Chapter 24

94 11 0
                                    

I woke up feeling heavy.

As usual, napaginipan ko nanaman ang babae, dumadalas na talaga. Sasabihin ko na kay Marvic dahil alam ko naman kailangan ko siya. Nilibot ko ang paningin, baka naman namamahay lang ako?

Narito kasi kami sa hotel kung saan pagmamay-ari rin ni mom sa Manila, na-move ang flight namin papuntang Barcelona dahil may meeting pa si mommy, walang katapusan.

"Let's go?"

I slipped my denim jacket and nodded akala ko ay ready na si Marvic nang lapitan niya pa ako, nakangiti.

"You look really good when you're smiling, your workout makes you three times hotter." Pabirong pinadaan niya pa ang daliri niya sa muka ko.

My face scowled.

Hinampas ko ito sa braso habang kagat ang ibabang labi sa inis, this woman really talks a lot. At the age of 31 mas kumulit pa 'ata ito. Halakhak niya ang umalingaw-ngaw sa kwarto pagkagapos no'n.

Lalabas kami ngayon dahil inutusan kami ni mommy na mag-grocery muna, wala na kasi siyang stock dito wala siyang mailuluto mamaya, tapos wala pa kaming ginagawa ni Marvs, panay lang ang pang-aasar niya sa akin.

Ang daming nasa labasan na mga tao naglalakadlakad, sa maynila, maganda, maraming tao. Pakiramdam mo ay 'di ka mag-iisa.

"I'm hungry na, bilisan natin!" Tumango ako, gutom na rin ako, hindi na 'ata mahihintay ang lulutuin ni mom mamaya.

Nagpresinta na akong kumuha ng butter, gagamitin iyon ni mommy mamaya, paborito rin ni mommy ang kung ano anong putahe na may butter, syempre pati ang chicken alfredo na luto ni Marvic ay paborito niya. Mataas ang presyo ng bilihin dito, nagulat ako kaya binawasan ko ang hawak ko.

Nangmaibalik ko ang isang tabla ng butter para bawasan ang kinuha ay saktong umingay ang paligid, tila ba mga magkakaibigang nag-uusap na walang pakialam sa paligid. Napalingon ako sa gawi nila, mukang mga college students.

Napaisip ako bigla, may mga tao talagang ang taas ng energy sa isang araw, paano kaya iyon? Sa dami ng napag-aralan ni Marvs tungkol sa pag-uugali, kapasidad, at pag-iisip ng tao, alam niya kaya kung paano ma-maintain ang ganoong klase ng energy? May thesis kaya tungkol doon?

"Nasa chocolate section si Had, may nakitang maganda, reto ka raw, Jacin! Tagal mo nang single e!"

"Ina mo, 'di ko bet."

Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila dahil sa lakas ng boses, sa chocolate section ko rin iniwan si Marvic. Nilingon ko ulit ang tatlong magkakasama. My brows immediately furrowed.

Umalis kaagad ako at binalikan si Marvic.

I was expecting a guy here in this section pero mukang nakaalis na ang kasama ng magkakaibigan dahil si Marvic at isang babae lang ang nasa aisle ng chocolate section kaya nakahinga ako nang maluwang.

I'm kind of protective of Marvic, she's a guy magnet, sa gym ay maraming nangunguha ng number niya.

I felt the need to protect people close to me. She explained that it was engraved in me after going through cruel darkness. Siguro nga, ayokong magaya sila sa akin.

Papalapit na ako nang lapitan ng babae si Marvic, I stopped to hear them talk, kunwareng tumitingin pa ako sa iba't-ibang klase ng chocolate, nakakahiya namang sumingit, kumuha pa ako ng isang  nagustuhan kong chocolate dahil na-distract ako kaagad dito.

"I'm glad I approached you knowing you're also not from here pala, Marvic," sabi ng kausap niya.

Bahagya na akong lumapit dahil parang nalimutan 'ata ni Marvic na may kasama siya. I can even notice how her cheeks reddened, nag-blush? She's like fangirling to this woman, now I'm curious.

Her Blue SkiesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ