Kabanata 14

9.1K 554 72
                                    

Tw : Death

***

Hindi ko alam kung anong naisipan ko pero saka ko lang napagtanto ang sarili ko na pinupuyuran ang walang buhay kong anak.

Kinalas ko ang pag papapuyod ko at sinuot sa kaniya. Gamit ang coat ko, binalot ko s'ya roon at niyakap. Hinding hindi ko siya binitawan ngayon.

"Sorry, baby.." mahina kong sabi sa kanya at hinalikan ang kaniyang pisngi. "Hindi ka man lang nailabas ni ina rito." Tuloy ko.

Kanina ko pa siya kinakausap kahit wala akong nakukuhang sagot sa kaniya. Basta ang gusto ko nasasabi ko lahat ng gusto kong sabihin. Panay ang halik ko sa malamig n'yang noo at pag huni ng kantang pampatulog ng bata.

Hindi ko alam kung ilang araw na akong nakaupo sa isang sulok hawak ang balot na balot na coat. Ni hindi ako makaramdam ng gutom kakamukmok sa pagkawala ni Carmela.

Nilingon ko ang butas na pinaggalingan ng liwanag. Kagabi, nakarinig ako ng kaluskus doon. Pinagmasdan ko ang butas at nakitang may berdeng liwanag doon ngunit hindi ko alam kung ano iyon.

Pakiramdam ko ay may malakas na presensiyang nanonood sa amin ng anak ko.


Nang tumunog ang pintuan ay hindi man lang ako nag angat ng tingin. Ilang hakbang ang lumapit sa'kin at isang pag higit sa'king manipis na bestida upang makatayo.


Kaagad na kumulo ang dugo ko nang makita si Waquin na may ngiti sa labi. Paano n'ya nagagawang ngumiti sa mga nangyayari sa'min?

"Masaya ka.." mahina kong sabi.

Tumapat sa'king leeg ang malamig niyang espada na may bahid ng dugo at mahinang tumawa.

"Oo, you wanna know why?" Pinakita nya sa'kin ang dalawang kwintas. Ang kwintas na 'yon ay ang kadalasan kong sinusuot panangga sa mga bampirang naghahanap sa'min.

"I killed your father and your one and only brother, Nathalie." Malakas siyang tumawa.

Walang gana ko siyang tiningnan. Sa tingin n'ya matatakot n'ya ako sa pinag sasabi n'yang to?

"I'm not fooling you, woman. Halika, sumama ka sa'kin."


Hinila na naman niya ang batok ko palabas ng kwarto.

Kapansin pansin ang sira sirang parte ng palasyo. Ang mga vase, pader, at mga upuan. May mga apoy pa sa iba't ibang gilid na madadaanan namin. Nang makalabas kami sa palasyo ay puro bangkay ng mga lalaki.

Napako ang tingin ko sa dalawang lalaking mag kalapit na nakasubsob sa damuhan. Nakilala ko agad ang damit nito. Saglit akong hindi nakagalaw sa'king kinauupuan.

Ramdam kong tumulo ang luha sa'king kanan na mata habang nakatitig sa dalawang katawan.

Ano na naman 'to? Bakit may ganito na naman? Gusto n'ya bang ubusin lahat ng mahal ko sa buhay? Kung gano'n, bakit hindi na lang ako ang kunin n'ya nang matapos na ito?

Malakas na tumawa si Waquin habang nakataas ang kan'yang espada. Akmang lalapit ako kay papa at kuya nang hilahin niya muli ako papunta sa isang gilid ng palasyo.


Lalong mahigpit kong niyakap si Carmela nang makita sina Silas, Timothy, Astro, at iba pang mga kakampi namin na nakikipagpatayan. Natigil ang mga ito nang makita ako.

"N-Nathalie!" Sigaw ni Astro at lumapit sa'kin. Maraming hiwa ng espada ang braso at pisngi nito.

Pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa mga nakikita ko. Hindi man lang ako naka react sa paghigpit ng hawak ni Waquin sakin.

Vampire's Runaway Wife Where stories live. Discover now