Kabanata 15

10.1K 547 92
                                    

Buhat ni Silas si Calius habang nakaakbay sa'kin sa tapat ng hukay nina Papa at Carmela. Pati sina mama, lola, kuya, at ilang grupo ng mga bampira't lobo ay nandito para sa pakikiramay. Ilang bampira rin ang kasabay inilibing dito sa sementeryong tago sa kagubatan malapit sa ilog.

Puro itim at puti lang ang kasuotan namin. Walang umiiyak at walang malungkot. Lahat kami pinipilit pagaanin ang sitwasyon.

"Father, why Carmela is in there?" Hinawakan nito ang pisngi ng kan'yang ama at inosenteng tinanong.

"Carmela . . . wants to rest." Sagot nito sa anak at hinalikan ang noo habang pinapanood ang pag tatabon ng lupa sa hukay.

"Carmela is dead?" Mahina nitong tanong. "Patay na siya? Namatay na siya, like my sister got killed Ama?" Lahat ay nakatingin kay Calius na nagtatanong sa ama.

Nilingon ako ni Silas bago tipid na ngumiti kay Calius.

"Yup." Tumango ito.

Nilingon nito ang hukay na halos tabon na tabon na. Narinig na lang namin ang pag iyak nito habang nakatingin doon.

"Lolo too?" Tanong niya habang sumisinghot.

"Yes, buddy . . .  Lolo and Carmela." Sagot ni kuya sa tabi nito.

Nagsi-alisan na't lahat ang mga sumama sa pakikipaglibing sa'min, nandito pa rin kami dahil kay Calius. Ayaw nitong umalis sa tabi ng puntod ng kaniyang kapatid.

"Ama, please . . .  dito na lang tayo matulog!" Nagtatalon ito habang hawak ang isang daliri ni Silas.

Umiling ako at pinantayan ito.

"Hindi pwede, anak. Tingnan mo ang langit, mukhang uulan. Hindi tayo p'wedeng magtagal dito. Magpapahinga na si Carmela." Hinaplos ko ang buhok nito.

Muli itong umiyak. "But Carmela needs me! She can't sleep at night without me, mother!"

"Calius, shouting at your mother like that is a bad thing." Binuhat na ni Silas ang bata at pilit na pinatahan.

Hindi ko maitatangging matalino at maintindihin si Calius. Lumalabas lang ang kapilyuhan ngayon dahil sa galit. Gusto n'yang makita si Carmela sa huling pagkakataon pero hindi namin ipinakita ang kapatid nito sa kaniya dahil sa kondisyon ng katawan nito.

Hindi siya sa'min sumagot at umiyak sa balikat ng ama. Nagkatinginan na lang kami ni Silas at napabuntong hininga. Hindi namin pwedeng ibigay ang gusto nya ngayon.

"Maybe next time , son?" Tanong nito sa bata at hinawakan ang kamay ko. "Magpaalam ka na muna kay Carmela. Babalik balikan natin siya rito." Anito.

Humarap na ito sa puntod ng kapatid. "And to Lolo too, say goodbye to him." Binaba niya si Calius at hinayaang mag paalam sa dalawa.

"Hey, are you okay?"

Mariin kong pinisil ang kamay ni Silas nang marinig ang tinanong ni Calius.

"Aalis na raw kami . . . next time raw ulit sabi ni ama." Dahan dahan nitong sabi. "Sleepwell Lolo and .  . Carmela." Bago ito naglakad papalapit sa'min at nagpabuhat muli sa ama.

"Babalik na lang ulit kami, pa. Pabantayan na lang si Carmela.." ani ko.

Tuluyan na naming nilisan ang kagubatang 'yon. Sinakay ni Silas si Calius sa backseat at nilagyan ng seatbelt bago pinagbuksan ako ng pintuan.

"Let me." Aniya at nilagyan ako ng seatbelt. Nag iwas ako ng tingin nang maalala ang unang sakay namin sa isa niyang kotse. Dali dali pa ako nag seatbelt para hindi niya ako mahawakan.

Vampire's Runaway Wife Where stories live. Discover now