Chapter 8

88 9 0
                                    

Tahimik kaming nagbabasa ni Ioana sa dorm namin ni Gali nang tumawag si mama kaya otomatikong lumawak ang ngiti ko, mabilis na sinagot ang tawag.

"Anong kailangan ng maganda kong nanay?" Sinundan ko iyon ng tawa, rinig ko rin ang pagtawa ni mama sa kabilang linya, si ate naman ay nagreklamo, ang aga-aga raw, nanguuto ako.

"Wala 'nak, masama kumustahin ang pinaka maganda sa bunso ko?"

"Ma! Dalawa lang kami ni Ate Rin, malamang ako lang magandang bunso."

"Oo nga pala! 'Senysa na, Godbless."

"Ate kung ano-ano tinuturo mo kay mama! 'Yung totoo Ma? 'Wag ka magpaimpluwensya r'yan kay ate, alam mo namang B.I 'yan kaya nga nandito ako sa syudad para 'di ko siya makita, eh."

"Hoy! Grabe ka bunso, ah! 'Yan ba natututunan mo r'yan? Umuwi ka nalang kaya bunso? Sumasama ugali mo, promise."

Iling akong sumandal, hindi pa rin gumagalaw si Ioana sa pwesto niya. Talagang tutok sa binabasa kaya naman malaya ko itong natitigan.

"May chika ako mare."

"Please lang kung tungkol kay Kuya Warren 'wag nalang." Jowa niya si Kuya Warren, hindi kami magkasundo dahil ang lalakeng 'yon, hambog na basagulero pa, ewan ko nga kung anong nakita ni ate ko roon, king ina lang? Ginayuma 'ata ang kapatid ko, letche siya.

"Gaga hindi, wala nasa Pampanga 'yon ngayon, pero eto na nga, 'yung sa bagong lipat nating kapit-bahay, naalala mo?"

Napalunok ako habang nakatingin kay Ioana, sila lang naman ang bagong lipat sa Sitio Hermosa, narinig niya pa si ate kaya ngayon ay nakatingin na ito sa akin. Nagtataka ang kaniyang mata, lumundag ang puso ko dahil bihira lamang magtagpo ang tingin namin.

"A-anong meron?" Nagkibit-balikat ako, tumango naman si Io, mukang curious din talaga.

"Bakla, sobrang ganda na nu'ng terrace nila! Maninibago ka! Kinabog pa mga Azalera, usto mo yern?"

Malalim akong huminga at tinapat ang palad samay speaker at mic ng cellphone. "Pasensya na, Io."

"Sinong kausap mo? Sinong Io? Nasa ibang bahay ka!? Ronin!"

Ngiwing kinausap ko si ate ng mahina upang hindi marinig ni Io, nagpaliwanag na kaibigan ang kasama ko at nasa dorm lamang ako dahil maaga pa at mamaya pa ang pasok ko. Si Gali kasi ay may pasok na, magkikita naman kami sa ilang major at isang minor mamaya.

"Gano'n ba? Sure ka kaibigan 'yan? Almusal date?"

"Ate...ewan ko sa 'yo, bye na!"

"Nako bunso pinagpapalit mo na si bebe Gali, ah!" Malakas ang tawa niya, maya pa ay narinig kong tinawag niya si mama at may i-chi-chika raw siya!  "Sige na pala bunso, ingat ka r'yan baka masakmal ka—yiee papasakmal—love you!"

I couldn't contain my smile, sweet talaga ang kapatid ko kahit na sabi ng mga kapit-bahay namin ay may pagkasiga siya, totoo naman 'yon pero kasi mga chismosa lang ang sinisigaan niya. Chismosa rin naman siya, hindi ko alam kung bakit hindi siya close sa mga chismosa ng sitio.

Her Blue SkiesWhere stories live. Discover now