Kabanata 28

5.8K 332 101
                                    

TW: Death

***

"Hindi, pare. Liliko tayo at lalakad."


Pinagpag ko nang maigi ang kapa ko. Kanina pa kami paikot ikot at tawag nang tawag ng pangalan ni Silas ngunit wala man lang siyang nagiging sagot. Naupo na rin ako sa tabi nina Timothy at luminga sa paligid.



"Tawagin mo nga ulit, Tali." Naupo na rin si Astro sa tabi ko.


"Sigawan mo ng baby, lalabas 'yon." Halakhak ni Carter.



Bahagya akong ngumuso at pinunasan ang pawis na pumatak sa aking noo. Tumayo ako muli.



"S-silas!" Muli akong sumigaw ngunit tinawanan nila ako. "Ano ba!" Kinunutan ko sila ng noo.



"Damn . . . baby is so fucking cringe." Mahinang tawa ni Timothy sa isang gilid.



"Sus. Porque hindi ka tinawag ng kapatid kong baby." Irap ni kuya at pinunasan din ang pawis ni mama.


"You shut up, Bueno Vestra."


"Hoy, 'wag kayo . . . Big time naging shota nitong si Timothy. Sexy . . . Kurbada . . . Matapang!" pagmamayabang ni Astro. "Pero deds na."



"Yun lang," halakhak ni Carter. "O, mahal na reyna ng kalikasan!" Sinamaan siya ng tingin ni Timothy ng tingin si Carter.



Muli kong pinisil ang daliri ko sa kamay nang makakinig ng ilang kaluskos. Pati sina Timothy ay natigil doon.



"Silas?" Sigaw ko. "Baby?" Pakiramdam ko ay nag iinit ang mukha ko sa katahimikan nina Astro.



"Isa pa, gago." Bulong sa'kin ni Carter.



"Nahihiya ako.." ani ko sa kaniya at tiningala siya. Inismiran n'ya ko at tila nandiri sa sagot ko.



"Baby? Silas? Nasaan ka?" Sigaw ko ulit.


"Hala, hindi nag wowork.." boses iyon ni Astro.


Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko at nanatiling nakatayo nang lumitaw si Silas sa harap ko. Pawisan at wala na itong pang itaas ngunit may ngisi sa labi.



"Hala, nagwork!" Sabay na sigaw ng dalawang si Carter at Astro nang sunggaban ako ng yakap ni Silas.



Hindi man lang alintana ang pawis at ilang dugo nito sa katawan. Mahipit akong umakap sa madulas n'yang balat dahil sa pawis.


"Kanina pa kita hinahanap. Anong nangyari? May masakit ba sa'yo? Nasugatan ka ba?" Tanong n'ya sa'kin ay hinawakan ang pisngi ko gamit ang kaniyang dalawang palad. Pinunsan din nito ang luhang pumatak sa aking pisngi.



"A-akala ko hindi ka na darating, akala ko hindi na kami makakaalis dito." Hikbi ko at hinawakan ang braso n'ya.



"Hush, aalis na tayo rito." Hinawakan n'ya ang braso ko at lumapit kina mama at lola pati sa kaniyang ina.



Hinalikan niya muna sa noo ang kaniyang ina ganoon din kay mama at pinatayo sina Astro.



"Tagal mo, uhaw na uhaw na kami." Blangko ang mukha ni Adriel habang nakatingin sa kaniya.


Hindi sumagot si Silas at tinaas kaniyang espada. Humangin ng malakas bago nito tinarak ang espada sa sahig. Nawala ang ilang daan at halos aapat na lang na daanan ang lumitaw. Ang tamang daan.



Vampire's Runaway Wife Where stories live. Discover now