Chapter 30

139 11 2
                                    

"Tatalon ka ba?"

Nagtaasan lahat ng balahibo ko nang marinig ang pamilyar na linyang iyon galing sa napakapamilyar na boses. Nakakatawa na nalimutan ko ang tunog ng sarili kong boses sa ilang taong nagdaan ngunit hindi ang kaniya, palagi siyang nasa panaginip ko.

I'm sure it was the longing expression on her face that caught my eyes again after a long time, hindi ako naging handa nang makita ko itong muli rito, habang nakatayo ako sa pinakagilid ng tulay.

Napakurap ako. I knew she would come yet I wasn't prepared still. Nagtataka pa rin ako sa sarili na tinitignan ko lamang ang babae, nablanko ako dahil ako ngayon ang nasa ganitong sitwasyon, bumaba ang tingin ko sa nanginginig niyang kamay.

I won't jump.

Here we are again.

Alas tres ng madaling araw, malamig ang simoy ng hangin, nasa itaas pa namin ang patago nang buwan, walang katao-tao, kami lang ang narito ngayon sa tulay ng Sitio Hermosa-at siya naman ngayon ang nakalahad ang kamay sa harapan ko-kinuha ko ito kaagad.

Narinig ko ang malakas na pagbuga niya ng hangin galing sa dibdib, napakalalim ng pinaghugutan. Malamig ang kaniyang nanginginig na kamay.

Those pretty sad eyes...

"Don't let go of my hand...please."

Bumaba ako.

Napahinto ako sa paghinga, sinisilip niya ang tubig sa ilalim ng tulay.

Nakagat ko ang ibabang labi dahil pakiramdam ko ay nabaliktad lamang ang posisyon namin ngayon at ganitong-ganito ang nangyari noong unang beses kaming magkita ni Ioana.

Nanatiling nakapukol sa akin ang tingin niya, pinanood kong gumalaw ang kaniyang mata habang tinitignan niya ng maige ang bawat parte ng muka ko.

"I'm just appreciating the view." Inunahan ko na ito. Tanda pa ang sinagot niya sa akin noon. "I won't jump, Io, mas nakakatakot kung hindi ko makikita ang bukas, at susunod pang mga bukas...diba?"

Ilang segundo akong nakatingin sa kaniya, nang mapagtanto niya yatang narito ako ngayon sa harapan niya at hindi siya nananaginip ay humakbang ito palapit. Niyakap ako nito. Hindi ito kumikibo.

Kusa na lamang gumalaw ang mga kamay ko upang aluin siya, sa paghaplos ko sa kaniyang buhok ay mas tumindi ang kaniyang pag-iyak.

"Simone.."

Mahina akong tumugon ngunit naging tahimik kami sa sumunod na mga minuto, ganitong-ganito rin kami noon. Napatingala ako sa langit habang pinapakiramdaman ang tibok ng puso ko.

"I thought I was just making things up last night."

"You're quite drunk."

"Where have you been?"

Iyon nanaman ang tanong na hirap kong sagutin, tulad kay Engineer Azalera ay nanahimik ako, tingin ko ay hindi pa 'ata ako handang sabihin sa kanila ang lahat. Kagat-labing humiwalay ako sa pagkakayakap namin.

"So you're an Engineer now?" tanong ko, pinantayan ko lamang ang pagtitig niya sa akin kaya kita ko ang bawat paggalaw ng kaniyang mga mata.

"And you're back now."

Sinuot ko ang hood ko, ako ang unang nag-iwas ng tingin. I am just a visitor from our past who will never be there in your future.

And I guess we both felt it somehow. That some things will never be the same as before. That reminiscing good days is better than trying to bring the connection that is long gone.

"The universe has been tough on me, Engineer Carson, I'm so tired of being in a loop, healing from the wounds of the past that I didn't even deserve, it goes on and on in my head and it needs to be stopped."

Her Blue SkiesWhere stories live. Discover now