Chapter 5

120 11 1
                                    

"When will you stop smoking?"

Nahinto ako sa pagsindi ng yosi at napatitig sa nagtatakang muka ni Hadri.

She always ask that.

Talagang sinusundan pa ako rito samay likod ng building tapos itatanong 'yan. Binuksan ko ang lighter kaya naman agad na sumayaw ang apoy na pareho naming tinitigan ng kaibigan ko.

Wala akong sinasagot sa tuwing magtatanong siya, I'll just smile slightly, hindi ko kasi alam, kahit sa sarili ko hindi ko alam kung kailan ako tuluyang titigil, I can't seem to stop.

"Mag-vape ka nalang tutal expert ka naman sa pagkalikot no'n!" Tuluyan kong itinapon ang nag-i-isang stick na meron ako nang akbayan niya ako. "Maawa ka sa baga mo, tanga, hindi ka sasantuhin niyan bahala ka."

Tumango nalang ako kahit na nasa malayo pa ang tingin ko. Nakikinig naman ako, eh, nililimitahan ko na nga ang sarili ko. Mahirap lang talaga ihinto ng deretcho.

"Ba't mo tinapon? Hala."

"Wala ako sa mood humipat, Had. Saan daw sila?"

"Sa building ng arki." Nahinto ang paa ko.

Bakit doon?

"Nando'n ba si Jonas?"

"Wala, si Kahel baka nando'n." Natawa ito ngunit pagdating sa akin kahit konting ngiti nahirapan ako, saklap. "Tara na, baka nando'n din si bebe ko!"

I don't want to see them today, sana ay nagyosi muna pala ako. Nasayangan tuloy ako bigla sa isang stick. Mabibigat na hakbang ang nagagawa ko dahil narin nakaakbay pa itong si Hadri. Siniko ko siya nang may mapansin. "Seryoso ka ba kay Gianne? Baka naman ginagago mo lang? Sana karmahin ka."

Nginisian niya ako na ibinalik ko naman, sabay pa naming nilagay sa bulsa ng uniform ang kamay namin.

"Si Gali ang gusto no'n, halata naman, sarap sapakin muka ni gago masyadong gustuhin." This time pareho na kaming natawa, grabe ka Gali.

Pagliko palang namin ay tanaw na namin ang malawak na garden ng mga arki, nakita kaagad ng mata ko ang dalawang kaibigan na nagbabasa ng kung ano. Seryoso na talaga sila sa pag-aaral.

"Ano bang hindi nakukuha mo Handaya? Wala namang pag-asa 'yon kay Gali."

"Kahit na, ikaw nga kahit walang pag-asa gusto mo pa rin." Nabingi ba ako? Guni-guni ko lang 'yon? "Totoo diba? Nahuhuli kita, Ronin, 'wag mo nang itanggi sa akin." Kagat ni Had ang ibabang labi niya, tinapik ang ulo ko na parang bata.

Pekeng natawa ako at pinitik ang noo niya, sa loob loob ko'y kinakabahan na ako, masyado ba akong halata? Alam din kaya ni Jacin? Si Gali!? King ina.

Wala sa sariling nagpatihila ako kay Hadri papunta sa mga kaibigan, hindi man ako pinagpapawisan ay alam kong nagwawala ang puso ko. Kaagad akong napalunok nang magtama ang tingin namin ni Gali, ngumiti pa ito at tumango. Kalma lang, pagsubok lamang ito.

"Anong pinag-uusapan niyo? Tagal niyo maglakad." Si Jacinthe na tumayo pa upang halikan kami sa pisngi.

"Wala," sabay naming sagot at parehong nagkatinginan. Sa galaw palang namin ay parang kinukumpirma ko nang totoo ang mga hinala niya! Bahala na, si Hadri naman 'yan...kapag lasing lang naman siya madaldal, kapag lasing lang. Oo laging lasing 'yan!

Sa kabutihang palad wala namang Kahel na dumating dito sa pwesto namin at tahimik kaming apat na nag-review, bumili pa si Hadri ng pagkain sa cafeteria kaya puro tunog ng plastic lang ang naririnig sa tuwing may kumukuha sa junk food na binili niya. Nilibre rin kami ng tig-iisang Coke.

Her Blue SkiesWhere stories live. Discover now