Chapter 32

99 9 2
                                    

Nanatili akong nakaupo lamang sa loob ng sasakyan habang pinapanood sila na nag-uusap sa labas, Gali was flashing her wide smile, Handaya looked seriously intimidating while talking, Jacinthe's tapping something on her phone.

Bumalik si Clary upang kuhanin ang phone niya, tahimik ko lang itong tinignan, hindi makapaniwala sa ginagawa niyang pagtulong sa mga ito. She called for help, I guess. Nasapo ko ang noo. Tumagal pa ng ilang minuto ang pag-uusap nilang tatlo hanggang sa magsi-tanguan ang mga ito. Makakahinga na siguro ako ng maluwag.

Sumakay ulit si Clary, nakangiting bumaling sa akin habang tinututok sa kaniya ang aircon. Mainit sa labas.

"I offered them a ride, they booked in our hotel, it's nearby lang naman." Bigla kong nilingon ang mga papalapit sa sasakyan na lulan namin, oh great. I took my cap and shades inside my bag, good thing I always have these because it's hot outside.

"Simone, I'm sorry I know you're not comfortable having people you're not familiar with around, promise I'll drive faster."

I just nodded at mas siniksik ang sarili sa upuan, sinisiguradong hindi ako makikita sa salamin.

"Pasensya na talaga sa abala, Miss Clary!" bungad kaagad ni Gali, lumipad pa ang tingin niya sa akin na hindi sila nililingon. "May kasama ka pala, nakakahiya naman."

"It's nothing, Engineer Isagani."

"Gali nalang for you."

Natawa si Clary, she asked them questions-she's really a people person. She doesn't know we're having a car ride with only one straight girl left in the passenger.

"We're looking for our best friend, but this city looks like it has the best night life." I knew it was Jacinthe's voice.

"It really does."

Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Handaya sa salamin, naglaro ang kaniyang ngisi. "Do you party Miss Chavez?"

"I go nalang occasionally, I'm busy with work and I'd rather choose to be with this woman on my free days." I saw her casually pointing at me, napalingon ako.

[Don't talk to me please.] I signed natawa ito sa akin.

[You're such a dork.] Was her reply.

"I'm sorry, this is my friend, she's tired that's why she's quiet." Napayuko nalang ako. The three surely thinks Clary was funny, I use hand signs, for sure they think I'm mute kaya malamang tahimik ako.

Mabuti ay naihatid niya na ang mga ito sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya niya. Hindi na ako nagsalita pa pagkatapos no'n kahit na naihatid niya na ako sa bahay, she seem to notice my mood changing so she just kissed my cheeks and told me to take care before she leaves, babalik 'yan dito mamaya upang tanungin ako kung bakit nag-iba ang mood ko kaya ni-lock ko ang pintuan ng kwarto ko upang hindi niya na ako piliting tanungin, makulit man si Ry ay madali itong makabasa ng aksyon ng mga kaibigan niya.

Buong magdamag kong inisip kung bakit nila ako hinahanap, hindi ba ay sinabi ko na kina Engineer Azalera na wala na akong balak bumalik pa sa mga buhay nila. Dahil ba sa mga painting? O dahil hindi sila pumapayag na basta nalang akong umalis sa buhay nila at pumunta pa talaga sila rito upang makausap ako sa personal?

Kinabukasan ay maaga akong gumising upang mag-jog, sa gym ay naabutan ko si Marvic na ginagawa ang routine niya, ginamit niya ang hintuturo upang palapitin ako.

"Simone, your friend Handaya has been calling me since yesterday, I knew one face in that painting of yours was familiar, she's the girl I met in Manila!"

My brow raised before starting my own routine, inaalala ang tagpong sinasabi niya, yes, yes si Handaya ang kumuha ng number niya sa grocery store bago kami magpunta ng Barcelona kung saan nakita naman niya si Engineer Azalera. The world is playing with us, huh?

Her Blue SkiesWhere stories live. Discover now