Chapter 9

91 7 1
                                    

tw : drugs

"Sobrang galing ni Hana." Tila kumikislap ang mata ni Ioana habang nagkukwento. Ilang araw mula nang atakihin siya sa harapan ko ay siya mismo ang naglakas-loob na yayain akong kumain. "She just literally appeared out of nowhere and shock us all."

Pagkatapos kong isuksok ang libro niya sa bag at mai-zipper iyon ay hinarap ko siya sa akin. "Gusto mong kaibiganin?"

Mukang nagulat ito sa tanong ko kaya bahagya akong natawa, ang cute ng pagbilog ng mata niya. Doon palang ay alam ko na kaagad ang sagot, ayaw niyang makipagkaibigan, hindi dahil sa hindi niya kaya kundi dahil sa pakiramdam niya ay bibigyan niya lang ng problema ang magiging malapit sa kaniya.

Iling itong nauna sa akin sa lift, bumubulong pa na ang kulit ko na raw, dahil daw sa akin ay late na raw siya, if I know excited lang siya makita 'yung Hana na 'yon.

Hahakbang na sana ako nang may bumunggo sa balikat ko mula sa likuran.

"Ikaw pala, Ronin."

Nakilala ko kaagad ito nang magsalubong ang tingin namin, si Hana. Siya 'yung Hana na binabanggit ni Io? Ang girlfriend ni Chad? Hinila ko kaagad ang laylayan ng damit ni Io.

Ngumisi ito, humawak pa sa balikat ko kaya hindi ako naging komportable. "Sorry, nagmamadali kasi ako, late na ako."

Sabay-sabay kami sa lift, pinindot ko ang second floor dahil puro sa fourth floor papunta ang mga nakasabay namin. Nakita kong nakatitig si Ioana sa kasabay kong bagong pasok sa lift. Tinaasan ko kaagad ito ng kilay.

"Saan ka?" Panimulang tanong sa akin ng Hana na ito. Her name, I don't like it.

Kahit narinig ko naman ang tanong niya para sa akin ay hindi ako sumagot. Kita ko ang pagbanat ng labi niya. "Nag-shift ako, I didn't know you study here pala." Namamangha pa ito habang natingin sa akin, napaka-feeling close niya masyado pero naalala kong binigyan niya akong ticket upang makapag-chill sa kung saan sila tumugtog kaya tumango nalang ako.

Naramdaman ko ang pagkurot ni Ioana samay tagiliran ko kaya napadaing ako at napaharap sa kaniya. Sinulyapan niya pa si Hana na ngayon nga ay busy na sa cellphone niya. Tumunog na ang lift hudyat na nasa second floor na kami kaya naman ay lumabas na ako, bigla akong napalingon nang mapagtanto.

Hinarang ko kaagad ang kamay ko bago pa magsara ang elevator kaya napatingin silang lahat sa akin. Tinignan ko muna si Ioana bago si Hana at nagpalipat-lipat na. Baka maging magkaibigan sila, hindi pwede.

Buti naisip kong imposible iyon kaya iling na naglakad tuloy ako paalis bago pa makapagsalita si Hana, narinig ko pa nga ang pagbungisngis nito. So si Hana rin ang naka-perfect sa exam ni Sir Ramuyo!? Ang lakas pala!

Balak ko sanang hintayin si Io nang magtanghalian kaya lang dadaan pa raw itong library kaya itong mga kupal lang tuloy ang kasama ko, sa labas pa kami kumain sa kagustuhan ni Hadri.

"Pumunta na kasi tayo mura lang gas, putcha ka Handaya! 'Di ka aayos?"

"Oh!? Ganda mo kamuka mo si Joao." That joke was 300 years old.

"Kamuka mo si—"

Binagsak ko ang baso sa lamesa dahil nagising na rin lang nila ako mula sa malalim na pag-iisip tungkol kina Ioana at Hana, iniisip ko palang na magkaklase sila ay hindi na ako mapakali.

"Lumabas pa tayo kung mag-aaway lang din pala kayo edi sana sa dorm nalang para kahit magrambulan kayo ro'n okay lang."

"Puso mo ser." Tinapik ni Hadri ang braso ko habang nakangisi sa 'kin. "Sino ba kasing iniisip mo? Sure akong wala siya rito at sure akong alam ko naman kung sino pero syempre diba secret lang."

Her Blue SkiesWhere stories live. Discover now