Kabanata 10

11.3K 568 49
                                    

Isang malakas na katok ang gumising sa aming lahat.

Bumangon ako at tiningnan ang kambal kong nakahiga sa sahig. Ala singko na ng umaga. Apat na araw na kami rito sa Taal at maayos naman ang pamumuhay.

"Ako na." Ani ni Tita Dayana.

Nagpunta ako sa kusina at nag hilamos ng mukha. Nag mumog na rin ako at inayos ang puyod ko. Ang dress na kulay puting may long sleeve ang suot ko ngayon. Puro kasi dress ang damit ng mama ni Astro.


Nang makarating ako sa sala ay saktong bumukas ang pintuan. Umawang ang labi ko nang makita ang isang lalaking nakatayo roon.

Puno ng pasa ang katawan at sugat ang braso n'ya at tiyan pati na ang mukha n'ya ay may mga sugat.


"Silas . . ." agad akong lumapit dito at yumakap.

Ramdam ko ang pag daing niya nang yakapin ko siya ngunit niyakap pa rin ako pabalik. Hindi na napigil ang pagtulo ng luha ko habang tinitingnan ang katawan nito.

"Anong ginawa mo? Bakit gan'yan? Ano 'yan, Silas?"

Sunod sunod kong tanong at hinila siya paupo sa isang upuang kahoy sa maliit na sala nina Astro.



Natulala naman si Lola at Tita Dayana na gising na.


Kaming tatlo lang ang nagising kaya naman gulat kami sa bumungad saming umaga.

"Water please . . ." agad akong inabutan ni Lola ng basong metal at pinainom iyon kay Silas.

Hindi maalis ang tingin ko sa matipunong dibdib nito. Nakapantalon lang siyang itim at walang pang itaas. Magulo ang buhok at walang suot na kwintas. Iyon ata ang dahilan ng paso n'ya sa ibang parte ng katawan.


"Baby . . ." tawag nito at inabot ang kamay ko. "Are you okay?"


Hindi ko siya sinagot at kinuha ang tuwalyang basa pamunas sa katawan nya. Kahit na ilang araw pa ang nakakalipas noong narinig ko ang paguusap nila ni Lucas ay hindi ko man lang makalimutan, habang pinupunasan siya ay 'yon ang pumapasok sa isip ko.


Kahit na nakaramdam ako ng galit kay Silas hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko sa pagaalala.

"Panginoong Silas, anong nangyari sa'yo?" Takang tanong ni Tita Dayana.

Nakatitig lang siya sa'kin habang pinupunasan ang kan'yang braso. Dumadaing s'ya ng kaunti ngunit hindi nagrereklamo.

"Si Ama ang may gawa nito." Tumigil ako sa pag pupunas at tumingin sa kan'ya. "Sinabi ni Lucas na ako mismo ang nagpatakbo kina Nathalie palayo." Binitawan ko ang braso niya at nag iwas ng tingin.


Naalala ko ang imahe ni Astro nung umuwi siya sa bahay na ganitong sugatan dahil sa kanya noong nalason si Calius. Napayuko ako nang mapagtantong nasasaktan sila nang dahil sa akin at sa aking mga anak.

"Talk to me, Nathalie." Paos n'yang sabi.


Piniga ko ang tuwalya sa papalanggana. Napangiwi ako nang puno nang dugo ang lumabas doon. Napatigil ako sa pag pipigla nang hawakan nya ang kamay ko. Dumako ang tingin ko kay lola at tita na nanonood lang sa'min.

"May masakit pa ba sayo?" Tanong ko rito.
Umiling siya habang nakatingin sakin.

"Hindi ko sila kukunin sa'yo." Aniya at hinaplos ang pisngi ko.

"Hindi ako sigurado jan." Sagot para tumigil siya sa pag haplos sa aking pisngi.


"Bakit ka pumunta rito?" Panira ko ng katahimikan.

Vampire's Runaway Wife Where stories live. Discover now