Chapter 25

88 9 0
                                    

Saan ko nga siya ulit nakita?

I'm sure she's not from my art class.

I know beauty when I saw it, I've never seen that level of beauty in my class so I think...somewhere else, I saw her somewhere.

"Problem?"

Nag-isip pa ako ng ilang segundo bago umiling, sigurado, matataranta lang itong si Marvs.

Palabas na kami dahil nagugutom ulit itong kasama ko, chineck ko ang phone ko upang kausapin si Mom, hindi pa nakakalayo ay mapahinto kaming pareho ni Marvic, dahil huminto siya, syempre huminto rin ako.

Nakakita pa siya ng kakilala niya rito, ibang klase talaga.

Lumayo at sinagot ko muna ang tawag ni mommy, tinatanong kung saan pa kami pupunta, and noted to make sure we're safe. Sinundan ko ng tingin si Marvic pati ang kausap nito at napaisip nang makita ito, 'yung kaninang tinitignan ko, siya iyong babae na 'yun. May kasama pala ito na abala sa sariling telepono, napansin ko kaagad ang kamay nilang magkahawak.

Bakit ang gaganda naman 'ata ng mga tao rito sa Roma? Hindi ko mapigilang tanong sa sarili habang tinitignan ang nagtitipa sa phone na kasama ng kakilala ni Marvs.

Nakapamulsang hinintay ko si Marvs na matapos sa pagiging social butterfly niya.

Halata ko ang gulat sa muka ng babae ngunit kahit gano'n ay kinamayan niya ang weirdong kasama ko. Nag-uusap na talaga sila sa gitna.

Tumabi sila ng kaunti, dahilan para mapaharap sa gawi ko si Marvic. "Wow! It's been so long and you can still remember me." Nabasa ko sa labi niya nang magsalita siya, I'm good at those.

Halos masapo ko ang noo ko nang magpakilala rin si Marvic sa kasama nu'ng babae. Mukang matatagalan pa ang pag-uusap nila.

May nakita akong matandang nagpipinta samay gilid kaya naglabas kaagad ako ng pera upang maglagay sa sumbrerong nakalapag sa lapag, napangiti ako, pinanood ko pa ito saglit bago naisipang balikan ang kasama ko. Wala na itong kausap at matamang nakatingin na lamang sa akin habang pabalik ako sa kaniya.

"You good? Enjoying?"

Pabirong umirap ako, parang nagtatanong sa bata. Sinundan ko nang tingin ang bulto ng dalawang naglalakad paalis na kausap niya kanina, natatanaw ko pa kasi sila. Ramdam ko nanaman ang kaba, pamilyar talaga ang babaeng 'yun. Sigurado ako.

"Oh! They're really nice, and super cute together, that's Engineer Azalera, I couldn't seem to forget our first encounter, gosh she's gorgeous." Mag-isa itong natawa habang naglalakad. Pinabayaan ko nalang ito upang makakain na kami at makauwi na rin.

Nagulo ko ang buhok ko sa dami nang iniisip, bigla nalang talagang pumapasok ang mga bagay bagay sa isip ko ngunit inalis ko nalang din kaagad sa isip ko ang dalawang babaeng kanina lang ay kausap ni Marvic. Pamilyar sila.

Napapikit ako ng mariin.

Buong gabing hindi ako makatulog, anong oras na pero gising na gising ang diwa ko, I had to take meds to calm myself down, I was overthinking, I might experience another panic attack.

I'm thinking thoroughly where I saw them before...oh my head aches, makatulog na nga lang!

"GET UP! Get up! It's your day!"

Lumundag si Marvic sa kama ko at ramdam kong hinahampas niya ang hita ko.

"Sobrang grumpy mo naman! Nakasimangot ka pa, hindi nakakaganda 'yan! Halika na!"

Pinanood ko itong mag-apply ng make-up, she loves putting different facials, I'm more of the looking napabayaan one especially kapag kami ang nagdidikit dalawa. 'Yung pag-aalaga niya sa muka niya ang dahilan kung bakit napakabata niya tignan, well, she's still young. Kaya napaghahalataang spoiled brat 'yan, at mabuti naman at hindi siya nagsuot ng puti ngayon dahil nagsasawa na akong makita siyang nakasuot ng puti. Isang itim na trench coat ang suot niya, sa ilalim ay pants at coffee colored tank top.

Her Blue SkiesWhere stories live. Discover now