Chapter 35

101 11 6
                                    

"Simone, walk faster!"

Valry Chavez excitedly walked in a rush, I looked at the canvas painting I was holding. We will also display it to the exhibit, our class have our own place where in we can display our painting and people can buy it but mine wasn't for sale. I just want to display it together with my blockmate's works.

Hindi ko namalayan na may event pala ngayon sa Uni at bukas ang gate para sa lahat, hindi naman na kasi ako interisado sa mga ganitong mga ganap dahil ang gusto ko ay makatapos na rin kaagad pero ang makita ang halos lahat ng estudyante na nagsasaya ay nakakagaan sa pakiramdam. To think that event like these will stay forever in their mind, sa ganitong celebrations kasi mabubuo ang college life.

Pagkadating namin sa gallery ay nabusog ang nga mata ko sa ganda ng iba't-ibang art styles ng mga kasamahan ko. Hinanap ko ang pwesto kung saan ko dapat ilagay ang akin, maingat kong inayos ang obra ko sa isang easel, tinitigan ko muna ito bago inilibot ulit ang tingin sa paligid, ang pwesto ay isang parte sa hallway kaya maraming nagtitingin ngayon dito. Mga dumaraan. I stopped in front of one charcoal art piece, it looks exquisite, elegant, the charcoal powder's shades is amazing, I want this in my room.

"Uhm, hi S-Simone." Naputol ang titig ko sa obrang nainteresan, pinagmasdan ko ang muka ng hindi pamilyar na lalaki, mabuti at halos limang metro ang layo niya sa akin kaya hindi ako napaatras sa presensya niya.

"Hello, do I know you?"

"Ah, fan mo lang ako, p-pwedeng itanong kung magkano 'yung painting mo?"

Hindi ako agad nakasagot habang tinititigan ito, his shy smile was showing too. A fan?

Ang nakakagulat ay hindi lang siya ang nag-iisang lumapit at nagtanong sa akin, may mga sumunod pa na mangha sa mga gawa ko at nagtatanong kung magkano ang painting ko na naka-display, isa kasi iyon sa walang nakalagay na presyo. Nasuot ko tuloy ang cap ko dahil pakiramdam ko ay dumadami ang nakatingin sa akin ngunit ayoko pang umalis dahil hindi ko pa tapos tignan ang lahat ng naka-display.

Maya-maya pa ay kasabay ko na si Val magtingin-tingin, madaldal ito kaya panay lamang ang tango ko habang nakapamulsa.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi pa nabibili ang charcoal art na gusto ko para sa kwarto ko, marami kasing nakatingin din dito kanina, tinandaan ko ang pangalan ng may obra bago pumunta sa booth kung saan magbabayad. Hindi pa kasi pwedeng kunin kaagad ang art work mamaya pang alas kwatro.

Nagulat pa yata sa akin ang nagbabatay sa booth namin, all my blockmates are familiar to me but I couldn't seem to remember them by names. This woman is familiar, since her stares were always sharp and always looked annoyed whenever our eyes meet in class.

"Hi.." I fished my wallet. "I'd like to purchase this piece of Alisha Mayor, please, I think it's in number three."

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako kinikibo ng babae, ahh confirmed, siya talaga 'yung nakaupo sa harap namin ni Val. Ngayon ay nakatingin lamang ito habang nakatayo ako sa harapan niya at para bang may nasabi akong mali. Baka dahil bumibili ako ng gawa ng kaklase namin? Hindi ba pwede?

"Nang-aasar ka ba, Hellios?"

"Ah? H-hindi." Nagtatanong ko itong tinignan. "Oh, it's already sold?" Hindi naman kasi nakalagay na nabili na pala...

Masama ang tingin niya sa akin kaya napaatras ako, may nagawa ba ako sa kaniya sa klase namin nang hindi ko alam?

"Alisha! Ang daming may gustong bumili sa piece mo!" Nang lumingon ito sa bagong dating hindi ko naalis ang tingin sa kaniya, siya pala ang Alisha Mayor na artist nu'ng gusto kong charcoal art! Wow, what an honor.

Her Blue SkiesWhere stories live. Discover now