Kabanata 25

7.3K 360 25
                                    

Tahimik kong pinapanood mula sa isang gilid ang nag kaklaseng sandamakmak na bata. Katabi ko ang ilang magulang dito ngunit hindi man lang nila ako kinakausap!

"Good job, Evan!"

Napangiti ako nang nag - apir ang dalawang bata. May tag - iisa itong upuan at mesang maliit ngunit magkalapit pa rin ang dalawa. Iilan lang ang kaibigang babae ni Calius, ayaw nya talaga sa babae. Gusto n'ya kay Carmela lang.

Awkward akong ngumiti sa mga magulang na pasulyap sulyap sa'kin.

"Kay talino naman po ng anak n'yo, kamahalan!" Napangiwi ako sa tinawag nito sakin.

"Nathalie ho. Ganoon ho ba? Salamat po." Ani ko at nginitian sila.

"Parang kaybastos naman pakinggan kung tatawagin ka
namin sa pangalan mo." Nagtanguhan ang mga ito.

"Senyora na lang total senyor naman natin si Panginoong Silas."  Ani ng nakasalamin na babae. Napatango na lang ako roon. Mas naayos sa kamahalan at reyna. Hindi naman kami kasal ni Silas.

Tumawa ulit ako at sinabayan na lang ang pagkukwentuhan nila.

"Mas masarap sa kama iyang si Panginoong Silas!" Siniko ako ng isang babae.

Napangiti ako ng alanganin. Ano raw?

"Syempre! 'Yun pa? Sus bata pa lang iyon e kitang kita mo na hubog at tangkad." Puri naman ng isa.

"Kaya ata nagkaroon agad ng kambal! ilang beses n'yo ba ginawa iyon, senyora at kambal agad?" Namumula akong nag iwas ng tingin sa kanila.

Bakit ganito sila mag usap? Malapit lang sa amin ang mga bata at baka marinig kami ng mga ito!

"Isa ho." Nilingon ko si Silas na agad nakalapit sa'kin at hinablot ang aking bewang. Gusto kong magtago sa likod n'ya sa hiya!

Naghighikan ang mga ito at pasimple pangnaghampasan.

"Kailan n'yo ba balak sundan ang panganay n'yo, Panginoon?"

Pinisil ko ang braso ni Silas. Napangiti siya habang nakatingin sa'kin bago hinarap ang mga babae.

"Saka na ho, kapag kasal na kami." Sagot ni Silas habang bahagyang pinisil ang bewang ko.

Nagtanguhan ang mga ito at kung ano ano pa ang tinanong sa bawat isa. Wala pa naman talaga kaming balak sundan si Calius at Carmela. Nag aaral pa ako at madami pa kaming problema. Madami kaming mga tinatakbuhang problema hindi pa kami handa para roon.

"Hindi na ba masakit ang katawan mo?" Mahina kong tanong sa kaniya at pinasadahan ng haplos ang balikat n'ya pababa sa braso n'yang may benda.

"Kaunti na lang." Sagot n'ya at hinapit ako paharap sa mga batang nagkaklase.

Seryosong nagsusulat ng kung ano si Calius doon gamit ang krayola. Hindi pa naman s'ya marunong magsulat at magbasa pero desidido itong matuto.

"Our son will be a genius one." Tumawa siya at hinalikan ang gilid ng ulo ko.

Lumapit sa amin si Tito Apollo at may inabot na kung anong envelope kay Silas bago ito umalis. Hinila ako ni Silas palabas ng mansyon kung saan may mesa doon sa terrace.

"Ano 'yan?" Tanong ko at naupo sa tapat n'ya.

Seryoso n'ya iyong binuksan at nilapag ang sandamakmak na litrato sa mesa.

"It's . . .  Waquin." Gamit ang kan'yang hintuturo, tinuro nito ang isang lalaki sa tabi ng bahay naming nasusunog. 

Nasa medyo malayo ito sa mga kumpulang tao pero nahagip pa rin ito sa camera. Sumunod na litrato ay sa restaurant ni Silas. Naka cap ito at nakaupo sa labas ng resto.

Vampire's Runaway Wife Where stories live. Discover now