Chapter 12

110 10 0
                                    

Lumikha ng ingay ang sapatos ko habang naglalakad kami ni Io nang biglaan akong huminto, napansin kaagad ni Ioana iyon kaya naman pasensyosang tumingin ito sa akin, nilabas ko ang phone ko at earphones, ngumiti ito sa akin nang ikabit ko sa kaniya ang isang buds, I seldom listen to music but Ioana likes music kaya nag-download ako ng Spotify sa phone ko. Ngayon ko lamang ito napilit na maglakad kami papasok sa eskwela, hindi kasi 'yan naglalakad.

"Ang layo naman."

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya pagkatapos ay ang tanaw na tanaw ko nang campus. I just nodded saka nag-reply sa mga messages ng mga ibang kakilala, mostly it's just acads related, announcements, and sa gc namin sa major na puro requirements namin ang nakalista.

Ang demanding ng Engineering.

"Pa'no tayo mag-le-late night walks niyan kung konting lakad lang pagod ka na?"

"Uh, we can do late night drives?" She swirl her keys on her fingers. Hindi na ito masyadong nagzo-zone out, nagkaka-panic attack man ito ay minsan nalang halos sa isang linggo, Ioana was really healed, naniniwala ako sa sinabi niya sa aking okay siya.

"I like your songs."

Bahagyang kumibot ang kilay ko, literal na random ang pagkakaayos ng kanta ko, hindi ko ito pinagtutuunan ng pansin dahil hindi nga ako mahilig makinig sa musika. Thank God she likes it.

Samay lift palamang ay naghiwalay na kami dahil maya-maya pa ang klase ko, sa cafeteria muna ako dumeretcho upang bumili ng de-sipsip na milo na paboritong-paborito ni Gali, naalala kong nagpapalibre nga pala ito, kinukulit ako, kagabi.

"Last two weeks!" Ginulo ni Handaya ang buhok ni Jacinthe. "Galingan mo, ah!" Ga-graduate na nga pala sila...

Kami ni Gali ay may isang taon pa dahil limang taon ang kurso na kinuha namin.

Nakita kong yamot na hinampas ni Jacin ang kamay ni Hadri, talagang lukot ang muka nito, mukang may problema nanaman sila ng jowa niyang hudyo, lately napapadalas ang away nila, himala nga na hindi nag-aaya ang isang 'to ng nomo.

"Excited na ako sa outing! May isasama kayo?" Ngumisi ito sa akin.

Iling na iniwan ko na lamang sila at umakyat upang sunduin si Ioana, I texted her pero hindi pa nag-re-reply, we have somewhere to go, sasamahan ko pa itong magpa-check-up, like what she said, it's that time of the month. She hates it so I'll come with her.

Pag-akyat ko ay sinilip ko kaagad ang room na alam kong huling silid na papasukan niya para sa huling subject.

Nakita kong ang bulto niyang nakatayo, may kausap pa 'ata, I knocked and opened the door and she looked tensed.

"Bakit?" tanong ko kaagad ng may pag-aalala, baka mamaya inaaway na siya ng ka-block niya, eh. Madali pa naman ma-trigger ang panic attack niya, ano nalang ang kahahantungan niya kung harapin niya iyon mag-isa.

Pinilig niya ang ulo sa kausap-hindi, sa natutulog pala.

Nakita ko ang mga singsing nito kaya naman nakilala ko ito kaagad. Si Hana.

"Should we wake her up now?"

Buong two hours discussion ay tulog pala itong si Hana.

Pinatakan ko pa muna ng halik ang ulo ni Ioana. "Una ka na sa labas, ako na bahala rito."

"She gets real mad when you ruin her nap..." Inabot niya ang kamay ko saka wala sa sariling pinisil. Tutol ito sa gagawin kong paggising sa kaibigan, naging kaibigan niya si Hana, kinaiinisan ko iyon these days.

"Ako na bahala."

Madali itong tumalima ngunit nag-aalala pa ring tinignan si Hana. Bugtong-hiningang napailing ako sa babaeng 'to habang pinagmamasdan siya.

Her Blue SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon