ngiti pasasalamat ngunit hindi ko magawa, tanging sa tuwing nagugulat lang nagbabago ang ekspresyon ko at...

"Nahanap mo na 'ata passion mo! Anong feeling?"

Napahinto ako.

Malakas na tumibok ang puso ko, hindi dahil may naalala ako o dahil nag-pa-panic attack, ayoko lang 'yung...palagi niya akong tinutulak sa pagpapaalala sa nakaraan ko, gusto kong makaalala ngunit nakakapagod palang patuloy na maghanap ng mga sagot, nakakapagod mag-isip nang mag-isip tapos wala pa rin naman palang patutunguhan.

Binagsak ko ang bimpo saka pinantayan ang tindig ni Marvic—nasanay na akong Marvic lamang ang tawag sa kaniya—sa gulat niya ay napaatras siya ngunit kaagad ko itong nahawakan.

"Anong ginagawa mo?" She was calm as ever, what can I say? She practiced being calm under all the pressure. Kasama na iyon sa speciality niya.

I just stared blankly at her with my brows clashing.

['Wag mo na ulit akong tanungin ng mga pambatang tanong.]

Talagang sinigurado kong makikita at maiintindigan niya ang sinabi ko.

That day learned how to express my disinterest, my irritation, and probably anything that my brows could. I was improving in terms of expressing.

Simula noon ay nagsimula si Marvic magkwento ng tungkol sa kaniya. Mas lalo ko itong nakilala, ngayon nga ay lumabas kami kasama ang mga kaibigan niya, ngunit hindi niya sinabing sa bar kami pupunta!

"Girl! Dito kayo!"

Hila-hila ako ni Marvs sa kamay, nang makalapit sa table nila ng kaibigan niya ay sabay-sabay silang napasinghap nang makita ako. May mali ba sa suot ko? Si Marvic ang pumili ng damit ko dahil unfortunately I lost may fashion sense, kung meron nga ako no'n dati.

"Wow shit guys! Kumpleto tayo!?" Sigaw ni Marvs sa mga kaibigan, pinagmasdan ko sila isa-isa dahil kumpleto raw sila.

Apat silang nasa table, tatlong lalaki isang babae, pang-lima si Marvic na ngayo'y pinapakilala ako sa kanila.

Her Blue SkiesWhere stories live. Discover now