Kabanata 40

7.7K 403 24
                                    

WARNING : R18

***

"Niyog kasi hindi buko."


Kinamot ko ang pisngi ko sa tagaktak ng pawis ko. Nakarating na't lahat si Astro dala dala ang tatlong buko ngunit 'di ko naman kailangan noon.


"Aanhin mo ba ang niyog?" Nakapamewang n'yang tanong sa'kin.



"I'm gonna use it to roll the sticky rice on my palms, Astro." I sighed. "Hindi sabaw ng buko ang kailangan ko, niyog at papakuluan,  gata noon ang kailangan ko." Pinaningkitan n'ya ako ng mata.



"Langis na lang ang gamitin mo!" Singhal n'ya.



"Hindi nga pwede . . . hindi magiging masarap 'yon." Inis kong sagot.



Nagpunas siya ng pawis at mabilis na hinubad ang pang itaas n'yang damit. Pinandilatan ko s'ya ng mata at mabilis na pinatalikod. Mas maskulado si Astro ngayon!



"Bakit?" Nilingon niya ako ngunit 'di hinarap ang katawan. Busy pa rin ito sa pag pupunas ng kaniyang pawis.


Wala kasi rito ang mag aamang Timothy at Silas, nagjojogging. Ala sais pa lang ng umaga at ala singko ng madaling araw umalis ang mga iyon samantalang sa mga oras na iyon ay inuutusan ko na si Astro para kumuha ng niyog.



"W-wala, bumalik ka na roon at manguha ka ng niyog kahit dalawa lang tapos ay papakuluan ko na ang malagkit na kanin!" Dali dali kong sabi at tinulak siya palabas ng pinto sa kusina.



Ngumisi siya sa'kin at humarap. Dahan dahang dinampot ang kaniyang itak bago nagpose na parang nasa magazine na mga lalaking hubad.



"Gwapo ko, ano?" Inayos n'ya ang buhok n'ya bago nag post. "Mhmm, macho!" Pinakita nito ang kaniyang muscle at hinampas iyon nang dalawang beses.



"Umalis ka na!" Sigaw ko ngunit muli siyang popose roon na para bang may camera sa harap n'ya.



"Macho! Pabibo daw ako!" Kanta nito habang naglalakad palabas ng pintuan na may kasamang pose. He's smirking like he was copying Timothy's face on magazine! "Babye, Tali!" Hindi ako sumagot ngunit tumango lang ako sa kaniya at malakas na napabuntong hininga sa kakulitan nito.


I started removing some stones on rice. Hinugasan ko muna ito bago naglagay ng tubig sa malaking kawali. Doon ko na niluto ang malagkit na kanin at hinintay silang lahat sa isang mesa. Mamaya ko na bibilugin dahil magpapakuha pa ako sa kanila ng dahon ng saging.



Ang katulong na lalaki na lamang ang pinaghalo ko roon dahil hindi ko kaya sa bigat ng malagkit na kanin. Habang hinihintay lumambot iyon ay binuksan ko na ang laptop ko.



Bumati na lang ako ng good morning sa kanila at nag check ng ilang notification.



Kumunot ang noo ko nang may makitang isang post. Picture namin ito ni Silas sa kampo na nilagay n'ya sa kaniyang Facebook story.




"Jesus." Bulong ko. Kalat na 'yon at lalo nang nagkakaroon ng issue at theories na meron ngang kami lalo na ang konekta ni Calius kay Silas.


'Di ba, ikakasal na sila nung YouTuber na si Slena Serene? Bakit sila magkasama?



Baka dahil sa anak, sinusuhestuhan lang.


Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong naging hindi komportable. Baka sinusuhestuhan lang . . . No, he's not.. I mean he do love me, sabi niya. At umasa naman ako roon pero paano naman ang kasal nila ni Selena na na - announce na pala?



Vampire's Runaway Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon