Chapter 7

109 9 1
                                    

"Bakit ang hilig niyo titigan ang nasa taas?" takang tanong ko kay Io habang naglalakad kami pabalik sa dorm, napabili lang kami ng pagkain sa tuhog-tuhog d'yan sa La Hermosa, nagsasakyan pa kami, naka-facemask pa ang kasama ko, pinasumbrero ko na rin na hindi niya naman tinanggihan dahil mahamog na raw, ano ba 'yang bunbunan niya, pang-baby?

Alas gis palang kaya.

"I'm just appreciating its beauty." Gano'n din kaya si Gali? Napakahilig niyang tignan ang langit. Nanahimik nalang din ako habang nginunguya ang barbeque na binili namin, dinadama ang hangin na pasalubong sa amin. I'm just appreciating the view. Bigla kong naalala, ha! Bet niya iyon sabihin lagi, ano?

I fixed her cap. "Wait nga, baka mamaya magkasakit ka ulit."

"Ulit?"

"Diba nagpa-check-up ka last time kasi may sakit ka?"

Napahinto ito. Nakita kong nagdadalawang isip siyang sabihin, inabot niya muna ang isang stick ng kikiam bago ako ayaing maglakad na, pagkababa niya ng face mask ay nakita ko ang kabuoan ng reaksyon niya, ay nako, alam ko na 'yan! Nag-iisip 'yan.

"Ano?" Natatawang sabi ko habang tinitimbang ang mood niya.

"I'm okay." Kibit-balikat niyang sabi. "Just monthly check-ups."

"Buti okay ka na." Kinuha ko ang ilang supot na hawak niya at ako na nagbuhat, magaang lang naman 'yon kayang-kaya ko.

Ngumiti ito nang tumingin sa akin. "You're curious."

"Ano 'yung sakit mo? Pwede...pwede ko bang malaman?"

Nanahimik ito, ilang sandaling nag-iisip at panakanakang tumitingin sa akin.

"Cancer." Nag-iwas ito ng tingin, hindi pa specific. "We figured it out on its early stage, the cancer hasn't progressed yet, we flew all the way to States to kill it, they have the best machines there, best doctors and I don't think it'll have a relapse." Mahina ang boses niya, halos hindi ko marinig. "But I was under counselling, since I was diagnosed with depression."

Lord, 'wag naman po sana.

As my eyes lingers on her...she seem to look so fragile, weak, but by hearing those, she's tougher than the toughest! I now knew, she have been through a lot.

So that's why she's standing on that ledge...

"Nakakatakot nga kung hindi ko makikita ang bukas, at susunod pang mga bukas..."

"You think you love yourself?" I asked out of nowhere, sumunod ako nang magsimula siyang maglakad muli, my mind wandering elsewhere too.

"You think it's easy to love your own self?" she asked me back. "I'm trying."

"Thank you for trying then."

Nang huminto ulit siya ay napalunok nalang ako dahil yumakap ito sa akin, ramdam ko ang katawan niyang nakadikit sa akin, magaang, masarap sa pakiramdam. Loving. It was hard thing to do, loving yourself, was the hardest, kasi kahit anong tingin mo sa positibo may mananatiling negatibong bubulong sa 'yo na kulang ka, na ang hirap hirap mong intindihin, ang hirap mong mahalin—minsan, madalas, parati, tayo ang mas hindi nakakaintindi sa sarili natin, mas ayaw nating pahalagahan, ang hirap hirap mahalin.

Mapapahiling ka nalang na sana bukas, sa paggising, tanggap mo na ang lahat ng ayaw at kulang sa sarili.

"Andito ka, kinaya mo."

"This means a lot, Simone."

Alright, she's charming.

Kahit napapadalas ang pag-uusap namin ni Ioana ay hindi pa rin ako nasasanay sa mga bagong nadidiskubre sa kaniya, nu'ng minsan nga ay nagulat ako dahil nahuli ko itong nag-cut dahil nagutom daw, hindi nakapag-lunch kaya hindi nalang daw pumasok. Tama 'yon. Ba't ka matatakot?

Her Blue SkiesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin