Kabanata 21

8.2K 429 27
                                    

Napapikit ako nang mariin sa diin ng yakap niya sa bewang ko. Ramdam ko rin ang pagtulo ng luha n'ya sa dibdib ko dahil manipis ang damit ko.


"Silas." Banta ko sa kan'ya at pilit na inaalis ang yakap niya sa'kin.


"Bakit mo ako pinamimigay?" Paos n'yang sabi sa pag kakasubsob sa aking dibdib. Bahagyang nakayuko ang ulo nito dahil mas matangkad siya sa'kin.


"Why are you pushing me away? Ayaw mo na ba sa'kin?"


Tinigil ko ang pag pilit sa pag alis ng braso n'ya sa'kin at nilagay ang palad ko sa buhok nya't bahagyang hinaplos iyon.


"Sorry for saying those things about you earlier. I know it's my fault.. I'm sorry, kaya ka ba galit sa'kin? K-kaya ba pinamimigay mo ako?" Naramdaman ko ang paglapat ng palad niya sa likod ng ulo ko at lalong paglapit niya sa katawan ko.


"Hindi kita pinamimigay." Simula ko at binaba ang kamay ko. "Sinabi ko lang 'yon kanina kasi, 'di ba? Kilala naman natin si Selena? Alam nating ayaw niya sa'yo kaso parang nag iba, e. Iba inakto niya kanina, hindi ko na nakontrol sarili ko." Paliwanag ko sa kan'ya.


Totoo, nagulat din ako sa inakto n'ya kanina. Akala ko sinasabi niya lang 'yon dahil nasa harap kami ng tiyahin niya dahil ganoon naman lagi, aakto siyang gusto n'ya dahil sa tiyahin niya. Pero kanina iba, e. Iba talaga. Iba rin ang kutob ko.



"I don't like her, I promise." Halos hindi ko na makilala ang boses niya sa pagpapasubsob sa aking balikat. Mahina akong natawa at bahagyang tinulak ang dibdib niya upang makita ang mukha nito.



Ganoon pa rin ang itsura n'ya, mas basang basa nga lang ng luha ang pisngi at namumula ang mata't ilong. Damay na rin ang magulong buhok n'ya.



"Bakit ka umiiyak?" Malambot kong tanong sa kan'ya at inayos ang buhok nito.




"I'm scared." Nag iwas siya ng tingin sa'kin. "Baka iwan mo ako, baka dahil sa kasal na 'yon at sa nasabi ko sa'yo kanina tuluyan mo na akong iwan. Nathalie, natatakot ako. Palagi." Kunot noo kong hinarap ang mukha n'ya sa'kin at pinunasan ang pisngi n'ya.



"Kalalaki mong tao iyakin ka. Namana tuloy ni Calius." Mahina akong tumawa. Iyakin din si Calius, kaunting sermon kapag nasigawan iiyak, tutal normal naman iyon sa mga bata.



"Bakit? Hindi mo pa nga ako sinasagot, nagbabalak ka nang iwan ako." Nakakunot ang noo nito at bahagyang nakayuko ang ulo.



"Malalaman mo naman kapag iniwan kita. Baka nga hindi pa kami makapagtago sa'yo, lahat naman gagawin mo para mahanap kami." Lumayo ako sa kan'ya at dumampot ng isang panyo sa mesa't pinaupo siya sa dulo ng kama.



"Lalayo lang kami para sa katahimikan kapag nagkataon, pero nandiyan ka naman, 'di ba? Hindi mo naman kami pababayaan." Nagkibit balikat ako at hinawakan ang isang pisngi nya't marahas na pinunasan ang pisngi n'ya.



"I love the way you slapped Selena."  May ngiti sa labi nito. "Pero pinamigay mo ako sa kan'ya." Tumango tango siya.



Naupo ako sa tabi n'ya at agad na binagsak ang katawan ko sa kama.



"At least sa'kin ka pa rin umuwi." Mayabang kong sabi sa kan'ya.  Narinig ko pa ang mahina n'yang tawa.



"Kahit naman pumayag ako roon, ako pa rin naman uuwian mo. Ako pa rin naman ang pipiliin mo." Desidido kong sabi. "May anak ka sa'kin tapos sabi mo gusto mo ako, mahal mo ako. San ka pa?" Tuloy ko.



Naramdaman ko ang kamay niya sa hita ko bago paghapit n'ya ng bewang ko paupo at alalay sa likod ko hanggang sa makaupo ako sa gitna ng hita n'ya.



Vampire's Runaway Wife Where stories live. Discover now