Kabanata 12

9.8K 511 81
                                    

Meet little Evan!

***

Kumpulan kami sa labas ng bahay sa gitna ng dilim.

Gamit ang ilaw ng apoy mula sa kahoy na hawak ng iba ay nagkakalinawagan kami.




"Lahat ba ng bampira ay may kwintas na?" Sigaw ng ama ni Astro.


Lahat ay sumagot ng "Oo". Niyakap ko ang sarili ko sa kaba noong humangin ng malakas. Malamig at nakakapaninding ng balahibo.


"Ang unang hakbang ay pagmamanman, I need six werewolves and eight from set of vampires. Step forward, any volunteers?" Strikto n'yang sabi.

May lumapit sa'ming batang lalaki sa grupo ng mga bampira. Seryoso itong nakatingin kay Timothy.

"I volunteer, wolfie." Malakas na nagtawanan ang mga kalalakihan sa tapang nito.

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Timothy.


"What's your special ability then?" Daretsyong tanong nito sa bata.

Hanga ako sa tapang at sa awra ng bata. Matatag na nakatindig at masuyong nakikipagtinginan mata sa mata kay Timothy. Napangiti ako nang maalala ko ang itsura ni Calius noong umiyak ako dahil sa ama n'ya. Handa n'ya pang awayin ang sariling ama.


"Just let me volunteer. I can handle myself if you're worried that I was just a kid."


Malakas na tumawa si Astro at pumalakpak sa harap ng bata.

"Dami naman kasi tanong ng asong 'to, parang walang tiwala sa kakayahan mo 'no?!" Gatong nito.


Hindi na sumabat si Timothy bago pa maging away iyon. Nakumpleto na rin ang mga magmamamanman.


Pupunta kami ngayong gabi sa Dita. Sa Barangay kung saan kami nakatira. Ang sabi ni Timothy, may matutuluyan naman silang lahat sa gubat. May mga sakop daw sa kagubatan si Timothy kaya walang problema sa pahingahan.

"Paano sina mama?" Lumapit ako kay Astro na may kausap.


"Mag iistay si mama at lola sa bahay kasama si ina at ilang mga tauhang mag babantay sa kanila. Si papa at kuya sasama, ikaw sa tabi lang kita. 'Wag kang lalayo."
Aniya at binalikan ang kausap.


Kinagat ko ang ibabang labi ko at nilibot ang tingin sa paligid. Lahat sila ay nag hahasa ng kan'ya kaniyang kagamitan.


"Nathalie." Hinarap ko si Timothy. "This is Diego. Magbabantay sa mga magulang mo." Turo niya sa katabi nya.


Saglit kumunot ang noo ko nang mapamilyaran ko s'ya. Parang nakita ko na siya noon. Bahagya siyang tumawa kaya pinaningkitan ko ito.


"Oo, Nathalie. Ako ang lalaking nakita n'yo noong gabing matapos kang manganak." Saglit akong napatango tango.


"Ikaw yung nagsabing mabango ako." Lalo siyang tumawa at tinapik ang balikat ni Timothy.


"Kanang kamay ko siya, s'ya ang umaaligid sa'yo kapag wala ako sa paligid mo noon." Sabat ni Timothy.


Tumango ako. Umalis na si Diego at lumapit sa pamilya ko. Magkatabi kaming nakatayo ni Timothy habang pinagmamasdan ang paligid.


"Nag sandugo na kami kanina." Panira n'ya ng katahimikan. "Hiningi ko ang tiwala nila sa pagtulong sa'yo." Tuloy n'ya.


Hinaplos ko ang braso ko at bumuntong hininga nang malamim.


"Bakit ka tumutulong?" Mahina kong tanong.


Vampire's Runaway Wife Where stories live. Discover now