Kabanata 38

6.8K 387 46
                                    

Dahan dahan akong sumubo ng kanin habang nakatingin kay Carter na halos  mag iilang minuto na akong tinititigan. Nag uumagahan kami ngayon at ngayon lang s'ya nahimasmasan.


"Hindi nga? Ikaw nga si Nathalie? Paano ka nakarating dito?"



Hindi ulit ako sumagot. Kanina pa kasi siya hindi makapaniwalang nasa harap n'ya ako. Pinisil n'ya pa ang pisngi ko at tinakot pa ako gamit ang pangil niya para mapatunayang ako raw si Tali.



"Kumain ka na lang, napakadaldal mo." Inis na ani ni Evan at tinapos kaagad ang kaniyang pagkain.



Napahilamos si Carter sa kaniyang mukha.



"Pare, ba't 'di mo ako pinapansin?" Problemadong tanong n'ya kay Silas.



Silas didn't bother to answer him. Kumain lang ito nang tahimik. Kagabi ay ungot siya nang ungot na masakit ang puson niya. Because he's hard! Inasikaso pa namin si Carter kagabi hanggang sa makatulog ito.



"Gago, baka ilusyon ka lang . . . tapos ikaw, bata!" Turo n'ya kay Calius.



Calius looked at him and nod. "Good morning." Bati nito dito.



Madrama siyang humawak sa kaniyang puso at tumayo. Hindi pa rin talaga makapaniwala.



"B-bakit kayo andito? Bakit paggising ko andito na ako? Gago . . . baka panaginip lang talaga ito." Bulong n'ya sa sarili niya. 


Mahina akong natawa dahilan para lingunin n'ya ako. Muli siyang napasigaw na nababaliw na siya talaga at tumayo. Tumakbo ito papuntang banyo't doon nag sisigaw na gumising ka carter!



"You done? Maligo na kayo roon at magpalit ng damit." Utos ni Silas sa dalawang bata.



"Bakit?" Tanong sa kaniya ni Evan. "Malamig ang tubig, ayokong maligo." Anito at halatang antok pa.



"Let's take a bath together." Aya sa kaniya ni Calius.



Tinaasan ito ng kilay ni Evan. "No." Sagot nito. "We're not kids anymore." Supladong sagot nito.



"You two are still kids, Evan. P'wede na kayo magsabay maligo para mabilis." Ani ko't tumango kay Silas nang magpaalam ito para sagutin ang tawag sa kaniyang telepono.


"Edi huwag." Sagot ni Calius sa kanya. "Sabihin mo, mas gusto mo lang kasama sina Uwak at Rayvin." Mahina nitong sabi.



Napangiti ako at niligpit ang mga plato namin.



"What are you talking about? I'm not even friends with them." Evan answered him. "Uwak is a bird and I hate birds so much!"



"I'll just get my clothes and towel, ina." Lumapit siya sa'kin at hindi pinansin ang sinabi ni Evan. "I love you po." Aniya't nilampasan ang kaibigan.



Evan looked at me with amusement. "How dare he?!" He shouted at me.



"Ayaw mo kasing samahan maligo." Asar ko sa kaniya.



"That's all? That's it? Just because of that? Oh my god!" Anito at mistulang stress na hinawakan ang kaniyang sentido.



Ngumuso ako. "Ngayon lang ulit kayo nagkasama, dapat ay bumawi ka."



"Ako pa talaga babawi? You both run away from us, dapat kayo ang bumawi sa'min." Nakapamewang n'yang sabi.


I chuckled and realized something. Evan really got Timothy's attitude. Mula sa pananalita't pagkilos ay kuhang kuha nito. Pinagkrus n'ya ang kaniyang kamay sa dibdib at masama akong tiningnan.


Vampire's Runaway Wife Where stories live. Discover now