Kabanata 3

17.4K 820 220
                                    

"Nathalie.." isang mahinang yugyog ang gumising sakin.

"Tali.." isa pang yugyog.

"Hm?" Pikit mata kong sabi.

"Tumae si Calius ano gagawin ko?"

Napamulat ako sabay upo sa kama. Bumungad sakin si Astro bitbit ang isa sa kambal kong si Calius. Nasa 6
months na ito kaya't napaka iyakin na.

"Si Carmela?" Tanong ko at tumayo. Nag puyod muna ako ng buhok bago tiningnang si Astro. Magulo ang buhok nito at malumanay na nakatingin kay Calius.

"Na kay kuya ,naglalaro sila sa teresa kasama mga Kumare ni mama." Aniya bago hinalikan si Calius. "Baho!"

Umirap ako at kinuha si Calius sa kanya. Nilapag ko ito sa kama at tinanggalan ng diaper.

"Wipes." Ani ko kay Astro. "Astro, wipes." Ulit ko. "Astro." Hinarap ko ito.

Tumambad sakin ang tulog na si Astro sa gilid ng kama. Tumingin ako sa bintana bago tumingin sa orasan. 10:32 am.

Antok na nga pala siya kapag umaga na. Nakakalabas naman siya kahit may araw nag susuot siya ng kung anong kwintas para don at ginagala ang kambal kapag hindi siya antok. Bumuntong hininga ako bago kumuha ng wipes at bagong diaper sa cabinet.

"Pinagod mo si Tito Ninong, hmm?" Tanong ko saking anak bago binuhat ito.

Hinayaan ko nalang ang pwesto ni Astro doon sa kama at lumabas. Nasa teresa sina kuya kasama sina mama at kumare nito pinupulong ang anak kong babae.

"Oh, ayan na oh. Sabi ko sa inyo gwapo ang apo ko e!" Inagaw sakin ni mama si Calius bago ibinida sa kanyang mga kumare.


Naupo ako sa tabi ni kuya. Buhat nito si Carmela habang may nginangatang laruan. Inagaw ko yon at pinunasan ang kanyang bibig.


Ang mga kumare ni Mama ay tuwang tuwa naman sa mga bata. Hindi na nakakapagtaka, matatanda sila eh. Gusto nila ang mga sanggol.

"Iiyak to." Ani ni kuya. "Hinugasan ko naman 'yan akin na." Inagaw nya ang laruan sakin bago ibinigay kay Carmela. Sinubo ulit.

"Kailan kaba papasok ulit, Tali?"  Umangat ang tingin ko kay Manang Felecidad.

Ngumiti ako. "Papasok na po ako next month.." ani ko.


Kaylangan ko magtapos at makapag sideline para magkaron ng sariling pera. Ayokong umaasa nalang sa ama ng mga anak ko sa bawat padala niya. Kahit hindi siya magpadala ay ayos lang, kung nakokonsensiya lamang siya na ginawa niya sa akin ay huwag na.

Nagbibigay nga siya ng sustento. . .hindi naman siya papakita sa mga anak niya. Mabuting huwag na nga siyang bumalik at magpakita sa kambal.


"Ay mabuti iyon!" Ani naman ng isa sa kanila.

Tumango nalang ako at nakinig sa usapan nila. Kahit papaano ay 'di naman nila tinanong kung sinong ama ng mga bata. Alam naman siguro nila na sensitibo ang topic na yon saamin, that guy ruined myself.


"Have you eaten breakfast?" Bulong sakin ni kuya.

"Busog na ata ako sa chismis."


Umiling ito at nginuso ng loob ng bahay kaya't nag lakad na lang ako papasok sa kusina. Nakaramdam nanaman ako ng nakamasid sakin. Parati nalang ganito ang eksena sa araw araw ko. Tumingin ako sa bintana ng lababo namin at umiling. Andon ang nakatingin.
Matagal kong tiningnan ang bintanang 'yon bago nahuli ang isang babaeng sumilip. Sumilay ang ngiti sa labi ko. Proud.

Vampire's Runaway Wife Where stories live. Discover now