Kabanata 1

21.5K 1K 452
                                    

Isang malakas na pag sarado ng pinto ang narinig ko bago tuluyang humagulgol sa harap ng aking pamilya habang hawak ang tiyan ko na naglalaman ng isang bata.

"Sino!?" Sigaw ni kuya.

Apat na buwan simula nang malaman kung buntis ako ay sinabi ko sa aking pamilya na magbabakasyon ako sa maynila ngunit ang totoo ay matapos ang gabing nangyari samin ng estranghero yon pagkalipas ng apat na linggo ay buntis ako.

Agad akong lumayo sa pamilya ko ngunit kinapos ako ng pera matapos ang apat na buwan kaya't napilitang umuwi dito.

"Anak..sabihin mo sino nakabuntis sa'yo?" Naluluhang sabi ni mama.

Umiling ako at tiningnan si lola na nakahawak sa kaniyang dibdib. Si papa ay nakaalalay rito. Si kuya naman ay nakatayo saking harapan habang ako ay nakaupo sa sofa.

"Anong iling yan, Nathalie!?" Sigaw ulit ni kuya.

"K-kuya, hindi ko siya kilala!" Sigaw ko. Hindi ko kayang mag sinungaling sa kanila.

Marahas siyang bumuntong hininga at lumuhod saking harapan bago tiningnan ang aking tiyan.

"Anong hindi mo alam?" Kalmado niyang sabi.

Nilibot ko muna ang tingin sa harapan. Si mama, papa, kuya, at lola ay hinihintay ang sagot ko.



Umiling muli ako, "I don't know him. . .I j-just woke up seeing him naked beside me-"



"What the fuck, Nathalie?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Kuya.



Nanliit ako at yumuko muli. Hindi ako ganitong babae. Hindi ako ganitong anak. Kung alam ko lang na ganoon pala ang mangyayari sana ay hindi na ako sumama sa mga kaklase ko at nakipag inuman.



Kitang kita sa mga mata nila ang disappointment. Wala akong mamagawa. . . ayoko rin namang patayin ang bata dahil ayoko itong idamay sa maling nagawa ko. It's feels illegal and not right. Gusto ko rin itong alagaan.



"Anong itsura niya?" Kalmado na sabi ni papa.


Pinunasan ko ang luha ko at yumuko.




"M-maputi. . .may puting buhok. . .malamig siya humawak. . .para siyang. . .para siyang yelo."



Lumapit sakin si mama bago niyakap ako.



"Ma...anong ginawa nila anak ko, ma?" Paos na sabi ni Mama kay Lola.



Kumunot ang noo ni kuya at papa.



"Diyos ko po." Napasapo ng noo si Lola at kumapit kay Papa. "Sinasabi ko na sa inyo, baka mamaya. . .baka mamaya isa 'yang," sinapo niya ang noo niya at umiling.



Yumuko ako at mariing pumikit. Puno na ng sigawan ang bahay namin sa ilalim ng gabi, hindi na kami magkaintindihan dahil sa galit.



Makailang sandali ng katahimikan ay hinaplos niya ang aking tiyan.




"Malamig ang 'yong tiyan apo." Mapait na ngumiti si lola.




"Lalaki ang magiging anak mo panigurado, dati akong komadrona..ng mga ganito."



Isang gulat na tingin ang ipinukol ni Papa kay Lola.




"Anong ibig mong sabihin, Ma?"




Tumingin si lola kay papa at ngumiti.




"Dinadala ng anak mo ang anak ng isang makapangyarihang nilalang, Danielo. Hindi ako p'wedeng magkamali dahil nangyari na sa atin ito, noon palang."



Vampire's Runaway Wife Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang