Kabanata 43

7.3K 421 64
                                    

"Mhmm, ang sarap, Tali!" Todo higop si Astro sa kaniyang gotong mami.

I rolled my eyes on him. "Sarap na sarap ka d'yan, e tira lang naman namin 'yan kanina."


Evan and Calius chuckled beside me. Ngunit si Astro ay walang pakielam. Akala niya siguro ay mauuto n'ya ako sa pagpapalihi n'ya sa kinakain n'ya. Nasabi kasi ni Silas na hindi ako kumain ng agahan.


"Eto, pechay!"



Sininghalan ko si Carter nang maglapag s'ya ng nilagang pechay sa tapat ko.


"Haha, sinabawang pechay, pare. Sarap 'yan."



Malisyoso kong tiningnan si Carter. "Ayoko ng petchay."


Agad namang umangal ito at si Astro. Kung ano ano pang sinabi tungkol sa pechay na may lamang bitamina.


"Talagang masarap ang pechay na may sabaw."  Ngiting ngiti si Astro. "Ayaw mo? Akin na lang sige ka." Akala naman niya ay makukuha nyo ako sa pabanta - banta n'ya.


Napakagat labi na lang ako at napaisip kung anong p'wedeng kakainin ko. Ngayon lang ako naging pihikan sa pagkain hindi ko alam kung anong kakainin ko.



Tiningala ko si Timothy na may dalawang McDonald's na nakapaper bag pa.


"Woy! Akin ata iyon?" Pagpaparinig ni Carter.



Isang matalim na tingin ang nakuha nito kay Timothy at nakitang ngumunguya pa ito. He looked at Evan.


"Come here, this is for you."


Evan stands up and checks the paper bag. Halos mapunit na ang labi nito kakangisi sa dalawang Carter at Astro nang ilabas nito ang nuggets at sauces noon.

"Really, wolfie? This is for me?" Nilingon n'ya si Timothy.


"Oo, kainin mo na sa kwarto mo. Baka agawan ka pa nang mga 'yan." Timothy looked at us and chuckled.



Napalunok ako ng sarili kong laway nang isubo ni Evan ang isang nuggets. Umiwas ako ng tingin at ngumuso. Baka maagawan ko sa pagkain si Evan.


"Hey." Silas kissed my forehead while sitting beside me.



"Hey." Lumunok muli ako dahil naamoy at naririnig ko ang bawat kagat ni Evan doon.


"Kumain ka na?"



"Ayaw n'ya kumain, andami namin binigay. Sabi namin masarap ang pechay na may sabaw at may kasama pang nilagang patatas!" Hirit ni Astro.



Humalakhak naman si Carter. "Gago, sinong hindi masasarapan sa petchay?"


Doon sabay sabay namin itong nilingon. Kahit kailan at saan talaga ay dadalhin n'ya ang kalokohan niya. Miski ang pagkain binabastos!


"Anong gusto mong kainin?" Bulong niya sa'kin.


Nagtama ang tingin namin ni Timothy bago bumagsak ang tingin ko sa pagkain ni Evan. Nahihiyang yumuko ako at umiling. Baka sabihin pa nila ay nainggit ako kay Evan kaya't magpapabili ako ng Mcdo.


"Mcdo, gusto n'yan ng Mcdo." Halakhak ni Timothy.


Agad naman akong inalok ni Evan kaya't kusang kumuha doon ang kamay ko ng fries at sinawsaw sa ketchup. Ngunit nailuwa ko yon. Maasim at sobrang alat!



"Bakit mo niluwa?" Si Silas ang sumalo noon gamit ang ang kaniyang palad. Kumuha ito ng tissue at doon nagpunas.


Umiling ako. "Ayoko pala niyan, maasim ang alat pa. Hindi ka ba mag ka UTI niyan, Evan?"


Vampire's Runaway Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon