Chapter 27

70 9 0
                                    

"Hindi mo kailangang mag-sorry, Marvs." Nilampasan ko ito matapos pumasan ang lamesa, simula kahapon ay hinahabol-habol niya ako na parang tuta.

"I should've told you sooner that I already got an idea about your real name, real life!"

Marvic saw my old pictures in Handaya's socmeds, she made her own research and found it out herself but she wasn't sure enough to tell me these. Napakaliit nga talaga ng mundo.

I suddenly asked Marv for a favor, sobrang dami ko nang utang na loob sa kanila. "Pwede mo ba akong samahan bumyahe?" I asked with a little smile on my lips.

"Of course, saan ba tayo pupunta?"

"Malalaman mo, bukas."

"I think I already know."

"Your tuition paid off."

Binatukan niya ako kaya nagbiro akong nagka-amnesia na ako, binatukan niya ulit tuloy ako.

"Sigurado ka ba?"

Tumango ako, desididong aalis, dalawang araw lang naman kami roon.

"Okay ka ba? You just had an attack last night! I'll drive."

[Maghahanda ba ako kung hindi?] Kumpas ko ngunit napahinto ako at napakurap. "Nalimutan kong bumalik na ang boses ko." Iling ko, parehas kaming napatawa saglit bago naisipang magpaalam kay mommy.

"Bumalik na ba talaga 'yung ala-ala mo?"

Hindi ko nanaman magawang makasagot. Mukang tinitimbang ako ni Marvic ngunit hindi na ako nito inusisa pa, karapatan niyang malaman ang tungkol sa akin. Lahat lahat, siya ang pinaka importante sa akin ngayon. Lahat ng nasa nakaraan ko, siguradong nakausad na, gusto ko lamang silang masilip. Gusto ko silang makita.

Nilibot ko ang tingin sa paligid saka pinaliko kay Marvic ang sasakyan pakaliwa, dahan-dahan ko itong pinahinto sa tapat ng may kataasang building.

Ilang oras halos ang naging byahe namin ni Marvic makarating lang dito sa syudad ng Baron. Nangawit ang katawan ko sa pagkakaupo, siguradong pati na rin si Marvic.

"Sorry kung sinama pa kita, kailangan ko kasi ng...sandalan." Napabugtong-hininga ako. "Dito tayo pupunta. Tara." Sabay kaming bumaba, bahagyang napangiti ako habang tinatanaw ang entrance ng dorm, alam kong wala na sila rito ngunit gusto ko lang balikan ang lahat. Na-miss ko ang dorm.

"Ronin? Iha ikaw ba 'yan?" Nagulat ako nang lumapit ang gwardya sa amin, napahawak kaagad ako ng mahigpit kay Marvic. "Ikaw nga! Ngayon lang 'ata kita ulit nakita, ah?" Bumalik ito sa pwesto niya at may inabot sa akin. Kunot-noo man ay kinuha ko iyon, abot tenga ang ngiti niya na parang tuwang-tuwa na makita ako...

Bigla kong naalala na ito ang gwardyang matagal nang nagtatrabaho rito. May isang anak na lalaki at maagang namatayan ng asawa. Tama.

Tinitigan ko ang susi sa kamay. Ibig sabihin ay narito pa sila.

Hinila ko kaagad si Marvic paakyat sa kwarto namin ni Gali, hindi ako makapaniwala na kay Gali pa rin ang kwartong iyon, hindi pa ba tapos si Gali sa kolehiyo? Hindi pa rin ito umaalis rito. Hindi ba't nasa Roma sila nitong nakaraan?

"Dito ang dorm ko-noon." Nanginginig kong sinuksok ang susi sa doorknob.

Nag-aalalang tinignan niya ako. Tila may gustong sabihin ngunit pinipigilan ang sarili, nakuha niya nalang tumango. "Nakakaalala ka na talaga."

Pagkabukas ay sumalubong sa amin ang maayos na sala. Malinis na paligid ngunit walang tao sa loob, naamoy ko ang pamilyar na amoy ni Gali.

Sinubukan kong buksan ang kwarto ni Gali, nakagat ko ang ibabang labi ko dahil halos nagbago ang lahat sa loob, maraming gamit ang nadagdag ngunit kaamoy niya pa rin ang paligid, hindi gano'n kaayos at hindi rin gano'n kagulo-kakagaling niya lang ba rito?

Her Blue SkiesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ